Mananampalataya, hinimok na pahalagahan ang All Saints day

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,404 total reads

Hinimok ni Capiz Archbishop Victor Bendico ang mga mananampalataya na higit na pahalagahan ang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal sa Nobyembre 1, 2026 sa pamamagitan ng pagtulad sa kanilang kabanalan, sa halip na makilahok sa mga pagdiriwang na nagtatampok sa kasamaan at mga gawaing salungat sa pananampalatayang Kristiyano.

Sa liham pastoral ni Archbishop Bendico na may titulong “Called to Holiness: Choosing the Light of Christ,” na inilabas noong Oktubre 22, 2026 binigyang-diin ng Arsobispo na ang lahat ng Kristiyano ay tinawag sa kabanalan, anuman ang kanilang estado sa buhay.

Ayon kay Archbishop Bendico, bagama’t maraming gawaing may temang Halloween ang itinuturing na libangan, may ilan namang nagpapaganda sa mga demonyo, okultismo at karahasan na maaaring makaimpluwensiya sa pagpapahalaga ng mga bata.
“We need neither exaggerated fear nor careless indifference, but sound Christian discernment.” Bahagi ng liham pastoral ni Archbishop Bendico.

Bilang alternatibo, hinikayat ng Arsobispo ang mga parokya, paaralang Katoliko at mga komunidad na magsagawa ng Parade of Saints, kung saan maaaring ilarawan ng mga bata ang mga santo at matutuhan ang kanilang buhay at mga birtud sa pamamagitan ng panalangin, katekesis at pagkukuwento.

“Their purpose is not merely to replace one costume party with another, but to teach every child: you, too, are called to become a saint.” Dagdag pa ni Archbishop Bendico.

Binigyang-diin din ni Archbishop Bendico na dapat makita ang kabanalan sa pang-araw-araw na buhay sa pamamagitan ng tapat na paglilingkod, matatag na pamilya, malasakit sa mahihirap at pagmamahal sa kapwa.

Ipinaalala rin ng Arsobispo na magkaugnay ang pagdiriwang ng All Saints’ Day sa Nobyembre 1, 2026 at ang paggunita sa mga pumanaw na tapat na yumao sa Nobyembre 2, 2026 na kapwa nagpapahayag ng pag-asa sa muling pagkabuhay.

Sa pagtatapos ng liham pastoral, hinimok ni Archbishop Bendico ang mga pamilya at komunidad na maging huwaran ng pananampalataya at ituro sa kabataan ang tunay na diwa ng pagdiriwang.

“Let us teach our children to admire what is holy, not to glorify what is evil. Let us celebrate the saints, imitate their virtues, and choose the light of Christ.” Ayon pa kay Archbishop Bendico.

Umaasa rin si Archbishop Bendico na sa pamamagitan ng panalangin at pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria, Reyna ng Lahat ng mga Banal ay higit pang lalago sa kabanalan ang mga pamilya, parokya, paaralan at komunidad sa Arkidiyosesis ng Capiz.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 21,938 total reads

 21,938 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 47,204 total reads

 47,204 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 117,671 total reads

 117,671 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 204,187 total reads

 204,187 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 247,209 total reads

 247,209 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 295,086 total reads

 295,086 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 21,939 total reads

 21,939 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »
Scroll to Top