Krisis sa bukid at laot

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 279,605 total reads

Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng mga mamamayan.

Hindi lang mga driver ng mga pampublikong sasakyan ang apektado ng pagtaas ng presyo ng langis. Apektado rin ang mga magsasaka at mangingisda—mga sektor na umaasa sa diesel para sa kanilang kabuhayan. Tinatayang 40,000 hanggang 45,000 na mga magsasaka at mangingisda ang maaabutan ng fuel subsidy—kakarampot lang kumpara sa humigit-kumulang sampung milyong magsasaka at mangingisda sa bansa.

Ang mga sektor na ito ay umaasa sa mga sasakyan at makinaryang pinagagana ng diesel. Ang mga magsasaka ay nakadepende sa traktora, irrigation pump, at iba pang kagamitang magpapabilis at magpapagaan ng pagtatanim at pag-aani. Ang mga mangingisda naman, mga bangkang de-motor ang gamit para makapalaot. Ngayong lampas na sa isandaang piso ang presyo ng diesel kada litro, lalong bumibigat ang araw-araw na pasanin ng mga magsasaka at mangingisda. Kapag mapilitan silang limitahan ang paggamit ng mga sasakyan at makinaryang de langis, mababawasan ang kanilang ani at huli, at mababawasan din ang kanilang kita. 

Magmamahal din ang presyo ng transportasyon ng mga produkto papuntang mga pamilihan. Ang dagdag-gastos na ito ay babawiin naman sa presyo ng mga bilihin na papasanin naman nating mga mamimili. Kapag nangyari ito, dadami ang mga pamilyang mahihirapang makabili ng sapat, masustansya, at abot-kayang pagkain. Food insecurity ang aabutin natin.

Bilang tugon, ginamit ng pamahalaan ang 150 milyong pisong natitirá pa sa 2025 budget para gawing ayuda. Makatatanggap ang bawat magsasaka ng ₱5,000, samantalang ₱3,000 naman para sa bawat municipal fisher.  Ano kaya ang batayan ng halagang ibibigay sa mga magsasaka at mangingisda?

One-time lang ang ayudang ito. Sa loob ng ilang araw, ubos na. Pero hindi naman humihinto ang araw-araw na gastos sa krudo ng ating mga kababayan sa sektor ng agrikultura, at hindi rin agad bababa ang presyo nito. Sa ganitong kalagayan, ang subsidiya ay nagiging panandaliang ginhawa lamang—band-aid solution, ‘ika nga—sa gitna ng tuluy-tuloy at tumitinding pasanin na dala ng krisis. 

Hanggang sa araw na isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa sa kalahati ng target na bilang ng mga magsasaka at mangingisda ang nakatatanggap ng ayudad! Marami ang tiyak na mahihirapan sa paghinto at pagkawala ng hanapbuhay. 

Ang ayudang ibinibigay ng pamahalaan, bagamat nakatutulong, ay nananatiling reactive. Kapag may krisis, saka pa lamang kikilos. Kung kikilos man, mabagal at kulang pa. Hindi ba’t panahon na upang maghanap ng mas pangmatagalang solusyon? Kung patuloy tayong nakasalalay sa inaangkat na enerhiya, lagi tayong magiging biktima ng hindi pagkakasundo ng mga bansang kumokontrol sa suplay ng langis.

Sinasabi sa Galacia 6:7, “kung anong tinanim, iyon din ang aanihin.” Sa kalagayan natin ngayon, kahit magsumikap ang mga magsasaka at mangingisda, hindi nila lubos na inaani ang bunga ng kanilang paghihirap. Laging mataas ang kanilang ginagastos at hindi pa sila naaabutan ng sapat at angkop na suporta. Marapat lamang na tiyakin ng pamahalaan na ang kanilang ani ay nauuwi hindi nauuwi sa pagkalugi kundi sa isang makatarungan at nakabubuhay na kabuhayan. Dito pumapasok ang bilin ng Caritas in Veritate na ang subsidiarity ay dapat kaakibat ng solidarity. Tungkulin ng pamahalaan na magbigay ng sapat at angkop na suporta kapag hindi na kayang tugunan ng mga komunidad ang kanilang mga pangangailangan.

Mga Kapanalig, hindi sapat ang anumang ayuda kung hindi napuputol ang ugat ng problema. Panahon na upang umaksyon ang pamahalaan—proactive, hindi reactive; maagap, hindi mabagal; pangmatagalan, hindi panandalian. Huwag nating hayaang manatiling kapos ang tugon sa gitna ng lumalalang pangangailangan. Ang kakulangan ng aksyon ngayon ay magbubunga ng mas malalim na krisis sa hinaharap.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 60,065 total reads

 60,065 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 93,029 total reads

 93,029 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 194,855 total reads

 194,855 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 235,413 total reads

 235,413 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 253,463 total reads

 253,463 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DOUBLE CRISIS

 60,066 total reads

 60,066 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 93,030 total reads

 93,030 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 194,856 total reads

 194,856 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 235,414 total reads

 235,414 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »
Scroll to Top