PAP, tutol sa “blanket ban” sa paggamit ng menor-de-edad ng social media

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,774 total reads

Nilinaw ng Psychological Association of the Philippines (PAP) na suportado nito ang mga hakbang na naglalayong protektahan ang mga bata laban sa mapanganib na epekto ng social media, ngunit tinututulan ng organisasyon ang tinatawag nitong blanket ban o lubusang pagbabawal sa paggamit nito ng mga menor de edad.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni Dr. Peejay Bengwasan, Board Member ng PAP at isang clinical psychologist, na may kapakinabangan din ang social media sa komunikasyon, pakikipag-ugnayan at pagsusulong ng mental health at well-being.

“Ang sa association naman po namin, sa Psychological Association of the Philippines, ang position po namin ay kami sumusuporta sa mga batas na naglalayon talaga na i-regulate ‘yung mga bagay na medyo harmful sa ating mga bata.” Bahagi ng pahayag ni Bengwasan sa Radyo Veritas.

Gayunman, sinabi ng eksperto na mayroon ding problema ang isang polisiya na pantay na magbabawal sa lahat ng social media dahil maaari nitong alisin hindi lamang ang harmful content kundi pati ang mga positibong gamit ng digital platforms.

“Ang mahirap doon sa naipasa na version sa ngayon ay nilalahat niya kasi, as we termed, parang blanket ban kasi siya.” Dagdag pa ni Bengwasan.

Sinabi ni Bengwasan na maaaring mawala ang access ng mga kabataan sa pakikipag-ugnayan sa kanilang ka-edad, komunikasyon sa pamilya at teachers, at mga online resources na maaaring makatulong sa kanilang pang-araw-araw na buhay at mental health.

Ipinaliwanag din ni Bengwasan na hindi sapat ang dalas ng paggamit ng social media upang agad itong tawaging addiction.
Ayon sa eksperso, mahalagang tingnan ang dahilan ng paggamit, epekto nito sa kilos ng bata at kung naaapektuhan na nito ang kanyang mga pangunahing responsibilidad.

“Ang behavior kumbaga ng isang bata na medyo kailangan nating matingnan ay kung ano ‘yung nagiging reaction nila kung kunwari nawawala ‘yung social media sa kanila.” Ayon pa kay Bengwasan.

Pagbabahagi ng doctor, kabilang sa maaaring warning signs ang matinding pagkabalisa o galit kapag inaalis ang gadget o social media, pakikipag-away, pagiging agresibo, at ang hindi na pagtupad sa mga pangunahing tungkulin.

“May mga form din ang addiction kasi na umaabot sa point na medyo nagkakaroon ng aggression na o kaya pakikipag-away. At ‘yung punto na hindi na nagagawa ‘yung mga basic na duties and responsibilities ng isang tao, bata o magulang, in lieu of social media.” Ani Bengwasan.

Dahil dito, iminungkahi ng PAP na sa halip na simpleng pagbabawal, pag-aralan ang datos at pagbutihin ang mga umiiral nang safety features gaya ng teen accounts, parental controls at iba pang regulatory mechanisms ng social media platforms.

Mahalaga rin aniya ang paggamit ng social media para sa mental health advocacy at access sa impormasyon at suporta, kaya dapat isaalang-alang sa paggawa ng polisiya ang parehong panganib at pakinabang nito.

Sa bahagi ng Simbahan, ang proteksyon sa mga bata online ay hindi lamang usapin ng pagbabawal sa teknolohiya, kundi ng paglikha ng mas ligtas at mas responsableng digital environment na isinasaalang-alang ang kanilang kaligtasan, mental health, development at karapatan sa makabuluhang pakikipag-ugnayan.

Sa kasalukuyan, may iba’t ibang panukala sa Kongreso tungkol sa age restrictions, age verification, parental controls at iba pang child-safety measures.

Noong Oktubre 12, 2026, inaprubahan ng House of Representatives ang isang panukalang nagtatakda ng mas mababang age threshold, habang mas mahigpit na version naman ang naunang inendorso ng Senado na nagbabawal sa paglikha ng social media accounts ng mga wala pang 18 taong gulang. Kailangan pang pag-isahin ng dalawang kapulungan ang kanilang mga bersyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 17,628 total reads

 17,628 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 56,721 total reads

 56,721 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 92,021 total reads

 92,021 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 318,290 total reads

 318,290 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 210,602 total reads

 210,602 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top