Panglilibre ni Mans Carpio sa abroad, tinalakay sa impeachment trial

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,380 total reads

Sa pagpapatuloy ng paglilitis laban kay Vice President Sara Duterte, iniharap ng depensa ang dalawang testigo na sina Atty. Anel Martin S. Antero at si Chadrin S. Parian.

Si Atty. Antero ay isa sa mga nakasama ni Atty. Manases Carpio sa Tokyo, Japan kung saan gumastos ng 205 thousand-pesos para sa isang hapunan.

Habang si Parian naman ay co-parent ni Carpio sa Elite Basketball team na kasama rin sa Kuala-Lumpur Malaysia at pagbili ng 256 thousand-pesos na sapatos para sa buong basketball team ng mga bata, kung saan kabilang ang kanilang mga anak.

Ang usapin ay bahagi ng article II ng impeachment case o hindi maipalaiwanag na yaman ni Vice President Sara Duterte -sa marangyang pamumuhay ng pamilya Duterte na bukod sa ipinagbabawal ng batas ay taliwas din sa imahe na ipinapahayag ng pamilya na payak na pamumuhay.

Ayon kay Antero, 11-katao silang kumain sa restaurant at nag-ambagan para sa bill ng kinain bagama’t ang credit ni Carpio ang kanilang ginamit.

Sa panig naman ni Parian, pagmamagandang loob lamang ang ginawa ni Carpio sa pagbibigay ng sapatos sa mga batang manlalaro na nagkampeon din sa basketball tournament sa Malaysia.

Bago ang paglilitis, una na ring binawi ng depensa ang paghaharap kay BPI Senior Vice President Atty. Paul Roderick Ysmael, kung saan una na ring binawi ang pagharap sa 15 iba pang mga kinatawan ng mga bangko.

Kinuwestyon naman ni prosecution counsel Atty. James Bryan Ibrahim Alih-ang pagbawi ng depensa kay Ysmael na may dokumentong isinumite ang BPI na nagpapatunay sa pagkakaroon ng dollar accounts ng bise presidente.

“We just wanted to highlight certain portions, Your Honor, particularly, say, for example, one letter coming from the BPI where it confirmed that the vice president had dollar accounts,” ayon kay Alih.

Paliwanag pa ng abogado, “This was not within our visibility because the subpoena issued previously did not include dollar accounts.”

Hindi ito agad natukoy dahil hindi kasama sa naunang subpoena sa bangko ang mga dollar account at nais sanang tanungin ng prosecution ang opisyal tungkol sa mga bagong dokumento, partikular ang liham na tumutukoy sa dollar accounts ng Pangalawang Pangulo.

Hindi naman pinayagan ni Senate Presiding Officer Francis Escudero na talakayin ang mga dokumento sa yugtong iyon dahil hindi pa pormal na naipiprisinta at natutukoy ang mga ito sa korte.

Samantala, maagang nag-adjourn ang hukuman dakong alas12 ng tanghali, dahil wala nang ihaharap na testigo ang depensa. Itinakda naman ng hukuman ang pagbabalik ng pagdinig sa Nov. 19 at 20 para bigyang-daan ang isasagawang ASEAN Summit sa susunod na linggo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 70,956 total reads

 70,956 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 132,648 total reads

 132,648 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 178,351 total reads

 178,351 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 279,615 total reads

 279,615 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 345,773 total reads

 345,773 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top