Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,071 total reads

Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December 12. Bilang pagsuporta sa nalalapit na kampanyang ito, balikan natin ang isang landmark case na nagbigay-daan sa pagsasabatas ng Anti-Violence Against Women and Their Children (o Anti-VAWC) Act of 2004. At nagsimula ito kay Marivic Genosa.

Si Marivic ay isang ginang mula sa Leyte. Sa loob ng maraming taon, nakaranas siya ng paulit-ulit na pang-aabuso—pisikal, emosyonal, at verbal—sa kamay ng kanyang asawa. Isang gabi noong 1995, matapos makaranas ng pag-atake at pagbanta sa kanyang buhay gamit ang patalim, pinatay ng Marivic ang kanyang asawa. Ginawa niya ito upang itigil na ang pang-aabuso at iligtas ang kanyang mga anak, pati na ang walong buwang ipinagbubuntis niya.

Noong 1998, hinatulan siya ng parricide o pagpatay sa sariling asawa at sinentensiyahan ng dealth penalty ng Regional Trial Court (o RTC). Noong 2000, inakyat ang kaso sa Korte Suprema kung saan inihain ng abogado ni Marivic ang konsepto ng Battered Woman Syndrome (o BWS) bilang depensa. Ang BWS ay serye ng psychological at behavioral symptoms na nararanasan ng kababaihang paulit-ulit na inaabuso. Halimbawa ng mga sintomas ang mababang pagtingin sa sarili, mga tradisyonal na paniniwala sa pamilya at papel bilang babae, pagiging dependent sa asawa, at pag-áko sa responsabilidad sa naranasang pang-aabuso.

Noong 2004, matapos ang ilang taong paglilitis sa korte habang nakakulong, hindi pa rin napawalang-sala si Marivic sa kasong parricide. Hindi tinanggap ng korte ang argumentong self-defense dahil hindi sapat ang ebidensya sa ilalim ng Revised Penal Code. Ngunit dahil kinilala ang BWS, ibinasura ang death penalty at binawasan ang taon ng kanyang pagkakakulong. Sa panahong iyon, natapos na ni Marivic ang minimum years ng pagkakakulong kaya pinayagan na siyang makalaya. Wika ng Korte Suprema, bagamat nakikiramay sila sa mga inaabusong indibidwal, maaari lamang itong kumilos sa limitasyon ng batas. Tanging ang Kongreso ang may kapangyarihang baguhin ang batas.

Kaya naman, dalawang buwan matapos ang makasaysayang paghatol kay Marivic, agarang isinabatas ang Anti-VAWC Act noong 2004 kung saan opisyal na kinilala ang BWS bilang depensa sa korte. Sa ilalim ng Section 26, ang mga victim-survivors na napatunayang may BWS sa tulong ng mga eksperto ay absuwelto sa criminal at civil liability. Bagamat hindi napakinabangan ni Marivic ang batas na ito, ang kuwento at laban niya ang nagbigay-daan sa batas na ngayon ay sandata ng kababaihan laban sa karahasan at pagsulong sa kanilang karapatan.

Halimbawa rito ang kaso ng isang babaeng pinawalang-sala sa kasong parricide noong Hulyo. Pinatay niya ang kanyang asawang pulis matapos makaranas ng higit isang dekadang pang-aabuso. Hinatulan siyang guilty ng RTC at pinagtibay ito ng Court of Appeals. Ngunit matapos ang apat na taong pagkakulong, pinawalang-sala siya ng Korte Suprema dahil kinilala nito ang BWS.

Sa International Day for the Elimination of Violence Against Women noong 2025, nagpahayag si Pope Leo XIV na ang pagwawakas sa karahasan ay nagsisimula sa pagkilala sa katotohanang ang bawat tao ay may dignidad at nararapat na nirerespeto—isang batayang katotohanan sa mga panlipunang turo ng Simbahan.

Kaya naman, mga kapanalig, makiisa tayo sa nalalapit na kampanya upang wakasan ang karahasan laban sa kababaihan. Maaari nating gawin ay magtungo sa website ng Philippine Commission on Women upang malaman ang mga aktibidad at resources na pwedeng gamitin sa kampanya. Gayunpaman, hindi dapat nagsisimula at tumitigil sa mga opisyal na okasyon ang pagsusulong ng karapatan ng kababaihan at pagwawakas sa karahasan laban sa kanila. ‘Ika nga, “justice delayed is justice denied.” Gaya ng wika sa Jeremias 22:3, pairalin natin ang katarungan at katuwiran.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 1,072 total reads

 1,072 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 62,774 total reads

 62,774 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 108,708 total reads

 108,708 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 209,975 total reads

 209,975 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 280,118 total reads

 280,118 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 62,775 total reads

 62,775 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 108,709 total reads

 108,709 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 209,976 total reads

 209,976 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 280,119 total reads

 280,119 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »
Scroll to Top