1,222 total reads
Itinakda ang Archdiocese of Davao sa Enero ang pagtatalaga kay Mati-Bishop Abel Apigo bilang arsobispo ng Davao.
Ang rito ng pagtatalaga ay gaganapin sa January 14, 2007 ika-9 ng umaga sa San Pedro Metropolitan Cathedral sa Davao City.
Si Archbishop-designate Apigo ang hahalili sa nagretirong si Archbishop Romulo Valles na naglingkod sa arkidiyosesis sa loob ng 14-taon.
Bago italaga sa Davao, unang itinalaga si Bishop Apigo bilang ikalawang obispo ng Mati noong 2018.
Nagtapos siya ng pilosopiya at teolohiya sa St. Francis Xavier Regional Major Seminary of Mindanao at naordinahang pari para sa Archdiocese of Davao noong 1994.
Naglingkod din siya bilang kura paroko at nag-aral sa Roma kung saan nakakuha siya ng licentiate sa Church History mula sa Pontifical Gregorian University noong 2000.
Bago naging obispo, humawak siya ng iba’t ibang posisyon sa seminaryo, kabilang ang pagiging propesor, vice rector at rector. Naging episcopal vicar din siya para sa mga pari ng Archdiocese of Davao noong 2014.
Samantala, tinanggap ni Pope Leo XIV noong Nobyembre 9 ang pagbibitiw ni Archbishop Valles na halos 14 na taon ding namuno at gumabay sa Archdiocese of Davao.
Bago ito, nagsilbi rin si Archbishop-emeritus Valles bilang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP.




