Pagbawi ng House prosecution sa 3-articles of impeachment, naayon sa national interest

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 737 total reads

Mayroong nakikitang praktikal at constitutional na dahilan si dating Far Eastern University Institute of Law Dean Atty. Mel Sta. Maria sa naging desisyon ng House prosecution na bawiin ang tatlo sa apat na impeachment articles laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni Sta. Maria na pareho lamang ang magiging constitutional consequence sakaling ma-convict ang Vice President, anuman ang bilang ng articles na pagbatayan ng conviction.

Noong Oktubre 13, 2026 tinanggap ng Senate Impeachment Court ang withdrawal ng Articles I, III at IV, na tumatalakay sa alegasyon ng maling paggamit ng confidential funds, bribery, at grave threats, kaya Article II on unexplained wealth na lamang ang natitirang usapin sa paglilitis.

“Whether apat ang articles of impeachment o isa ang article of impeachment, ang resulta has the same constitutional impact. Pareho rin. Tandaan natin ang punot-dulo nito ay conviction or acquittal.” Bahagi ng pahayag ni Sta. Maria sa Radyo Veritas.

Para kay Sta. Maria, maaari ring mapabilis ng pagtuon sa isang artikulo ang proseso, kung saan mababawasan din ang gastos ng paglilitis at maiiwasan ang mas mahabang political polarization, habang may iba pang gawaing pambatas na kailangang isagawa ng Senado gaya ng paghahanda sa 2027 national budget.

“Ang pag-ikli ng proseso ay in the national interest while achieving the same constitutional impact.” Dagdag pa ni Sta. Maria.

Ayon kay Sta. Maria, hindi rin maituturing na awtomatikong nangangahulugan ng mistrial ang pag-withdraw ng tatlong articles, taliwas sa argumento ng defense.

Aniya, nananatili ang pagkakataon ng depensa na tumugon sa natitirang Article II, kabilang ang pag-cross-examine, paghahain ng mosyon at paglalahad ng sariling ebidensya, kung saan sa naging ruling ng impeachment court, ang depensa ay maglalahad ng ebidensya para sa natitirang Article II.

“Nabigay na nga sa inyo ang ultimate remedy, tinanggal na. ‘Di ba? So sometimes it’s perplexing… Tingnan mo rin ang practicality noon.” Ayon pa kay Sta. Maria.

Ipinaliwanag din ni Sta. Maria na sa natitirang kaso, mas mabibigyang-pansin ang mga dokumentong iniharap bilang ebidensya kaysa sa personalidad ng mga nag-authenticate nito.

“Ang focus mo na, hindi na sa messenger, kundi doon sa message. Ang focus mo na, hindi na doon sa tao, kundi sa dokumento.” Ani Sta. Maria.

Kabilang sa mga ebidensyang iniharap ng prosecution sa Article II ang mga dokumento mula sa mga bangko, insurance companies at government agencies.

Binigyang-diin din ni Sta. Maria na ang impeachment proceeding ay hindi criminal prosecution para sa pagkakakulong o pagpapataw ng multa, kundi proseso upang matukoy kung karapat-dapat pang manatili sa mataas na pampublikong posisyon ang isang opisyal batay sa mga constitutional grounds for impeachment.

“Ang kasong ito, hindi para ikulong o pagmultahin si VP President Sara, kundi titingnan natin ang kanyang fitness pa, fitness at katayuan para magpatuloy pang bise presidente.” Dagdag pa ni Sta. Maria.

Aniya, mahalagang balikan sa ganitong proseso ang constitutional principle na ‘public office is a public trust’, at kung nananatili pa ang tiwala ng publiko batay sa mga ebidensyang inilatag sa paglilitis.

“Public office is a public trust pa ba? Ang kapanatagan ba ng mga tao ay nandoon pa sa mga milyon-milyong ebidensyang ‘yan? ‘Yan ang tanong diyan.” Ayon pa kay Sta. Maria.

Samantala, sinabi rin ng House Prosecution na sapat na ang kanilang iniharap na ebidensya sa Article II upang maipagpatuloy ang kaso, habang patuloy namang itinatanggi ng kampo ni Duterte ang mga alegasyon laban sa bise presidente.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 14,339 total reads

 14,339 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 53,561 total reads

 53,561 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 88,861 total reads

 88,861 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 315,130 total reads

 315,130 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 207,679 total reads

 207,679 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top