Patatagin ang tiwala sa Diyos, apela ni Cardinal Advincula sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 609 total reads

Hinimok ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na magtiwala sa Diyos, manaig sa pangamba at magkaisa sa muling pagtatayo ng Mary Comforter of the Afflicted Parish sa Maricaban, Pasay City.

Ito ang mensahe ng arsobispo sa groundbreaking ceremony na kaniyang pinangunahan para sa bagong simbahan, matapos gibain ang dating estruktura dahil sa mga usaping pangkaligtasan at structural concerns.

Sa kaniyang pagninilay, sinabi ni Cardinal Advincula na bagamat isa ang parokya sa pinakamaliliit sa Arkidiyosesis ng Maynila, hindi maliit ang pangarap ng Diyos para sa kanilang pamayanan.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng maayos na pagpaplano at tapat na paggamit ng mga donasyon sa harap ng mga hamon sa pangangalap ng pondo at pagpapatayo ng simbahan.

Iginiit din ng arsobispo na higit sa pagtatayo ng pisikal na estruktura, dapat maging tahanan ng mga nangangailangan ng pag-asa, kanlungan ng mga nagdadalamhati at lugar ng pagtanggap sa kapwa ang bagong simbahan.

““Maaaring maliit ang ating pamayanan, ngunit hindi maliit ang pangarap ng Diyos para sa atin. Hindi kailangang mayaman tayo upang magsimula. Kailangan lamang nating magtiwala sa Diyos at makiisa sa Kanyang gawain. Ang pananampalataya ay hindi kawalan ng problema; ito ay pagtitiwala na hindi tayo nag-iisa sa pagharap sa mga problema. Ang simbahang ito ay dapat itayo sa lupa, ngunit dapat nakatayo din ito sa pananampalataya, pagkakaisa at pag-ibig,” ayon sa pagninilay ni Cardinal Advincula.

Samantala, hinikayat ni Fr. Jeffrey Jamias, kura paroko ng Mary Comforter of the Afflicted Parish, ang mga mananampalataya na makiisa sa muling pagtatayo ng simbahan upang maibalik ang isang permanenteng lugar para sa mga pagdiriwang ng mga sakramento at pagtitipon ng pamayanan.

Ayon kay Fr. Jamias, nagsilbing hudyat ang groundbreaking ceremony ng nalalapit na pagpapatayo ng bagong simbahan, bagamat wala pang tiyak na petsa ng pagsisimula ng konstruksiyon.

Sa kasalukuyan, idinaraos ang mga misa sa mga kapilya at barangay, habang pansamantalang nasa inuupahang bahay ang tanggapan at tuluyan ng pari.

““Kaya po minabuti po namin para sa kabutihan ng lahat ay ipademolish ito at magpapatayo po ng panibagong simbahan dito sa Maricaban. Itong groundbreaking ceremony ay isa pong hudyat na nalalapit na po ang pagpapatayo ng simbahan. Talagang hinahangad namin na magkaroon ng panibagong simbahan para lahat ng mga pagdiriwang ng mga sakramento at ugnayan ng mga tao sa simbahan at sa parokya ay maging sentro po dito. Pinakamahalaga po ang safety para sa lahat ng mga mananampalataya. Hinihikayat ko po kayo na kapag naitayo ito ay malugod kayong bumisita sa panibagong ganda ng aming parokya at simbahan,” ayon naman sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Jamias.

Kabilang sa mga planong pasilidad ng bagong simbahan ang function hall, conference hall, mas maayos na tanggapan at parking space. Isinasaalang-alang din ang paglalagay ng air-conditioning system at paggamit ng solar energy.

Kaugnay naman ito ng ensiklikal na Fratelli Tutti ni Pope Francis, na nagbibigay-diin sa pagkakapatiran, pagkakaisa at sama-samang pagkilos para sa kabutihan ng pamayanan.

Itinatag noong Hulyo 13, 1992, ang Mary Comforter of the Afflicted Parish ay naglalayong magkaroon ng mas ligtas at maayos na tahanan ng pananampalataya para sa mga mananampalataya sa Maricaban, Pasay City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 51,188 total reads

 51,188 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 130,795 total reads

 130,795 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 164,242 total reads

 164,242 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 199,540 total reads

 199,540 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 424,032 total reads

 424,032 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top