Mabuting kalusugan ni Pope leo XIV, mga pamilya at mag-asawa, ipinagdasal sa misang pinangunahan ni Cardinal Tagle sa Vatican

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,021 total reads

Pinangunahan ni Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle ang Banal na Misa sa Vatican ngayong Oktubre 14, 2026 bilang pagtatapos ng paggunita sa ika-10 anibersaryo ng Apostolic Exhortation ni Pope Francis na Amoris Laetitia at bilang pananalangin para sa paggaling ni Pope Leo XIV.

Ipinagkatiwala kay Cardinal Tagle ang pangunguna sa Banal na Misa matapos maospital ang Santo Papa para sa isang operasyon sa baga.

Partikular na ipananalangin sa Misa ang kalusugan ng Santo Papa gayundin ang mga pamilya at mag-asawa.

Ginanap ang Banal na Misa sa St. Peter’s Square na dinaluhan ng mga lider ng Eastern Catholic Churches, mga pangulo ng mga Catholic Bishops’ Conferences, mga mag-asawa at mga eksperto na lumahok sa pagtitipon na tumatalakay sa pagpapatuloy ng pastoral accompaniment ng Simbahan sa mga pamilya.

Si Cardinal Tagle ay ang Pro-Prefect ng Dicastery for Evangelization at kamakailan lamang ay napili bilang bagong Dean ng College of Cardinals, bilang kahalili ni Cardinal Giovanni Battista Re.

Bilang Dean ng College of Cardinals, isa sa mga unang malalaking Vatican liturgical responsibilities ni Cardinal Tagle ang pangunguna sa Misa para sa pagtatapos ng Amoris Laetitia gathering sa Vatican.

Samantala ayon sa Holy See Press Office, naging matagumpay ang operasyon at walang naging komplikasyon ang isinagawang operasyon kay Pope Leo XIV sa Agostino Gemelli University Hospital sa Rome noong Oktubre 13, 2026.

Inalis ng mga doktor ang lower lobe ng kanang baga ng Santo Papa sa pamamagitan ng video-assisted procedure.

Iniulat naman ng Vatican noong Miyerkules na nagising nang normal ang Santo Papa matapos ang operasyon at, matapos ang maikling panahon ng pagmamasid, ay bumalik sa kaniyang silid sa ika-10 palapag ng Gemelli Hospital.

Bago ang operasyon, personal na hiniling ni Pope Leo XIV ang panalangin ng mga mananampalataya matapos niyang ihayag na may nakita ang mga doktor na maliit at localized na bukol sa kaniyang baga.

Sa pangunguna ni Cardinal Tagle sa Banal na Misa, naging sentro rin ng panalangin ng Simbahan ang kalusugan ng Santo Papa at ang patuloy na pagtulong at paggabay sa mga pamilya na isang mahalagang tema ng Amoris Laetitia at ng pagtitipon sa Vatican.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 30,624 total reads

 30,624 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 68,613 total reads

 68,613 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 103,912 total reads

 103,912 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 330,182 total reads

 330,182 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 221,686 total reads

 221,686 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top