Lakbay Museo at Teatro ng Paghilom, itinanghal sa DOJ

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,794 total reads

Itinanghal sa Department of Justice (DOJ) ang Lakbay Museo ng Paghilom at Teatro ng Paghilom bilang paggunita sa ika-10 anibersaryo ng Program Paghilom at isang dekada mula nang magsimula ang kampanya kontra droga sa ilalim ng nakalipas na administrasyong Duterte.

Isinagawa ang pagtatanghal noong June 30, 2026 sa ilalim ng temang “Isang Dekada ng Sama-samang Pag-alala.” na dinaluhan nina 2025 Ramon Magsaysay Awardee Rev. Fr. Flaviano Antonio “Flavie” Villanueva, SVD na siya ring Founder at President ng AJ Kalinga Foundation at Program Paghilom, at mga opisyal at kawani ng DOJ, gayundin ang mga pamilya ng mga biktima, kinatawan ng civil society organizations, legal community, mga lider ng simbahan, estudyante, at iba pang panauhin.

Ayon sa Program Paghilom, naging mahalagang pagkakataon ang pagdaraos ng programa sa pangunahing institusyon ng katarungan sa bansa upang higit na maisulong ang panawagan para sa katotohanan, pananagutan, restorative justice, at paghilom ng mga pamilyang naapektuhan ng kampanya kontra droga.

“Held at the country’s principal justice institution, the event underscored the continuing call for truth, accountability, restorative justice, and healing. For many families of victims, the Department of Justice has long represented their pursuit of justice. Through this gathering, the venue became a space for remembrance, dialogue, and solidarity.” Bahagi ng pahayag ng Program Paghilom.

Tampok sa Teatro ng Paghilom ang mga salaysay ng mga biyuda, ulila, at iba pang survivor na ibinahagi ang kanilang mga personal na karanasan sa panahon ng anti-drug campaign.
Ibinahagi rin sa pagtatanghal ang naging epekto ng libu-libong pagkamatay sa mga pamilya at komunidad, gayundin ang patuloy na pagtataguyod sa dignidad ng mga biktima.

Itinampok naman sa Lakbay Museo ng Paghilom ang mga larawan, personal na gamit, dokumentadong testimonya, at iba pang mga materyal na nagsasalaysay sa naging epekto ng kampanya kontra droga sa mga naapektuhang pamilya at pamayanan.

Ayon sa Program Paghilom, nagsisilbing memorial at educational platform ang traveling exhibit upang hikayatin ang mas malalim na pagninilay ng publiko sa kahalagahan ng paggalang sa dignidad ng tao, pananagutan, at pangangalaga sa karapatang pantao.
“The traveling exhibit continues to serve as a memorial and educational platform, encouraging public reflection on human dignity, accountability, and the importance of safeguarding human rights.” Dagdag pa ng Program Paghilom.

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng patuloy na misyon ng Program Paghilom na samahan ang mga pamilya ng mga biktima at panatilihing buhay sa kolektibong alaala ng bansa ang kanilang mga kuwento, ay binigyang diin din ng Program Paghilom na ang pag-alala ay mahalagang hakbang upang hindi na maulit ang karahasan at upang maisulong ang katotohanan, katarungan, at tunay na paghilom.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 18,523 total reads

 18,523 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 1,302 total reads

 1,302 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 39,926 total reads

 39,926 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 141,748 total reads

 141,748 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 182,306 total reads

 182,306 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 202,702 total reads

 202,702 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 18,524 total reads

 18,524 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top