Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LINGGO, OKTUBRE 2, 2022

SHARE THE TRUTH

 571 total views

Ika-27 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K)

Habacuc 1, 2-3; 2, 2-4
Salmo 94, 1-2. 6-7. 8-9

Panginoo’y inyong dinggin,
huwag n’yo s’yang salungatin.

2 Timoteo 1, 6-8. 13-14
Lucas 17, 5-10



Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Habacuc 1, 2-3; 2, 2-4

Pagbasa mula sa aklat ni Propeta Habacuc

Panginoon, hanggang kailan ako daraing sa iyo, at di mo diringgin?
Hanggang kailan mo babayaang mamayani ang karahasan?
Bakit ang ipinakikita mo sa akin ay pawang kasamaan at kahirapan?
Sa magkabi-kabila’y nagaganap ang pagwasak at ang karahasan;
laganap ang hidwaan at pagtatalo.
At ito ang tugon ng Panginoon:
“Isulat mo ang pangitain;
isulat mong malinaw sa mga tapyas ng bato,
upang madaling mabasa at ibalita sa lahat.
Sapagkat hindi pa dumarating ang takdang panahon upang maganap ang pangitain;
mabilis na dumarating ang wakas hindi ito maliliban.
Ngunit tiyak na magaganap, kung ito ma’y nagtatagal.
Masdan mo, ang hambog ay mabibigo sa kanyang kapalaluan,
ngunit ang matuwid ay mabubuhay sa kanyang katapatan.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 94, 1-2. 6-7. 8-9

Panginoo’y inyong dinggin,
huwag n’yo s’yang salungatin.

Tayo ay lumapit
sa ‘ting Panginoon, siya ay awitan,
ating papurihan
ang batong kublihan nati’t kalakasan.
Tayo ay lumapit,
sa kanyang harapan na may pasalamat,
Siya ay purihin,
ng mga awiting may tuwa at galak.

Panginoo’y inyong dinggin,
huwag n’yo s’yang salungatin.

Tayo ay lumapit,
sa kanya’y sumamba at magbigay-galang,
lumuhod sa harap
nitong Panginoong sa ati’y lumalang.
Siya ang ating Diyos,
tayo ay kalinga niyang mga hirang,
mga tupa tayong inaalagaan.

Panginoo’y inyong dinggin,
huwag n’yo s’yang salungatin.

Ang kanyang salita ay ating pakinggan:
“Iyang inyong puso’y
huwag patigasin, tulad ng ginawa
ng inyong magulang
nang nasa Meriba, sa ilang ng Masa.
Ako ay tinukso’t
doon ay sinubok ng inyong magulang,
bagamat nakita
aking aking ginawang sila’ng nakinabang.”

Panginoo’y inyong dinggin,
huwag n’yo s’yang salungatin.

IKALAWANG PAGBASA
2 Timoteo 1, 6-8. 13-14

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo

Pinakamamahal ko, ipinaaalaala ko sa iyo na maging masigasig ka sa pagtupad sa tungkuling tinanggap mo sa Diyos nang ipatong ko ang aking mga kamay sa ulo mo. Sapagkat hindi espiritu ng kaduwagan ang ibinibigay sa atin ng Diyos kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig, at pagpipigil sa sarili.

Kaya’t huwag mong ikahihiya ang pagpapatotoo tungkol sa Panginoon o ang aking pagkabilanggo dahil sa kanya. Sa halip, makihati ka sa kahirapan dahil sa Mabuting Balita.

Gawin mong batayan ang mga aral na itinuro ko sa iyo yamang ang mga ito’y pawang katotohanan. Manatili ka sa pananampalataya at sa pag-ibig na tinanggap natin sa pakikipag-isa kay Kristo Hesus. Sa tulong ng Espiritu Santong nananahan sa atin, ingatan mo ang lahat ng ipinagkatiwala sa iyo.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
1 Pedro 1, 25

Aleluya! Aleluya!
Balita sa inyo ngayo’y
salita ng Panginoong
iiral habang panahon.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 17, 5-10

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ng mga apostol sa Panginoon, “Dagdagan po ninyo ang aming pananalig sa Diyos.” Tumugon ang Panginoon, “Kung maging sinlaki man lamang ng butil ng mustasa ang inyong pananalig sa Diyos, masasabi ninyo sa puno ng sikomorong ito, “Mabunot ka, at matanim sa dagat” at tatalima ito sa inyo.

“Ipalagay nating kayo’y may aliping nag-aararo, o nagpapastol kaya ng tupa. Pagkagaling niya sa bukid, sasabihin ba ninyo sa kanya, ‘Halika at nang makakain ka na’? Hindi.’ Sa halip ay ganito ang sinasabi ninyo: ‘Ipaghanda mo ako ng hapunan; magbihis ka, at silbihan mo ako habang ako’y kumakain. Kumain ka pagkakain ko.’ Pinasasalamatan ba ang alipin dahil sa ginawa niya ang iniutos sa kanya? Gayun din naman kayo; kapag nagawa na ninyo ang lahat ng iniutos sa inyo, sasabihin ninyo, ‘Kami’y mga aliping walang kabuluhan; tumupad lamang kami sa aming tungkulin.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.



PANALANGIN NG BAYAN
Ika-27 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K)

Sa hamon ng Panginoong lumago tayo sa pananampalataya, at nagtitiwala sa Kanyang mahabaging pag-ibig , idulog natin ang ating mga kahilingan:

Panginoon, pagtibayin Mo ang aming pananampalataya!

Para sa Simbahan, ang mag-anak ng mga tapat na sumasampalataya sa buong daigdig: Nawa, patnubayan siyang lagi ng pananalig na nakatuon sa kalinga ng Diyos, maging sa mga mahirap maunawaang pangyayari. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa, mga obispo, at mga pari: Nawa, patuloy silang maging inspirasyon natin sa kanilang matatag na pananampalataya at pagsisikap para sa kabutihan ng mga inihabilin sa kanilang pangangalaga. Manalangin tayo!

Para sa mga nanghihina dahil sa sakit o malalaking pagkabigo: Nawa, palakasin sila ng kanilang pananalig sa masuyo at matalinong Diyos sa kanilang pagpapanibagong buhay. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng misyonero: Nawa, huwag silang panghinaan ng loob sanhi ng babahagyang kapalit ng kanilang paggawa, kundi patuloy na magtiwala sa Panginoong tanging nakababatid sa takdang oras ng pag-aani. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng nakalaang magtanggol sa mahihina’ t api at magtaguyod sa katarungang panlipunan: Nawa, magtagumpay ang kanilang pagsisikap sa tulong ng makapangyarihang Diyos. Manalangin tayo!

Para sa ating kabataang likas na naniniwala sa kanilang sarili lamang: Nawa, alalahanin nilang Diyos ang tanging bukal ng lahat ng lakas at ang bawat tao ay mga abang lingkod lamang. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan. (Tumahimik sandali.)
Manalangin tayo!

Panginoon, sa Iyo ang larangan kung saan kami tinatawag para maglingkod, at sa Iyo rin ang lakas na kailangan namin upang kami’y mabungang makapaglingkod. Pagkalooban Mo kami ng kababaang-loob para tanggapin ito at ng lakas ng loob para magsikap sa paglilingkod sa Iyo. Sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DESTABILIZATION

 49,014 total views

 49,014 total views Kapanalig, hindi dapat ipinagsasawalang bahala ang “destabilization plots”., ito ay paanyaya ng violence, pangpahina ng pamahalaan., pananabotahe sa gobyerno., pagkompromiso sa social fabric

Read More »

POWER OF PURSE

 114,142 total views

 114,142 total views Kapanalig, taon-taon…tayo ay nagpapakahirap sa pagta-trabaho, obligado tayong nagbabayad ng buwis., umaasang gagamitin ng pamahalaan sa tama ang ating pinaghirapang pera. Pinapaniwala tayo

Read More »

Huwag kalimutan ang mga EJK victims

 74,762 total views

 74,762 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng publiko sa nagpapatuloy na kontrobersya sa mga flood control projects, huwag sana nating kalimutan ang mga

Read More »

Taun-taong pagsubok sa agrikultura

 136,549 total views

 136,549 total views Mga Kapanalig, maraming sakahan ang nalunod at nasira dahil sa pagbahang dulot ng Super Typhoon Uwan, at labis na naapektuhan ang ani ng

Read More »

Victim-blaming sa gitna ng delubyo

 156,506 total views

 156,506 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, sa kasagsagan ng pananalanta ng Super Typhoon Uwan, nag-viral sa social media si Pangasinan Second District representative Mark

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 38,469 total views

 38,469 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 38,700 total views

 38,700 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 39,203 total views

 39,203 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 28,638 total views

 28,638 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 28,747 total views

 28,747 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top