85-pesos na wage hike, hindi sapat

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,157 total reads

Nanindigan ang Ecumenical Institute for Labor Education and Research o EILER na hindi sapat ang ipatutupad na 85-pesos na dagdag-sahod sa minimum wage earners sa National Capital Region o NCR.

Iginiit ng EILER na bagamat ito ang pinakamataas na wage increase sa kasaysayan ay nananatili pa rin itong malayo sa antas ng nakabubuhay na suweldo sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain, pamasahe, langis, at iba pang pangunahing bilihin o serbisyo.

Ayon kay EILER Executive Director Rochelle Porras, hindi nangangahulugan na makabuluhan ang pagtaas ng minimum wage kung hindi naman ito umaabot sa antas na sapat upang matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng mga manggagawa at kanilang pamilya na apektado ng patuloy na pagtaas ng inflation at mataas na presyo ng mga bilihin.
““Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng NCR labor productivity simula 2000, bumaba ang tunay na halaga ng sahod sa NCR. Kung kaya naman walang signipikanteng pagtaas sa loob ng dalawampung taon,” ayon sa mensahe ni Porras.

Ipinaliwanag ng EILER na ang kasalukuyang average minimum wage sa bansa ay malayo pa rin sa P1,305 Family Living Wage para sa pamilyang may limang miyembro.
Sa NCR naman kahit umabot na sa 780-pesos ang arawang minimum wage ay malaki pa rin ang agwat nito sa tinatayang P1,279 Family Living Wage.
Binatikos din ng EILER ang 2-beses na pagpapatupad ng dagdag-sahod kung saan 60-pesos ang ipatutupad sa ika-19 ng Hulyo 2026 habang ang nalalabing 25-pesos ay sa January 2027 pa ipapatupad.

“Kaisa ang mga manggagawa, patuloy nating igigiit ang karapatan sa nakabubuhay na sahod, seguridad sa trabaho, at isang ekonomiyang tunay na nakabatay sa kapakanan ng mamamayan at hindi sa interes ng iilan, “ bahagi pa ng mensahe ni Porras sa EILER.

Patuloy namang isinusulong ng Simbahang Katolika ang pagtataguyod sa dignidad ng paggawa at makatarungang pasahod at mga polisiyang magbibigay ng sapat na kabuhayan at digdinad sa mga manggagawa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 66,208 total reads

 66,208 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 169,785 total reads

 169,785 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 206,573 total reads

 206,573 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 237,148 total reads

 237,148 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 282,759 total reads

 282,759 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 24,440 total reads

 24,440 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »
Scroll to Top