Semana Santa, ipagdiriwang sa Church of the Holy Sepulchre sa Jerusalem sa kabila ng kaguluhan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 46,884 total reads

Tiniyak ng mga pinuno ng Simbahang Katolika sa Jerusalem na maipagdiriwang ang Semana Santa at Pasko ng Pagkabuhay sa Church of the Holy Sepulchre, sa kabila ng umiiral na tensyon at digmaan sa rehiyon.

Ayon sa Latin Patriarchate of Jerusalem at Custody of the Holy Land, nagkaroon na ng kasunduan sa mga pinuno ng Israel upang masiguro ang pagsasagawa ng mga liturhiya at sinaunang tradisyon sa banal na lugar.

“In agreement with the Israeli Police, access for representatives of the Churches has been secured in order to conduct the liturgies and ceremonies and to preserve the ancient Easter traditions at the Church of the Holy Sepulchre,” ayon sa pahayag.

Ayon pa sa pahayag, “The Latin Patriarchate of Jerusalem and the Custody of the Holy Land reaffirm their commitment to dialogue, mutual respect, and the preservation of the Status Quo.”

Sa ilalim ng kasunduan, pinayagan ang limitadong pagpasok ng mga kinatawan ng iba’t ibang simbahan upang maidaos ang mga seremonya, kasabay ng mahigpit na paiiraling seguridad.

Nauna rito, nagkaroon ng insidente kung saan pansamantalang hinarang ng pulisya ng Israel si Latin Patriarch of Jerusalem, Cardinal Pierbattista Pizzaballa at Fr. Francesco Ielpo, Custos of the Holy Land sa pagpasok sa simbahan noong Linggo ng Palaspas.

Dahil sa patuloy na digmaan, nananatili ang mga restriksyon sa malalaking pagtitipon, kaya’t isasagawa ang live streaming ng mga misa at panalangin upang makalahok ang mga mananampalataya sa buong mundo.

Nagpasalamat naman ang mga lider ng simbahan sa mga opisyal ng Israel, kabilang ang pangulo nito, gayundin sa iba’t ibang lider ng mundo na nagbigay ng agarang suporta upang matuguan ang usapin.

Binigyang-diin din ng mga religious leaders ang kahalagahan ng kalayaan sa pananampalataya, maging sa gitna ng kaguluhan, at ang pangangailangang mapanatili ang karapatan ng lahat na makapagsagawa ng pagsamba.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang simbahan sa mga awtoridad habang nananalangin para sa pagtatapos ng digmaan at pagkamit ng kapayapaan sa rehiyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 61,266 total reads

 61,266 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 94,154 total reads

 94,154 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 195,980 total reads

 195,980 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 236,538 total reads

 236,538 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 254,528 total reads

 254,528 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top