Cardinal David: Teknolohiya at pag-unlad, dapat magsilbi sa tao at kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,606 total reads

Binigyang-diin ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David na dapat manaig ang dignidad ng tao, katarungang panlipunan at pangangalaga sa kalikasan sa anumang kasunduang may kaugnayan sa teknolohiya at pagpapaunlad ng ekonomiya, kasunod ng mga usapin at pangamba sa panukalang Pax Silica ng Estados Unidos.

Sa kaniyang pahayag na pinamagatang “Pax Silica from the Perspective of the Church’s Social Teachings,” sinabi ni Cardinal David na hindi tutol ang Simbahan sa artificial intelligence at digital technology dahil maaari itong maging biyaya sa sangkatauhan at makatulong sa pagtataguyod ng kabutihang panlahat.

Gayunman, nilinaw ng Cardinal na hindi nangangahulugan na awtomatikong nagdudulot ng tunay na pag-unlad sa tao ang pagsulong ng teknolohiya.

“The fundamental question is always: Who stands to benefit? And who might end up paying the price?” ani Cardinal David.

Ayon sa Cardinal, may karapatan ang publiko na humingi ng malinaw na impormasyon tungkol sa mga kasunduang pinapasok ng pamahalaan, lalo na kung posibleng maapektuhan ng mga ito ang karapatan ng mga katutubo at ang kanilang mga lupang ninuno, kalikasan, likas na yaman at pambansang soberanya.

“In the case of Pax Silica, people have every right to demand transparency about the agreements being entered into by our government, especially because of their possible implications for Indigenous peoples and their ancestral domains, the environment, our natural resources, and our national sovereignty,” dagdag ng Cardinal.

Nagbabala rin si Cardinal David sa posibleng epekto ng naturang kasunduan sa ugnayang panlabas ng Pilipinas, partikular sa gitna ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at China.

“We certainly do not want our country to become a mere pawn in the rivalry of powerful nations,” aniya.

Binigyang-diin din ni Cardinal David na itinataguyod ng panlipunang turo ng Simbahan ang kabutihang panlahat, dignidad ng tao, integral ecology, pagkakaisa, subsidiarity at higit na pagkalinga sa mahihirap at mga bulnerableng sektor ng lipunan.

Kaugnay nito, ipinagtanggol din ng Cardinal ang karapatan ng mga estudyante at mamamayan na magsagawa ng mapayapang kilos-protesta at magpahayag ng kanilang saloobin, lalo na sa mga usaping may malawak na epekto sa lipunan.

Ayon sa kaniya, ginagarantiyahan ng Konstitusyon ang karapatan sa mapayapang pagtitipon at kalayaan sa pagpapahayag. Hindi aniya mga pribilehiyong ipinagkakaloob ng mga nasa kapangyarihan ang mga ito kundi mga pangunahing karapatan sa isang demokratikong lipunan.

“Whatever political affiliations or ideological perspectives the protesters may represent, the right to peaceful assembly and freedom of expression are guaranteed by our Constitution. These are not privileges granted by those in power. They are fundamental rights in a democratic society,” pahayag ni Cardinal David.

Bagama’t dapat igalang ng mga nagpoprotesta ang karapatan at kaligtasan ng ibang tao, hindi rin dapat gumamit ang mga awtoridad ng pananakot, labis na puwersa o mapaniil na hakbang laban sa mga mamamayang mapayapang ginagamit ang kanilang mga karapatan.

“Of course, peaceful protest must respect the rights and safety of others. But neither should the authorities resort to intimidation, unnecessary force, or repressive measures against citizens who are simply exercising their constitutional rights,” dagdag niya.

Ipinaliwanag din ni Cardinal David na ang pagtatanong sa mga polisiya ng pamahalaan ay hindi nangangahulugang pagtutol sa pag-unlad, ang paghiling ng transparency ay hindi pagiging laban sa gobyerno, at ang mapayapang pagpoprotesta ay hindi nangangahulugang pagiging kaaway ng estado.

Dagdag pa niya, bahagi ng responsableng pagkamamamayan ang pagiging mapagmatyag, lalo na kung ang mga desisyong ginagawa sa kasalukuyan ay maaaring magkaroon ng malawak na epekto sa mga susunod na henerasyon.

“To question a government policy is not necessarily to oppose development. To demand transparency is not to be anti-government. And to protest peacefully is not to be an enemy of the state. In fact, responsible citizenship requires vigilance, especially when decisions being made today may have far-reaching consequences for future generations,” diin ng Cardinal.

Binigyang-diin ni Cardinal David na hindi lamang dapat sukatin ang tunay na pag-unlad batay sa laki ng pamumuhunan, pagsulong ng teknolohiya o paglago ng ekonomiya. Dapat ding isaalang-alang kung paano nakatutulong ang mga ito sa pagtataguyod ng dignidad ng tao, katarungang panlipunan, kapayapaan at pangangalaga sa iisang tahanan.

Giit ng Cardinal, hindi dapat isakripisyo sa ngalan ng pag-unlad ang mismong mga taong dapat nitong paglingkuran.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan bago banyaga

 42,509 total reads

 42,509 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 106,347 total reads

 106,347 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 200,179 total reads

 200,179 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 283,211 total reads

 283,211 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 375,825 total reads

 375,825 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top