Pari at consecrated persons, hinamong isabuhay ang pagkakaisa, pananagutan at pagtatanggol sa dignidad ng tao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,192 total reads

Hinamon ni Rev. Fr. Angelito Cortez, OFM Co-Executive Secretary Conference of Major Superiors of the Philippines (CMSP) ang mga pari at consecrated persons na isabuhay ang pagkakaisa, pananagutan at pagtatanggol sa dignidad ng tao bilang konkretong patotoo ng kapayapaan sa gitna ng mga sugat ng lipunan at ng makabagong digital world.

Sa kanyang opening keynote sa unang araw ng Convention on Mutual Relations 2026 nitong Oktubre 20, 2026, binigyang-diin ni Fr. Cortez na siya ring National Coordinator ng CMSP–JPICC, na hindi dapat manatiling magandang slogan lamang ang tema ng gawain na “One Mission, One Humanity: Clergy and Consecrated Persons as Prophetic Witnesses of Peace in a Wounded and Digital World.”

“Our question is not simply, ‘How can dioceses and religious congregations maintain good relations?’ Our deeper question is: ‘What kind of Church does our wounded nation need from us now?’” Bahagi ng mensahe ni Fr. Cortez.

Ayon kay Fr. Cortez, kailangang maging sensitibo ang Simbahan sa mga pinagdaraanan ng mga pamilyang apektado ng baha, mga magsasakang nawawalan ng kabuhayan, mga manggagawa, mga pamilyang magkakahiwalay dahil sa pangingibang-bansa, at mga batang nag-aaral nang gutom.

“The Gospel does not permit us to look away,” Dagdag pa ni Fr. Cortez.

 

Pagkakaisa, pananagutan at safeguarding

Binigyang-diin din ni Fr. Cortez na hindi lamang sa ganda ng liturhiya nasusukat ang kredibilidad ng Simbahan, kundi sa paraan ng pakikitungo nito sa mga taong pinaglilingkuran at sa mga kasapi ng sarili nitong komunidad.

“The Church’s credibility is not measured only by the beauty of its liturgy. It is also measured by the humanity of its relationships.” Ayon pa kay Fr. Cortez.

Hinimok din ng Pari ang mga diyosesis at religious congregations na igalang ang kani-kanilang tungkulin at charisms, at harapin ang mga hindi pagkakaunawaan nang may katapatan, katarungan at pagkakapatiran.

Binigyang-diin din ni Fr. Cortez ang pangangailangang palakasin ang safeguarding upang matiyak ang kaligtasan ng mga bata at iba pang vulnerable persons, sa pamamagitan ng malinaw na reporting mechanisms, makatarungang proseso, proteksiyon laban sa retaliation at tunay na pag-alalay sa mga survivor.

“We must not confuse protecting the Church with protecting an institution from embarrassment.” Ani Fr. Cortez.

Sinabi ng Pari na mas napaglilingkuran ang Simbahan kapag buong tapang nitong hinaharap ang katotohanan at pinangangalagaan ang mga taong nasaktan o nanganganib.

Sa harap naman ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya at artificial intelligence, hinikayat ni Fr. Cortez ang mga lider ng Simbahan na isulong ang digital evangelization nang may pananagutan, lalo na sa pagprotekta sa privacy, paglaban sa disinformation at pagtiyak na nananatiling sentro ang dignidad ng tao.

“The Church must be digitally present—but never digitally careless,” Ayon pa kay Fr. Cortez.

 

Mulat, Dama, Tindig, Paghayo

Iginiit din ni Fr. Cortez ang apat na mga paggalaw ang Mulat, Dama, Tindig at Paghayo, na naglalayong gabayan ang Simbahan mula sa tapat na pagkilala sa mga sugat ng lipunan tungo sa konkretong pagkilos.

Pagbabahagi ni Fr. Cortez, ang Mulat ay panawagang makita ang tunay na kalagayan ng bansa at ang mga sugat sa loob mismo ng Simbahan.

Ang Dama ay ang pagpapahintulot na antigin ng paghihirap ng kapwa ang puso at baguhin ang mga plano at prayoridad.

Ang Tindig naman ay ang paninindigan para sa katotohanan, mga mahihina at vulnerable, pangangalaga sa kalikasan at pananagutan.

At ang Paghayo ay panawagang isalin ang mga napag-usapan sa mas matibay na pagtutulungan, malinaw na safeguarding procedures at sama-samang pagtugon sa mga suliranin ng lipunan.

“The Filipino people do not need a Church that merely appears united in a photograph. They need a Church that stays together when truth is difficult, when the poor demand justice, when survivors ask to be heard, and when the future requires change.” Paliwanag ni Fr. Cortez.

Nilinaw ni Fr. Cortez na ang iisang misyon ay pananagutang ipinagkatiwala ni Kristo, habang ang iisang sangkatauhan ay paalala na tungkulin ng Simbahan na ipagtanggol ang dignidad ng bawat tao.

Ayon sa Pari, dapat maging nakikitang tanda ng kapayapaang ipinangangaral ng Simbahan ang ugnayan ng mga obispo, diocesan clergy, consecrated women and men, at mga layko.

“Let us be a Church that sees clearly, feels deeply, stands courageously, and goes forth together.” Paalala ni Fr. Cortez.

Pinangangasiwaan ang tatlong araw na pagtitipon ng CBCP – Episcopal Commission on Clergy, Episcopal Commission on Mutual Relations, at Conference of Major Superiors in the Philippines na isinagawa sa Manresa Retreat House sa Quezon City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Troublemaker

 8,917 total reads

 8,917 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 56,789 total reads

 56,789 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 160,737 total reads

 160,737 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 246,848 total reads

 246,848 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 316,610 total reads

 316,610 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top