Philhealth, binuksan ang serbisyong pangkalusugan sa mga P-D-Ls

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,750 total reads

Pinalalawak ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth at Bureau of Jail Management and Penology o BJMP ang access sa serbisyong pangkalusugan ng may 80-libong Persons Deprived of Liberty o PDLs sa buong bansa.

Sa bisa ng Memorandum of Agreement o M-O-A na nilagdaan ng PhilHealth at B-J-M-P, ire-rehistro ang mga P-D-Ls sa PhilHealth upang magkaroon ng access sa mga benepisyong pangkalusugan, kabilang ang mga serbisyong saklaw ng Yaman ng Kalusugan Program o YAKAP.

Kabilang sa hakbang ang accreditation ng mga clinic sa mga pasilidad ng B-J-M-P upang mapalakas ang paghahatid ng serbisyong medikal sa mga taong nakapiit sa 28 pasilidad ng ahensiya sa buong bansa.

Ayon kay PhilHealth Acting President and Chief Executive Officer Dr. Beverly Lorraine Ho, bahagi ito ng pagsusulong ng Universal Health Care upang matiyak na walang Pilipinong maiiwan sa access sa serbisyong pangkalusugan, kabilang ang mga nasa kustodiya ng pamahalaan.

Inihayag naman ni B-J-M-P Jail Director Efren Nemeño na makatutulong ang awtomatikong pagpapatala ng mga PDL sa National Health Insurance Program upang matugunan ang matagal nang kakulangan sa paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga piitan sa buong bansa.

Binibigyan-diin sa ensiklikal na Fratelli Tutti ni Pope Francis ang pagkakapatiran at pagkakaisa ng lahat ng tao, anuman ang kanilang kalagayan sa buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 12,667 total reads

 12,667 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 52,007 total reads

 52,007 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 87,307 total reads

 87,307 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 313,576 total reads

 313,576 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 206,203 total reads

 206,203 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top