Pag-ayuno, kawanggawa at panalangin, tunay na diwa ng Kuwaresma

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,075 total views

Bagama’t mga abo, ang bawat isa ay nilikha ng Panginoon na kanyang kawangis.

Ito ang binigyan diin ni Cubao Bishop-emeritus Honesto Ongtioco kasabay ng paggunita ng sambayanang Kristiyano sa Miyerkules ng Abo, ang hudyat ng pagsisimula ng Kuwaresma.

Ayon sa dating obispo ng Diyosesis ng Cubao, ang pagpapahid ng abo ay tanda ng pagiging makasalanan, gayundin ang paalala sa kamatayan.

Paliwanag ni Bishop Ongtioco sa misang ginanap sa Veritas Chapel, na ang bawat isa ay mula sa alabok at sa alabok din hahantong, subalit dahil din sa kabutihan ni Hesus na tinubos ang sangkatauhan mula sa kasalanan ang siyang nagbukas sa buhay na walang hanggan.

“Tandaan mo… Ikaw ay alabok at sa alabok ka babalik.” Oo, sa alabok nga tayo nanggaling, pero anong nangyari? —Si Hesus ay naging tao. So, ibig sabihin, nakibahagi [Siya] sa ating kahinaan, sa ating, ah, abang kalagayan; “Pero alabok, pa’no ka nilikha ng Diyos?” —Hiningahan ka. Dati, walang kabuhay-buhay; [pero] dahil sa Kanyang hininga, binahaginan ka ng Kanyang buhay, naging tao ka, isang nilikha, kawangis ang Diyos. Binahaginan ng Diyos ang Kanyang kabanalan. [At] ‘yon ang dapat po nating tandaan,” ayon kay Bishop Ongtioco.

Binigyan diin din ng obispo ang tatlong pangunahing gawain ngayong Kuwaresma, mahalagang isaalang-alang ng mga mananampalataya.

Una, panalangin. Kahit maikli, basta galing sa puso at may pasasalamat o panawagan sa gabay ng Diyos. Pangalawa, pag-aayuno at pagtitimpi. Hindi lamang sa pagkain—maaaring bawasan ang oras sa aliw o luho at ituon sa mabuting gawa at pagbabasa ng Salita ng Diyos.

Pangatlo, kawanggawa. Hindi laging pera; simpleng pakikinig, pakikipagkapwa, at pagtulong sa nangangailangan ay malaking biyaya at pagpapakita ng tunay na pagmamahal.

Ayon kay Bishop Ongtioco, ang maliliit na gawaing may puso at pagmamahal ay higit na mahalaga sa Diyos kaysa sa mga nakikita lamang ng tao.

Hinihikayat din ng obispo niya ang lahat na gawing makabuluhan ang apatnapung araw na paglalakbay sa Kuwaresma, at tanggapin ang buhay at pag-asa na hatid ni Hesus—mula sa alabok, tayo’y ginawang mahalaga at pinagpala.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 153,726 total views

 153,726 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 183,949 total views

 183,949 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 210,595 total views

 210,595 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 305,568 total views

 305,568 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 316,557 total views

 316,557 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top