Diocese of Laoag, nanindigan laban sa offshore wind projects sa Ilocos Norte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,891 total reads

Nanindigan ang Diocese of Laoag laban sa planong pagtatayo ng malawakang offshore wind projects sa karagatan ng Burgos, Bangui, at Pagudpud sa Ilocos Norte, dahil sa posibleng epekto nito sa kabuhayan ng maliliit na mangingisda at sa kalikasan.

Sa liham-sirkular na “Defending Our Common Home“, inihayag ni Laoag Bishop Renato Mayugba na bunga ng pakikinig, panalangin, at pagninilay kasama ang mga apektadong komunidad ang naging paninindigan ng diyosesis.

Ayon sa obispo, bagama’t kinikilala ng Simbahan ang kahalagahan ng renewable energy, hindi ito dapat isulong kapalit ng kapakanan ng mahihirap at ng pagkasira ng kalikasan.

“True ecological conversion demands that the pursuit of green energy must not come at the expense of the poor and the destruction of our local environment,” ayon kay Bishop Mayugba.

Binigyang-diin ng diyosesis na ang tunay na pangangalaga sa kalikasan, ayon sa diwa ng Laudato Si’, ay dapat isaalang-alang ang katarungang panlipunan at ang panawagang pakinggan kapwa ang hinaing ng daigdig at ng mahihirap.

Nagbabala rin si Bishop Mayugba na maaaring maapektuhan ang kabuhayan ng mahigit 6,500 mangingisda sa mga bayan ng Pasuquin, Burgos, Bangui, at Pagudpud dahil sa planong pagtatatag ng permanenteng 50-meter no-sail zones sa paligid ng mga wind turbine, na maglilimita sa kanilang tradisyunal na pangingisdaan.

“True human development cannot be built on the backs of marginalized coastal communities for the benefit of distant investors,” saad ni Bishop Mayugba.

Ipinahayag din ng obispo ang pagtutol sa anumang proyektong maaaring magdulot ng pinsala sa yamang-dagat, kabilang ang pagkasira ng mga marine habitat at pag-abala sa biodiversity dulot ng konstruksyon ng mga pundasyon ng wind turbines sa ilalim ng dagat.

Iginiit ng diyosesis na ang dagat, hangin, at lupain ng Ilocos Norte ay hindi maaaring ituring na kalakal kundi isang banal na pamana na dapat pangalagaan para sa susunod na henerasyon.

Nanawagan din si Bishop Mayugba sa mga opisyal ng pamahalaan, environmental scientists, mga institusyong pang-edukasyon, kabataan, mangingisda, at iba pang sektor na magkaisa sa pangangalaga sa karagatan at tiyaking ang tunay na kapakanan ng tao at kalikasan ang mananaig kaysa sa interes ng malalaking negosyo.

“Let our collective voice echo across the waves of Bangui Bay, from the shores of Burgos to the hills of Pagudpud.
We will defend our waters, we will protect our poor, and we will preserve our future,”
panawagan ni Bishop Mayugba.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 18,573 total reads

 18,573 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 1,354 total reads

 1,354 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 39,975 total reads

 39,975 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 141,797 total reads

 141,797 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 182,355 total reads

 182,355 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 202,750 total reads

 202,750 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 134,418 total reads

 134,418 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top