Deboto ng birheng Maria, hinimok na isabuhay ang debosyon sa pagbabagong loob at paglilingkod sa kapwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 43,901 total reads

Hinimok ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang mga deboto ng Mahal na Birheng Maria na isabuhay ang kanilang debosyon sa pamamagitan ng tunay na pagbabagong-loob at paglilingkod sa kapwa, lalo na sa mga mahihirap.

Sa kanyang homiliya sa kapistahan ng Our Lady of Fatima sa replika ng Capelinha de Fatima sa San Remigio, Cebu nitong October 13, binigyang-diin ng arsobispo na hindi sapat ang pagdarasal ng Santo Rosaryo, pagdalo sa nobena at prusisyon, at pagsasagawa ng mga pilgrimage kung hindi nagbubunga ang mga ito ng pagbabago sa buhay.

“Mary does not want devotees who simply admire her. She desires disciples who imitate her,” ayon kay Archbishop Uy.

Binigyang-diin din ng pastol na dapat humantong sa kongkretong pagkilos ang pananalangin, partikular sa pagtulong sa mga nangangailangan.

“Prayer should eventually move our feet. The Rosary in our hands should open those same hands to the poor,” ani ng arsobispo.

Ayon sa arsobispo, dapat makita sa debosyon ng mga mananampalataya ang malasakit sa mga nagdadalamhati, pagdalaw sa mga maysakit, pagpapatawad sa mga nakasakit sa kanila, pakikinig sa mga nalulungkot, at pagtulong sa mga pamilyang nahihirapan sa buhay.

Paliwanag ni Archbishop Uy na ang tunay na debosyon kay Maria ay dapat humantong sa mas malalim na pagkilala at pagsunod kay Hesukristo.

“A true Marian devotee should eventually be recognizable not simply by the Rosary in his or her hand, but by Christ visible in his or her life,” giit pa ng arsobispo.

Samantala, iniugnay ng arsobispo ang mensahe ng Mahal na Birhen sa Fatima —na manalangin, magsisi, at manumbalik sa Diyos —sa mga patuloy na suliraning kinakaharap ng daigdig, kabilang ang galit, pagkakawatak-watak, karahasan, at kasalanan.

“The deepest problems of our world begin in the human heart. And therefore, the healing of our world must also begin there,” ayon kay Archbihsop Uy.

Hinikayat ng arsobispo ang mga mananampalataya na hayaang baguhin ng Diyos ang kanilang puso, ilapit sila ng Birheng Maria kay Hesus, at turuang magmahal at maglingkod sa kapwa.

Binigyang-diin ng arsobispo na ang pinakamahalagang handog sa Mahal na Birhen ay hindi lamang mga bulaklak at panlabas na pagpapakita ng debosyon, kundi isang pusong nagbalik-loob sa Diyos, isang buhay na nakasentro kay Kristo, at mga kamay na nakahandang maglingkod at kumalinga sa mga higit nangangailangan at mahihinang sektor ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 61,966 total reads

 61,966 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 144,992 total reads

 144,992 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 239,324 total reads

 239,324 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 301,009 total reads

 301,009 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 343,877 total reads

 343,877 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top