“In the ministry, God is the center, not the spiritual directors”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,479 total reads

Iginiit ni Jesuit priest Fr. Silvino Borres Jr. na dapat pairalin ang pananagutan at mahigpit na etikal na pamantayan sa spiritual direction dahil sa kabanalan ng ministeryo at sa malaking impluwensiya ng mga spiritual director sa buhay ng kanilang mga ginagabayan.

Binigyang-diin ng pari na hindi sapat ang mabuting hangarin sa paggabay sa mga mananampalataya, lalo na kung maaaring humantong sa pang-aabuso sa kapangyarihan, hindi angkop na ugnayan, at labis na pagdepende ng ginagabayan sa mga spiritual director.

“The sacredness of our ministry does not diminish the need for accountability. It deepens it,” ayon kay Fr. Borres.

Sa kanyang talakayan sa paksang “Essentials of Spiritual Direction” sa ikalawang National Spiritual Direction Conference ng CHARIS Philippines sa Liloan, Cebu, ipinaliwanag ni Fr. Borres na ang pagiging pari, relihiyoso, o lider ng isang komunidad ay hindi nangangahulugan na may sapat nang kakayahan ang isang tao upang maging mahusay na spiritual director.

“The more sacred the ministry, the more carefully we must exercise it,” saad pa ng pari.

Nagbabala ang pari na maaaring magdulot ng pinsala sa mga ginagabayan ang kawalan ng malinaw na hangganan sa ugnayan, kahit pa nagmumula sa mabuting intensiyon ang isang spiritual director.

Aniya, bagama’t magkapantay sa dignidad bilang tao ang spiritual director at ang ginagabayan nito, hindi magkapantay ang kanilang kapangyarihan sa loob ng ugnayan.

“In a spiritual direction relationship, the director and directee are equal in human dignity, but they are not equal in relational power,” ayon pa kay Fr. Borres.

Iginiit ng pari na nakasalalay sa spiritual director ang pananagutang pangalagaan ang tiwala, kalayaan, at kapakanan ng taong humihingi ng espirituwal na paggabay.

Binigyang-diin din ni Fr. Borres na ang tiwalang ipinagkakaloob ng isang tao sa spiritual director ay hindi nagbibigay ng karapatang kontrolin ang buhay ng tao.

“Spiritual authority is not the same as personal ownership. The purpose of spiritual direction is not to make people more dependent on their directors. It is to help them become more responsive to God,” dagdag ng pari.

Kabilang sa mga panganib na tinukoy ni Fr. Borres ang labis na emosyonal na pagdepende, hindi angkop na pagpapalapit ng loob, paggamit ng awtoridad upang impluwensiyahan ang mga desisyon ng ginagabayan, at paglabag sa mga hangganan ng ugnayan, kabilang ang mga usaping sekswal at pagsasamantala.

Binigyang-diin ni Fr. Borres ang kahalagahan ng patuloy na paghuhubog, personal na paggabay espirituwal, supervision, at suporta mula sa mga kapwa ministro upang matulungan ang mga spiritual director na suriin ang kanilang mga reaksiyon, inspirasyon, at paraan ng pakikitungo sa mga ginagabayan.

Aniya, ang pagkilala sa sariling limitasyon at ang paghingi ng tulong sa ibang propesyonal, kung kinakailangan, ay hindi kabiguan sa ministeryo, kundi pagpapakita ng tunay na malasakit.
“Sometimes the most ethical word a spiritual director can say is simply, ‘No,’” ani Fr. Borres.

Dagdag pa ng pari na ang mga etikal na pamantayan ay hindi dapat maging hadlang sa paggabay espirituwal sa halip, layunin nitong matiyak na may ligtas na espasyo ang mga mananampalataya upang malayang tuklasin at palalimin ang kanilang ugnayan sa Diyos.

“In this ministry, God is at the center. We are not. The director is not,” aniya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Troublemaker

 8,901 total reads

 8,901 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 56,773 total reads

 56,773 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 160,721 total reads

 160,721 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 246,832 total reads

 246,832 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 316,596 total reads

 316,596 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top