1,995 total reads
Hinimok ni Pope Leo XIV ang iba’t ibang relihiyon na magtulungan sa pagsusulong ng kapayapaan, pagkakaisa at paggalang sa dignidad ng bawat tao sa halip na maging dahilan ng pagkakawatak-watak.
Ito ang mensahe ng Santo Papa sa pakikipagpulong sa mga pinuno ng mga simbahang Kristiyano at iba pang relihiyon sa Buenos Aires, Argentina.
Binigyang-diin ni Pope Leo na dapat makita sa panalangin ang tunay na malasakit sa kapwa sa pamamagitan ng pagtutulungan, katarungan at kapayapaan.
“Whenever we pray, therefore, we must care for those who live alongside us, making the words we utter authentic through renewed fraternity,” ayon kay Pope Leo.
Hinimok din ng pinunong pastol ang mga lider ng relihiyon na ipagtanggol ang buhay at dignidad ng bawat tao, mula sa paglilihi hanggang sa natural na kamatayan.
Ayon pa kay Pope Leo, “We must care for those who live alongside us,” he said, urging believers to defend life “from conception to its natural end.”
Kabilang sa mga dapat pagtuunan ng pansin ang pamilya, edukasyon, trabaho at pangangalaga sa kalikasan.
Nagbabala rin ang Santo Papa laban sa paghahangad ng kapangyarihan, kayabangan at digmaan na nagdudulot ng pagkakabahagi-bahagi sa lipunan.
Ayon kay Pope Leo, mahalagang magtulungan ang iba’t ibang relihiyon sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang paniniwala upang makatulong sa mahihirap, magbigay-pag-asa sa mga nawawalan ng direksiyon at itaguyod ang katarungan.
“May the Almighty,” bless our enthusiasm for humanity and inspire our commitment to peace,” panalangin pa ng Santo Papa.
Binigyang-diin ng Santo Papa na hindi kailangang talikuran ng bawat isa ang sariling pananampalataya upang magkaroon ng pagkakaunawaan at paggalang sa ibang relihiyon.
Nasa Argentina si Pope Leo XIV bilang bahagi ng kanyang apostolic journey sa Uruguay, Argentina at Peru mula Nobyembre 6 hanggang 17.




