Diocese of Mati, nagpapasalamat kay Bishop Apigo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,610 total reads

Nagpasalamat ang Diocese of Mati kay Bishop Abel C. Apigo sa kanyang paglilingkod bilang kanilang pastol matapos italaga ni Pope Leo XIV bilang ikalimang arsobispo ng Archdiocese of Davao.

Sa pahayag na inilabas noong Nobyembre 11, 2026 sinabi ni Rev. Fr. Richard P. Labo, Chancellor ng Diocese of Mati, na bagama’t may lungkot sa kanilang pagtanggap sa balita, ikinagagalak din ng diyosesis ang panibagong misyong ipinagkatiwala kay Bishop Apigo para sa kabutihan ng Simbahang pandaigdig.

“As we accept this news with a tinge of sorrow, we also concurrently feel blessed that our Bishop was given a new Pastoral mission all for the good of the Universal Church.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Labo.

Ayon kay Fr. Labo, mananatili ang pasasalamat ng Diyosesis ng Mati sa naging paglilingkod ni Bishop Apigo bilang isang mahabagin na pastol at espirituwal na ama na naging instrumento sa paggabay at paglago ng kanilang lokal na Simbahan.

“We will always be grateful to him who became not only our compassionate pastor and benevolent spiritual father, but also became very instrumental in guiding and helping us grow; hence bringing the best in us as a Diocese. As we lift our hands to the Lord in thanking Him for giving us a Bishop after His own heart, we are also hopeful as we wait for our new Bishop.” Ayon sa pahayag ni Fr. Labo.

Hiniling din ng Diyosesis ng Mati ang patuloy na panalangin para kay Bishop Apigo, sa buong Diyosesis ng Mati at sa Simbahang Katolika, habang hinihintay ang paghirang ng bagong Obispo na mamumuno sa diyosesis.

Ipinaabot din ni Fr. Labo na ikinagagalak ni Archbishop-elect Apigo ang mga pagbati at panalangin ng mga mananampalataya.

Samantala, inaasahan namang ilalabas sa susunod na mga araw ang iskedyul ng kanyang installation bilang bagong Arsobispo ng Davao.

Matatandaang itinalaga ni Pope Leo XIV si Mati Bishop Abel Apigo bilang bagong arsobispo ng Davao, kasabay ng pagtanggap sa pagbibitiw ni Davao Archbishop Romulo Valles noong November 9, 2026.

Nagbitiw si Archbishop Valles matapos maabot ang itinakdang edad na 75-taong gulang para sa pagreretiro ng mga obispo, matapos pamunuan ang Arkidiyosesis ng Davao sa loob ng humigit-kumulang 14 na taon.

Si Bishop Apigo naman na 58-taong gulang ay naordinahang pari sa Arkidiyosesis ng Davao noong April 18, 1994, at naglingkod sa iba’t ibang tungkulin sa St. Francis Xavier Regional Major Seminary of Mindanao, kabilang ang pagiging rektor nito noong 2006.

Itinalaga ni Pope Francis si Bishop Apigo bilang ikalawang obispo ng Mati noong February 10, 2018, at naordinahan bilang obispo noong April 24, 2018.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 76,759 total reads

 76,759 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 138,451 total reads

 138,451 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 184,154 total reads

 184,154 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 285,419 total reads

 285,419 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 351,243 total reads

 351,243 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top