Pakikipagtulungan ng iba’t-ibang grupo sa simbahan, itinuturing ng chairperson ng CSMP na “precious gift”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,843 total reads

Binigyang-diin ni Mother Cecilia Espenilla, OP – Co-Chairperson ng Conference of Major Superiors of the Philippines (CMSP) ang kahalagahan ng pagkakaisa at konkretong pagtutulungan ng mga obispo, pari at consecrated persons upang maisulong ang misyon ng lokal na Simbahan at maging mga propetikong saksi ng kapayapaan sa gitna ng mga sugat ng lipunan at hamon ng digital world.

Sa kanyang pambungad na talumpati sa unang araw ng Convention on Mutual Relations 2026 nitong Oktubre 20, 2026 sa Manresa Retreat House sa Quezon City, inilarawan ni Mother Espenilla bilang isang “precious gift” ang pakikipagtulungan ng iba’t ibang grupo sa Simbahan na isang kaloob na nakaugat sa radikal na pagsunod kay Kristo, pinatitibay ng panalangin, at ipinakikita sa bukas-palad na paglilingkod sa bayan ng Diyos.

Sa temang “One Mission, One Humanity: Clergy and Consecrated Persons as Prophetic Witnesses of Peace in a Wounded and Digital World,” hinimok ni Mother Espenilla ang mga kalahok na kilalanin ang kanilang pagkakapatiran sa kabila ng magkakaibang kongregasyon, tungkulin at paraan ng paglilingkod.

“We come together as sisters and brothers from diverse groups yet united by one call,” Bahagi ng mensahe ni Mother Espenilla.

Iginiit ng Madre na ang layunin ng pagtitipon ay hindi lamang palalimin ang ugnayan ng mga lider ng Simbahan, kundi palakasin ang sama-samang pananagutan sa pagbuo ng lipunang walang naiiwan at sa pagpapalakas ng tinig ng mga taong madalas hindi napakikinggan.

Ayon kay Mother Espenilla, ang mga pari at consecrated persons ay tinatawag na maging mga propeta ng kapayapaan na marunong kumilala sa presensiya ng Diyos sa mga marurupok at sugatang realidad ng kasalukuyang panahon.

Hinimok din ng Madre ang mga kalahok na makibahagi sa mga pag-uusap at pakikipagtagpo na may kaugnayan sa interreligious dialogue, peacebuilding, accompaniment, pangangalaga sa sangnilikha at social outreach.

Ipinaalala nito na hindi sapat na magsalita lamang tungkol sa kapayapaan sa halip ay kailangang isabuhay ito sa pamamagitan ng pagpapakumbaba, pakikinig, paglapit sa mga mahihina at pagkilala kay Kristo sa mga taong nangangailangan.

Sinabi din ni Mother Espenilla, na ang Ebanghelyo ay hindi lamang mensaheng pinakikinggan kundi isang buhay na isinasabuhay nang may kagalakan, kababaang-loob at pagmamahal maging sa mga kumbento, mission fields, silid-aralan, ospital at lansangan.

Hinamon din niya ang mga lider ng Simbahan na suriin kung tumutugon pa sa pangangailangan ng lipunan at Simbahan ang kanilang mga ministeryo at paraan ng paglilingkod.

“Do our ministries, our works, our presence, our collaboration respond to what the Spirit asks of us today?… Are they adequate for the needs of today’s society and Church, or is there something we need to change?” Ayon kay Mother Espenilla.

Iisang Diyos, misyon at sangkatauhan

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, inilarawan ni Mother Espenilla ang sangkatauhan bilang isang pagkakaisang nagpapahayag ng Diyos sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga tao.

“One God, one mission, one humanity, many stories,” Dagdag pa ni Mother Espenilla.

Hinikayat din ni Mother Espenilla ang mga kalahok na manatiling tapat, kapani-paniwala at tumutugon sa pangangailangan ng panahon bilang mga saksi ng kapayapaan sa isang mundong sugatan at hinuhubog ng digital technology.(

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Troublemaker

 8,920 total reads

 8,920 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 56,792 total reads

 56,792 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 160,740 total reads

 160,740 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 246,851 total reads

 246,851 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 316,613 total reads

 316,613 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top