Imahe ng Nuestro Padre Hesus Nazareno, tinanggap ng Archdiocese of Los Angeles

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 38,622 total reads

Pinangunahan ni Balanga Bishop Rufino Sescon, ang welcome mass para sa pagdating ng opisyal na replika ng imahen ng Nuestro Padre Hesus Nazareno sa Holy Family Catholic Church sa Los Angeles noong ika-14 ng Pebrero, 2026 na isang makasaysayang sandali para sa sambayanang Pilipino sa Archdiocese of Los Angeles.

Sa kanyang homiliya, ibinahagi ni Bishop Sescon ang kanyang personal na karanasan bilang dating rektor ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno o mas kilala bilang Quiapo Church, na isang misyon na una niyang tinanggap nang may pag-aalinlangan ngunit kalauna’y naging malalim na biyaya sa kanyang buhay.

“I’m not really a cradle devotee of Jesus Nazareno, but maybe He sent me there so that I would understand Him better and know Him better and love Him better.” Bahagi ng pagninilay ni Bishop Sescon.

Ayon kay Bishop Sescon, bagamat tatlong taon lamang ang kanyang pananatili sa Quiapo, ito naman ay naging tatlong taong puno ng biyaya lalo na nang ideklara ang Quiapo Church bilang pambansang dambana at nang aprubahan ng Kalipunan ng mga Obispo ang Enero 9 bilang National Feast ng Hesus Nazareno.

“That is why wherever Filipinos are, we could celebrate the feast of Jesus Nazareno every January 9, just like we celebrate the Santo Niño.”

Pagbabahagi ng Obispo na may tatlong mahalagang tanda kung bakit malapit sa puso ng mga Pilipino ang Hesus Nazareno, ito ang krus, ang pagbangon sa gitna ng paglalakbay, at ang misyon.

Paliwanag ni Bishop Sescon, ipinapakita ng krus na si Kristo ay Diyos na lubos na nakikiisa sa paghihirap ng tao; habang ang mga paa ng Nazareno ay naglalarawan naman ng pagbangon.

Ayon sa Obispo, ang diwa ng Traslasyon ay ang patuloy na paglalakbay kasama ang Panginoon na nagbibigay-lakas sa gitna ng mga pagsubok sa buhay.

Pinaalalahanan naman ni Bishop Sescon ang mga deboto na ang tunay na debosyon ay dapat na magbunga ng pagmimisyon at paglilingkod sa kapwa.

“Our love for Him should be translated to mission. It’s not just about ourselves… It is about becoming responsible Christians, responsible citizens.” Dagdag pa ni Bishop Sescon.

Ipinapanalangin din ni Bishop Sescon na nawa’y patuloy na lumago ang tatlong biyaya ng Nuestro Padre Hesus Nazareno na debotion, traslasyon, at mission hindi lamang sa Los Angeles kundi saan man naroroon ang mga Pilipino at deboto ng Hesus Nazareno.

“We have a God who is like us. We have a God who rises with us. We have a God who is worthy of our trust.” Ayon pa kay Bishop Sescon.

Matatandaang pormal na tinanggap ng pamunuan ng Holy Family Catholic Church ang opisyal na replika ng imahen ng Poong Hesus Nazareno noong Enero 25, 2026 sa Quiapo Church sa pamamagitan ng paglagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) nina Rev. Fr. John Cordero, MMHC, kura paroko ng Holy Family Catholic Church sa Los Angeles, at Rev. Fr. Jade Licuanan, rektor ng Pambansang Dambana ng Hesus Nazareno.

Ayon sa pamunuan ng Quiapo Church, ang pagkakaloob ng replika ng imahen ng Hesus Nazareno ay patunay ng patuloy na paglaganap ng Pilipinong debosyon at espirituwalidad sa buong mundo na isang buhay na ugnayan ng Quiapo at ng mga Pilipinong mananampalataya sa ibayong-dagat, na pinag-uugnay ng pananampalataya, sakripisyo, at debosyon.

Umaasa rin ang pamunuan ng Quiapo Church na ang presensya ng opisyal na replika ng Poong Jesus Nazareno ay magpapalalim pa sa pananampalataya, magpapatibay ng pagkakaisa, at magsisilbing bukal ng pag-asa at lakas para sa mga Pilipinong Katoliko sa Archdiocese of Los Angeles.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 12,532 total reads

 12,532 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 13,735 total reads

 13,735 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 28,423 total reads

 28,423 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 65,800 total reads

 65,800 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 97,070 total reads

 97,070 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 172,491 total reads

 172,491 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 265,347 total reads

 265,347 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 25,730 total reads

 25,730 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top