2026 annual convention ng CPGP, nakatuon sa bioethics at pagpapahalaga sa buhay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 59,915 total reads

Ipinagdiriwang ng Catholic Physicians’ Guild of the Philippines (CPGP) ang ika-90 anibersaryo nito kasabay ng 2026 Annual Convention na nakatuon sa mga usaping bioethics at pagpapahalaga sa buhay ng tao sa bawat edad at yugto.

Sa panayam sa programang Barangay Simbayanan, sinabi ni Dr. Edwin Rodriguez, Overall Chairperson ng 90th Anniversary at 2026 Annual Convention ng CPGP, na gaganapin ang pagtitipon sa Oktubre 24, 2026 sa University of Santo Tomas (UST), kung saan unang nabuo ang organisasyon.

Tema ng pagtitipon ang “Bioethics Through Life’s Ages and Stages,” na tatalakay sa iba’t ibang ethical dilemmas na maaaring kaharapin ng mga healthcare professionals mula sa pagsisimula ng buhay hanggang sa pagtanda.

Ayon kay Rodriguez, kabilang sa mga paksang tatalakayin ang mga usapin tungkol sa mga sanggol na may congenital anomalies, genetic testing sa mga bata, medical experimentation, pangangalaga sa mga pasyenteng may dementia o Alzheimer’s disease, at mga ethical dilemma na mismong nararanasan ng mga healthcare professionals.

“Ang mga topics po kasi dito ay binabakas po ‘yung mga ethical dimensions, ethical tensions po across the different ages.” Bahagi ng pahayag ni Rodriguez sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag din ni Rodriguez na ang bioethics ay sangay ng ethics na ginagamit upang suriin ang mga prinsipyo ng tama at mali kaugnay ng buhay ng tao, isang mahalagang kaalaman para sa mga doktor at iba pang healthcare workers na maaaring humarap sa mahihirap na desisyong medikal sa kanilang araw-araw na serbisyo.

“Bilang mga manggagamot po at ‘yung mga allied health care workers po na kasama natin sa pag-aalaga ng mga buhay ng mga pasyente, isa po ito sa mahalagang aspeto na kailangang matibay po ang ugat ng kaalaman sapagkat hindi po maiwasan na maharap ang isang health care professional o medical professional sa mga bioethical tensions at bioethical dilemmas.” Dagdag pa ni Rodriguez.

Binigyang-diin din ni Rodriguez na ang pagpapahalaga, pagprotekta, at pangangalaga sa buhay ay mahalagang bahagi ng panunumpa ng isang manggagamot.

“Ang pagpapahalaga at pag-aalaga, protection at preservation po ng buhay at all humanly possible cost po.” Ayon pa kay Rodriguez.

Para sa CPGP, mahalagang mapalalim ang pag-unawa ng mga doktor sa ugnayan ng kanilang propesyon, science, ethics at pananampalataya upang makapagpasya nang may paggalang sa dignidad ng bawat pasyente.

Ayon kay Rodriguez, maraming pagkakataon kung saan maaaring magtulungan ang pananampalataya at medisina sa pangangalaga sa tao.

“Hindi po totoo na may conflict ang Catholic faith at ang medisina. In fact, baligtad po, marami pong interfaces na strongly complementary po ang Catholic faith at ang medicine.” Ani Rodriguez.

Dahil dito, nais ng CPGP na maging mas bukas at accessible sa publiko at sa mga healthcare professionals ang organisasyon upang maipaliwanag ang pananaw ng Simbahan sa mga usaping may kinalaman sa buhay at medisina.

Sinabi rin ni Rodriguez na bukas ang kanilang convention hindi lamang sa mga Catholic physicians kundi maging sa mga interesadong healthcare professionals, religious personnel, hospital chaplains at iba pang nais mas maunawaan ang aplikasyon ng bioethics sa medical profession.

Sa ika-90 taon ng Catholic Physicians’ Guild of the Philippines, nais ng organisasyon na higit pang palawakin ang presensya nito bilang katuwang ng Simbahan at ng healthcare community sa pagsusulong ng isang medisina na nakaugat sa kaalaman, konsensya, ethics at paggalang sa dignidad ng buhay ng bawat tao.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 22,141 total reads

 22,141 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 47,690 total reads

 47,690 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 118,126 total reads

 118,126 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 204,642 total reads

 204,642 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 247,664 total reads

 247,664 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 295,522 total reads

 295,522 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 22,142 total reads

 22,142 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »
Scroll to Top