Listening, learning at walking together sa PDL’s, pinaigting ng PJPS

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,578 total reads

Patuloy na isinusulong ng Philippine Jesuit Prison Service Foundation (PJPS) ang misyon ng pakikinig, paghilom, at pagpapanumbalik ng dignidad ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa pamamagitan ng programang “Kwentuhang Bilibid: Listening, Learning, and Walking Together.”

Isinagawa noong June 27, 2026 sa Medium Prison Camp ng New Bilibid Prison ang programa na dinaluhan ng mga nagnanais maging volunteer ng PJPS, bilang pagkakataong mas maunawaan ang kalagayan ng mga nakakulong at makasama sila sa isang makabuluhang dayalogo.

Ayon sa PJPS, higit pa sa isang immersion activity ang Kwentuhang Bilibid sapagkat layunin nitong hikayatin ang mga kalahok na makita ang bawat tao nang higit sa kanilang pagkakamali at pakinggan ang kanilang mga kuwento nang may malasakit at paggalang.

“Kwentuhang Bilibid is more than an immersion activity. It is an invitation to encounter people beyond labels and beyond assumptions. It reminds us that every individual carries a story that deserves to be heard with compassion and respect.” Bahagi ng mensahe ng PJPS.

Sa mga naganap talakayan, nagkaroon ng pagkakataon ang mga volunteer, Persons Deprived of Liberty, Children in Conflict with the Law, at mga beteranong PJPS volunteers na magbahagi ng kani-kanilang karanasan at pagnilayan ang kahalagahan ng presensya at pakikinig bilang simula ng tunay na pag-akay.

Binigyang-diin din ng organisasyon na ang pag-asa ay hindi kailanman nakukulong at ang dignidad ng bawat tao ay nananatiling kaloob ng Diyos anuman ang kanilang nakaraan.

“Every conversation inside prison walls becomes a quiet reminder that hope is never imprisoned. Human dignity cannot be erased by past mistakes. Compassion has the power to restore relationships. Love continues to find its way into places where many believe it no longer exists.” Dagdag pa ng PJPS.

Lumahok sa gawain ang humigit-kumulang 120 Persons Deprived of Liberty na kasalukuyang naka-enrol sa iba’t ibang programang pang-edukasyon, kabilang ang Alternative Learning System (ALS), Muntinlupa National High School Extension, University of Perpetual Help System DALTA Extension, Vocational Training School, at programa para sa Children in Conflict with the Law.

Malugod namang tinanggap ng mga opisyal ng Bureau of Corrections ang gawain, bilang pagpapakita ng suporta sa mga programa para sa rehabilitasyon, edukasyon, restorative justice, at muling pagbibigay ng pagkakataon sa mga nasa loob ng piitan.

Nagpasalamat din ang PJPS sa Loaves and Fish Foundation sa pagsuporta sa programa sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain sa mga kalahok, bilang pagpapakita ng diwa ng pagkakaisa at malasakit.

Patuloy namang inaanyayahan ng Philippine Jesuit Prison Service ang publiko na maging kabahagi ng kanilang misyon ng pakikinig, paghilom, at pagpapanumbalik ng pag-asa sa buhay ng mga taong apektado ng pagkakabilanggo.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 18,533 total reads

 18,533 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 1,314 total reads

 1,314 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 39,937 total reads

 39,937 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 141,759 total reads

 141,759 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 182,317 total reads

 182,317 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 202,713 total reads

 202,713 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 18,534 total reads

 18,534 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top