Fr. Ortega, inihalal na Diocesan administrator ng Diocese of Bangued

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,597 total reads

Inihayag ng Roman Catholic Diocese of Bangued ang pagkakahalal kay Rev. Fr. Liberato Ortega bilang bagong Diocesan Administrator nito sa panahon ng sede vacante o pagkakabakante ng luklukan ng diyosesis.

Pangangasiwaan ni Fr. Ortega sa kanyang tungkulin ang lokal na Simbahan ng Diyosesis ng Bangued alinsunod sa mga batas at alituntunin ng Simbahang Katolika habang hinihintay ang pagkakahirang ng bagong obispo ng diyosesis.

Hinimok naman ng diyosesis ang mga mananampalataya na ipagdasal si Fr. Ortega upang pagkalooban siya ng Panginoon ng karunungan at paggabay sa pagtupad sa kanyang bagong responsibilidad bilang tagapangasiwa ng diyosesis.

“THE REVEREND FATHER LIBERATO ORTEGA is the new DIOCESAN ADMINISTRATOR of the Diocese of Bangued. The Roman Catholic Diocese of Bangued officially announces the election of Rev. Ortega, as Diocesan Administrator during this period of sede vacante. Let us keep him in our prayers as he leads our local Church in accordance with the sacred canons until a new bishop is appointed.” Bahagi ng anunsyo ng Diyosesis ng Bangued.

Sa panahong wala pang bagong Obispo, mahalaga ang patuloy na pagkakaisa at pananalangin ng mga mananampalataya upang matiyak ang pagpapatuloy ng pastoral na paglilingkod at misyon ng Simbahan sa Diocese of Bangued.

Sa anunsyo ng Vatican noong November 7, 2026 tinanggap ni Pope Leo XIV ang pagbibitiw ni Bishop Leopoldo Jaucian sa pastoral leadership ng Diocese of Bangued sa Abra.
Si Bishop Jaucian, na kasalukuyan ng 66- na taong gulang, ay naitalaga bilang Obispo ng Bangued noong January 5, 2007, at tumanggap ng episcopal ordination noong March 26, 2007 bago pormal na maupo sa tungkulin noong March 31, 2007.

Sa halos 19 na taon niyang pamumuno, naging bahagi rin siya ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP, kung saan kasalukuyan siyang chair ng Episcopal Commission on Mission.
Dahil sa kanyang pagbibitiw, pitong ecclesiastical jurisdictions na sa Pilipinas ang bakante, kabilang ang mga diyosesis ng Bangued, Parañaque, Masbate, Kabankalan, Ilagan at Borongan, gayundin ang Apostolic Vicariate of Jolo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 20,171 total reads

 20,171 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 68,591 total reads

 68,591 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 169,857 total reads

 169,857 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 240,033 total reads

 240,033 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 325,384 total reads

 325,384 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 63,640 total reads

 63,640 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »
Scroll to Top