Mass for truth, Justice at Accountability, isinagawa sa Immaculate Conception Cathedral

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,086 total reads

Pinangunahan ng Clergy for Good Governance (CGG) kasama ang mga mananampalataya ang misa at pananalangin para sa mga House Prosecutors, ilang draw bago ang pagsisimula ng impeachment case laban kay Vice President Sara Dutere.

Isinagawa ang Mass for Truth, Justice and Accountability sa Chapel of the Nativity ng Immaculate Conception Cathedral sa Cubao, Quezon City bilang pagpapakita ng suporta at espirituwal na paggabay sa prosecution panel bago ang inaabangang impeachment trial na magsisimula sa July 6.

Kabilang sa dumalo sa misa ang lead prosecutor na si Batangas Rep. Gerville Luistro kasama ang mga kapwa House prosecutors na sina Reps. Leila de Lima, Lorenz Defensor, Joel Chua, Ysabel Maria Zamora at Kaka Bag-ao, gayundin ang mga private prosecutors na sina Lorna Kapunan at Marforth Fua.

Pinangunahan ang banal na misa ni Fr. Bong Sarabia, habang si Msgr. Mel David ang nagbigay ng homiliya. I

Sa homiliya, hinimok ni Msgr. David ang prosecution panel na gampanan ang kanilang tungkulin nang may tapang, katapatan at pananampalataya, habang ipinaalala na nakatuon sa kanila ang atensyon ng sambayanang Pilipino sa pagsisimula ng paglilitis.

Nanalangin din ang pari na gabayan ng Diyos ang mga prosecutor sa buong proseso at manatili silang tapat sa katotohanan, katarungan at kanilang sinumpaang tungkulin.

“Lord, we do not ask that one side should win. We ask that the truth be known. We ask that justice be done. And we ask that whatever the outcome, our nation may grow in truth, in justice, and in respect for the rule of law. Heal what divides us and teach us again to seek the common good before our own interest,” bahagi ng panalangin ng CCG.

Nagpasalamat naman si Luistro sa mga pari at mananampalataya sa ipinagkakaloob na panalangin at suporta, na aniya’y nagsisilbing lakas ng prosecution panel sa kabila ng bigat ng kanilang responsibilidad at mga hamong kinakaharap.

Nanawagan naman si Luistro sa publiko na ipagdasal hindi lamang ang House prosecutors at private prosecutors kundi maging ang defense panel, ang mga senator-judges, at ang buong sambayanang Pilipino upang manaig ang katotohanan, katarungan at ang tuntunin ng batas.

Dagdag pa ng mambabatas, “Let us pray even for the defense team. Let us pray even for the senator judges. Let us pray for the entire Philippine nation. Kung saan po nanggagaling ang paninindigan naming lahat. It is because we believe that Filipinos deserve better leaders. Filipinos deserve better nation. Filipinos deserve better republic.”

Hiniling din ng lead prosecutor ang patuloy na suporta ng publiko hanggang sa matapos ang impeachment trial, kasabay ng panawagang samahan sila sa pananalangin para sa pananagutan ng respondent sa ilalim ng proseso ng Saligang Batas.

“Join us as we pray for the conviction of the respondent in this impeachment trial,” ayon sa mambabatas.

Nakatakdang magsilbing impeachment court ang Senado sa July 6 upang dinggin ang reklamo laban kay Vice President Sara Duterte, na inaprubahan ng Kamara noong Mayo matapos itong suportahan ng 257 mambabatas.

Kabilang sa mga reklamong kinakaharap ng Pangalawang Pangulo ang betrayal of public trust, culpable violation of the Constitution, graft and corruption, at iba pang mabibigat na paglabag.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 18,564 total reads

 18,564 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 1,343 total reads

 1,343 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 39,965 total reads

 39,965 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 141,787 total reads

 141,787 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 182,345 total reads

 182,345 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 202,740 total reads

 202,740 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

VP Sara at asawa, may 51-baril

 31,938 total reads

 31,938 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »
Scroll to Top