Naninindigan sa katotohanan, katarungan at kabutihan, pararangalan sa VERITAS Truth Awards

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,477 total reads

Naninindigan sa katotohanan, katarungan at kabutihan, pararangalan sa VERITAS Truth Awards

 

Binigyang-diin ni Rev. Fr. Roy Bellen, Pangulo ng Radio Veritas at Chairman of the Board of Judges ng kauna-unahang Veritas Truth Awards, na layunin ng pagkilala na bigyang-pugay at palakasin ang loob ng mga indibidwal at organisasyong naninindigan para sa katotohanan, katarungan at kabutihan ng lipunan.

Ito ay sa gitna ng laganap na disinformation at mga pag-atake laban sa mga nagsasabi ng katotohanan.

 

Sa panayam sa programang Barangay Simbayanan, sinabi ni Fr. Bellen na nais gamitin ng Radyo Veritas ang kredibilidad at mga pagkilalang natanggap nito upang kilalanin ang mga taong may mahalagang ambag sa lipunan.

 

Ayon sa Pari, bagama’t nakatanggap na ang himpilan ng iba’t ibang parangal, kabilang ang Ramon Magsaysay Award, FAMAS at Golden Dove Awards, mahalagang maibahagi rin nito ang pagkilalang iyon sa mga taong nagsisilbing saksi ng katotohanan sa lipunan.

 

“Ang purpose po natin dito, kahit paano, ‘yung mga taong they stand for the truth, for what is right, they stand as mga liwanag po para sa atin, mapalakas ang loob,” Bahagi ng pahayag ni Fr. Bellen sa Radyo Veritas.

 

Pagbabahagi ni Fr. Bellen, “We want to make them feel, alam po ng Radio Veritas, ng Simbahan, ang inyong pong posisyon, at kami rin po ay suportado po namin ang inyong pong ginagawa para ipagtanggol ang katotohanan, ang tama,”

 

Ipinaliwanag din ni Fr. Bellen na mahalagang kilalanin ang mga taong patuloy na naninindigan sa tama kahit nakararanas ng panggigipit, pananakot at pambabatikos.

 

Samantala, ibinahagi rin ng Pari na dumaan sa masusing pagtalakay at pagsusuri ng Board of Judges ang mga nominado sa iba’t ibang kategorya, kung saan isinaalang-alang sa pagpili ang kanilang aktuwal na kontribusyon, paninindigan at epekto sa lipunan, upang matiyak na magkakatugma ang pag-unawa ng mga hurado sa mga katangiang kinikilala ng bawat parangal.

 

Binigyang-diin din ni Fr. Bellen na hindi lamang mga kilalang personalidad ang kabilang sa mga nominado, kundi pati mga indibidwal na maaaring hindi tanyag sa publiko ngunit may makabuluhang nagawa sa kani-kanilang larangan, kabilang ang pangangalaga sa kalikasan, disaster management, mabuting pamamahala, media, politika at hudikatura.

 

“Hindi lang po ‘yung mga taong kilala ‘yung ating basihan, kung hindi ‘yung research po natin, may mga impact po,” Ani Fr. Bellen.

 

Nilinaw din ng Pari na hindi nangangahulugang anim lamang ang mga taong gumagawa ng mabuti sa lipunan dahil marami pang iba ang karapat-dapat na kilalanin.

 

“Hindi nangangahulugan na anim na lang ang mabait na lipunan. Hindi po, napakarami… Pero ito po ‘yung sabi nga ay maging halimbawa po para sa atin, maging inspirasyon po natin na when we stand for truth and what is right, gaya po nila,”pahayag ni Fr.Bellen

 

Binubuo ang Veritas Truth Awards ng anim na kategorya: Triumph of Integrity, Rays of Light in Darkness, Unwavering Voice of Conscience, Heart for Justice and Truth, Testimony of Life, at ang pinakamataas na pagkilala na Summum Veritatis Award.

 

Ayon kay Fr. Bellen, nagmula sa iba’t ibang sektor at katuwang na grupo ang mga nominasyon, kabilang ang mga nagsusulong ng mabuting pamamahala at mga tumitingin sa impluwensiya ng social media at mga digital influencer.

 

Binigyang-diin din ng Pari na hindi partisan o nakabatay sa kulay pulitikal ang pagkilala, kundi sa tunay

na ambag ng mga nominado sa lipunan.

 

“Ang atin pong purpose talaga ay maipakita, may mga taong napakabuti, may mga taong kahit na ang hirap, they stand for what is right and what is truth,” Dagdag pa ni Fr. Bellen.

 

Ipinaliwanag din ni Fr. Bellen na nais ding tugunan ng parangal ang panghihina ng loob ng ilang Pilipino sa kalagayan ng bansa kung saan sa gitna ng mga suliranin at pagkadismaya, mahalagang maipakita na mayroon pa ring mga taong patuloy na gumagawa ng mabuti at naninindigan sa kabila ng mga pagsubok.

 

“Kailangan namin all the more ‘yung inyo pong suporta. And nangunguna po diyan ang Simbahan, ang Radio Veritas, to show support sa mga tao pong kailangan na kailangan po nito,” Panawagan ni Fr. Bellen.

 

Bilang media arm ng Archdiocese of Manila na naglilingkod din sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, sinabi ni Fr. Bellen na hangad ng Radyo Veritas na maging katuwang ng mga taong nagtataguyod ng katotohanan at katarungan sa lipunan.

 

Umaasa rin ang Pari na magsisilbing lakas at inspirasyon sa mga pinararangalan ang pagkilala ng Simbahan, upang hindi sila mapagod sa kanilang mga adbokasiya.

 

“Hopefully, makatulong po doon sa taong ating bibigyan na lumakas ang loob, ma-inspire din po at huwag siyang mapagod at magsawa, knowing na ‘yung Simbahan nakatingin sa kanya, at alam po ang kanyang kagandahan at may suporta po siya,” Ani Fr. Bellen.

Nakatakdang idaos ang kauna-unahang Veritas Truth Awards sa Nobyembre 21, 2026, mula alas-10 ng umaga hanggang ala-una ng hapon, sa Gonzalez Hall ng Claret School of Quezon City na maari ring masubaybayan nang live sa Radyo Veritas.

Sa pamamagitan ng parangal, isinusulong ng Radyo Veritas ang pagpapahalaga sa katotohanan, integridad at moral na paninindigan, bilang paalala na ang pagtatanggol sa tama at makatarungan ay mahalagang bahagi ng pananagutan ng bawat mamamayan sa pagtataguyod ng kabutihang panlahat.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 121,126 total reads

 121,126 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 182,817 total reads

 182,817 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 228,525 total reads

 228,525 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 329,791 total reads

 329,791 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 393,447 total reads

 393,447 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top