Maging bukas sa tawag ng panginoon, paanyaya ng Papal Nuncio sa mga Kabataang kababaihan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,885 total reads

Hinimok ni Apostolic Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, ang mga kabataang kababaihan na maging bukas sa tawag ng Panginoon sa buhay pagtalima at italaga ang kanilang sarili kay Hesus.

Ito ang mensahe ng nuncio sa pagdiriwang ng ika-300 anibersaryo ng 1726 Rules and Constitutions ng Religious of the Virgin Mary (RVM).

Sa kanyang homiliya sa ginanap na Misa Pasasalamat sa Our Lady of the Assumption Chapel sa RVM Motherhouse sa Quezon City, sinabi ng kinatawan ng Santo Papa na nananatiling buhay ang paanyaya ng Panginoon sa mga nagnanais na sumunod sa Kanya.
“The Lord continues to call. The Lord continues to knock on the hearts of young women, whispering to them, telling them: ‘Come, follow me. I will give you joy. I will give you a happiness that the world cannot understand—the happiness of belonging completely, totally, utterly to Jesus,” ayon kay Archbishop Brown.

Ayon sa nuncio, ang bokasyon ni Venerable Mother Ignacia del Espíritu Santo ay nananatiling huwaran ng lubos na pagtitiwala at pagsunod sa kalooban ng Diyos, kaya’t mahalagang ipagpatuloy ng mga kabataan ang pagtugon sa paanyaya ni Kristo.

Binigyang-diin din ni Archbishop Brown na ang buhay Kristiyano ay hindi lamang pagtanggap sa tawag ng Diyos kundi aktibong pagpili na maging tapat sa Kanya sa bawat sandali.
“Yes, we have been chosen. But now we have to choose. Our Christian life is a reciprocal choosing. The Lord chooses us first… But then we need to choose Him,” ayon pa sa nuncio.

Paliwanag pa ng nuncio na ang bawat mananampalataya, maging pari, relihiyoso o layko, ay inaanyayahan na piliing mahalin, sundin at paglingkuran si Kristo sa gitna ng mga pang-araw-araw na pagpapasya sa buhay.

Kasabay nito, nagbabala si Archbishop Brown laban sa mga makabagong paraan ng pagkagambala na maaaring makahadlang sa pananalangin at sa pakikipag-ugnayan sa Diyos.
“We must choose to pray. Because we can also choose not to pray. We can choose to surf the internet. We can choose to scroll through Instagram… But Mary teaches us something very important. We need to choose to pray,” dagdag pa ni Archbishop Brown.

Ayon kay Archbishop Brown, bagama’t mahalaga ang gawaing apostoliko, ang tunay na mabungang paglilingkod ay nakaugat sa malalim na buhay-pananalangin.
“The beautiful vocation of the Religious of the Virgin Mary is not simply a monastic, enclosed vocation. It is a vocation of apostolic fruitfulness. But apostolic fruitfulness is nourished by the life of prayer,” aniya.

Pinuri rin ng nuncio ang tatlong siglong pamana ng RVM bilang kauna-unahang kongregasyon ng mga Pilipinang madre at kauna-unahang kongregasyon ng kababaihang kinilala ng Holy See sa bansa.

Aniya, nananatiling buhay ang bunga ng pagtugon ni Mother Ignacia sa tawag ng Panginoon sapagkat nagpapatuloy ang kanyang misyon sa pamamagitan ng paglilingkod ng libu-libong RVM Sisters sa larangan ng edukasyon, pangangalagang pastoral, at iba’t ibang gawaing apostoliko sa Pilipinas at sa ibang bahagi ng mundo.

Hinikayat ni Archbishop Brown ang mga RVM Sisters na ipagpatuloy ang kanilang pamana ng panalangin at paglilingkod sa pamamagitan ng paglalagay kay Hesus sa sentro ng kanilang bokasyon.

“I congratulate you on this 300th anniversary of the first codification of your Rule of Life. But let us always remember to put Jesus first. Let us always remember to pray,” paanyaya ni Archbishop Brown.

Ipinagdiriwang ng kongregasyon ang ika-300 anibersaryo ng pagkakalathala ng kanilang Rules and Constitutions noong 1726, na nagsilbing unang pormal na mga alintuntunin ng kanilang paraan ng pamumuhay bilang kongregasyong itinatag ni Venerable Mother Ignacia del Espíritu Santo noong 1684.

Katuwang ni Archbishop Brown sa pagdiriwang ng banal na misa sina Bishop Elias Ayuban, Jr., CMF, ng Cubao, at mga bisitang pari.

Tampok sa pagdiriwang ang pagpaparangal sa mga indibidwal na lumahok sa song, essay, at poetry competitions habang nagtapos ang pagdiriwang sa isang musical revue.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 18,497 total reads

 18,497 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 1,266 total reads

 1,266 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 39,895 total reads

 39,895 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 141,717 total reads

 141,717 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 182,275 total reads

 182,275 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 202,672 total reads

 202,672 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top