Social communicators, hinimok ni Bishop Tagura na maging saksi ng salita ng Diyos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,098 total reads

Hinimok ni San Jose Bishop Pablito Tagura, SVD, ang mga social communicators ng bikaryato na hindi lamang umasa sa makabagong teknolohiya sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita kundi maging buhay na saksi sa Salita ng Diyos, sa gitna ng mga panganib ng maling impormasyon at pagkakabaha-bahagi lalo na sa social media.

Binigyang-diin ng obispo na higit sa husay sa paggamit ng mga digital platform, mahalagang maisabuhay ng mga mananampalataya ang mga pagpapahalagang nais ipaabot sa publiko.

“Pero these are not just means of communication. We ourselves become the communicators,” pahayag ni Bishop Tagura sa kanyang mensahe sa AVSJ Social Media Pastoral Digiteracy and Training Workshop sa St. Joseph Seminary Compound sa San Jose, Occidental Mindoro nitong October 17.

Binigyang-diin din ng obispo na ang pinakamabisang paraan ng pagpapahayag ng Salita ng Diyos ay ang mismong pamumuhay ng mga mananampalataya.
“In our involvement in our apostolate, we should put flesh and blood—ang ating buhay. Ang siyang pinakamalakas, pinakamatalas at pinakaepektibong communication, means of communicating the Word of God,” ayon sa obispo.

Kasabay nito, hinimok ni Bishop Tagura ang mga kalahok na maging responsable sa paggamit ng social media at maging aktibong tagapagtaguyod ng katotohanan at mga pagpapahalagang Kristiyano.
Aniya, dapat maging mapagmatyag ang Simbahan sa paggamit ng komunikasyon upang hindi ito maging kasangkapan sa pagpapakalat ng maling impormasyon at paghahasik ng hidwaan.
“Sapagkat kung minsan, ‘yung communication ay ginagamit to sow intrigue, fake news, division,” babala ng obispo.

Iginiit ng pastol na kailangang maging aktibo at mahusay ang mga tagapagpalaganap ng pananampalataya sa paggamit ng makabagong midya upang maimpluwensiyahan ang digital space sa pamamagitan ng mga pagpapahalagang Kristiyano.

“We should be present in media, in social media, and employ, and be trained and adept in using the modern means of social communications. We should influence the field,” giit ni Bishop Tagura.

Binigyang-diin din ng obispo na hindi lamang mga kasangkapan sa pagpapadala ng mensahe ang mga teknolohiya, dahil nakaaapekto rin ang mga ito sa pag-iisip, pagkilos at pakikitungo ng mga tao sa isa’t isa.

“They are not just mere instruments, but they change the way we think, the way we behave, and the way we relate to people,” aniya.

Hinikayat niya ang mga kalahok sa pagsasanay na gamitin ang kanilang mga natutuhan upang higit pang mapalaganap ang Mabuting Balita, lalo na sa Apostolic Vicariate of San Jose.

Paalala ng obispo na tulad ni Kristo na nagkatawang-tao upang makipag-ugnayan sa sangkatauhan, nararapat ding maging kongkreto at makita sa buhay ng mga mananampalataya ang mensaheng kanilang ipinahahayag.

Ang pagsasanay ay bahagi ng pagsisikap na paunlarin ang kakayahan ng mga tagapagpalaganap ng pananampalataya sa paggamit ng social media at makabagong teknolohiya sa pagpapahayag ng Mabuting Balita.

Pinangunahan ng mga kawani ng Radyo Veritas 846 ang pagbibigay ng mga panayam sa pangunguna ni Riza Mendoza, station manager at OIC for operations ng himpilan, habang dumalo sa pagtitipon ang 20 kinatawan ng social communications mula sa anim na parokya at isang institusyon ng bikaryato.

Sa pagtitipon ay nahalal si John Lloyd Ricalde bilang tagapamuno ng Social Communications Ministry ng bikaryato na manguna sa mga gawaing ebanghelisasyon gamit ang media.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 66,038 total reads

 66,038 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 144,821 total reads

 144,821 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 178,268 total reads

 178,268 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 213,565 total reads

 213,565 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 437,376 total reads

 437,376 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top