Makabayan bloc, nanawagang itama ang pang-aabuso sa proseso ng national budget

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,933 total reads

Nanawagan ang Makabayan Bloc sa Kamara de Representantes na itama ang mga probisyon sa panukalang 2027 national budget upang hindi na maulit ang mga iregularidad at pang-aabuso sa proseso ng paglalaan ng pondo ng pamahalaan, lalo na matapos ang mga kontrobersiya sa flood control projects at ang mga naging desisyon ng Korte Suprema hinggil sa mga nakaraang pambansang badyet.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni ACT Teachers Party-list Representative Antonio Tinio, miyembro ng Makabayan Bloc, na sa kabila ng malawakang iskandalo sa umano’y korapsyon sa mga proyektong flood control, tila nananatili pa rin ang mga dating pamamaraan ng pang-aabuso sa proseso ng pagbabadyet.

“Hanggang ngayon ay hindi pa rin napapanagot ang mga kinauukulan sa malaganap na flood control corruption scandal, ay parang walang nangyari. At ‘yung mga dating ginagawa sa budget, ‘yung mga pang-aabuso dito, ay nanatili pa rin dito sa 2027 budget,” Bahagi ng pahayag ni Tinio sa Radyo Veritas.

Tinukoy ng mambabatas ang naging desisyon ng Korte Suprema sa kasong tinukoy niya bilang Laguya v. Congress, na ayon kay Tinio ay nagdeklara ng unconstitutional sa dalawang buong national budget sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr. para sa mga taong 2024 at 2025, gayundin sa ilang bahagi ng 2026 budget.

Sa kabila ng mga naturang desisyon, ikinababahala ni Tinio na patuloy pa ring nakapaloob sa panukalang 2027 budget ang ilang probisyon at pamamaraan na kinuwestiyon na ng Kataas-taasang Hukuman.

“Dito sa tinatawag ng Kongreso na budget for 2027 ay ‘yung mga ilang pamamaraan o technique na sinasabing unconstitutional ng korte ay nandiyan pa rin,” Dagdag pa ni Tinio.

Kabilang sa mga tinukoy ni Tinio ang mga ipinagbabawal na lump-sum funds, ilang probisyon sa organizational programs, at malalaking budget insertions na kinuwestiyon din ng Korte Suprema.

Binigyang-diin ni Tinio na hindi na bago ang mga isyung ito dahil matagal nang may mga desisyon ang Korte Suprema na nagtatakda ng mga limitasyon sa paggamit at paglalaan ng lump-sum appropriations, kabilang ang mga naging usapin kaugnay ng Priority Development Assistance Fund o PDAF.

“May mga ilang mahalagang punto na hindi naman bago, inuulit ‘yung mga decisions na may kinalaman na rin sa mga pinagbabawal na lump-sum funds,” Paliwanag ni Tinio.

Dagdag pa ng mambabatas, “Nag-re-research siya doon sa earlier decisions, wherein declarable ‘yung decision na nag-a-abolish ng Priority Development Assistance Fund, for example. Noon pa sinabi na may mga lump-sum na bawal.”

Gayunman, kinuwestiyon ni Tinio kung bakit patuloy pa ring lumilitaw ang mga naturang pamamaraan sa mga panukalang badyet sa kabila ng mga naunang desisyon ng korte.

“Pero ginawa pa rin muli, o ginagawa pa rin,” pagbabahagi ni Tinio, habang binibigyang-diin ang pangangailangang itigil ang mga gawaing matagal nang kinikilala bilang problematiko sa proseso ng pagbabadyet ng pambansang pondo.

Para sa Makabayan Bloc, mahalagang repasuhin at baguhin ng Kamara ang panukalang 2027 national budget upang matiyak na ang paglalaan ng pondo ay sumusunod sa Konstitusyon at hindi nagiging daan sa mga iregularidad, hindi malinaw na paggagamitan ng pondo, at posibleng pang-aabuso.

Kaakibat nito ang paninindigan ng Simbahan na ang pambansang pondo ay dapat maging instrumento ng paglilingkod sa mamamayan, lalo na sa mga mahihirap at higit na nangangailangan kung saan ang paggamit ng pondo ng bayan ay nangangailangan ng katapatan, transparency at pananagutan sapagkat ang bawat pondong ipinagkakatiwala sa pamahalaan ay dapat gamitin para sa kabutihang panlahat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 25,485 total reads

 25,485 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 87,179 total reads

 87,179 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 132,877 total reads

 132,877 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 234,145 total reads

 234,145 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 302,756 total reads

 302,756 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top