Love is repaid by love-Bishop Villarojo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 683 total reads

Ibinahagi ni Malolos Bishop Dennis Villarojo na ang kawanggawa ay kusang nagbabalik bilang biyaya ng Diyos.

Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo ng Bethany House of Sto. Niño Orphanage sa Guiguinto,Bulacan na isang tahanan na patuloy na kumakalinga sa mga batang nangangailangan ng aruga.

“Ang kawanggawa has a way of going back to us… because that’s the way grace goes,” ayon kay Bishop Villarojo.

Binigyang-diin ni Bishop Villarojo na ang pagpapadama ng pag-ibig sa kapwa ay gawaing kinalulugdan ng Diyos.

“Love is repaid by love… anuman ang pag-ibig na ginagawa natin sa kapwa, ito ay babalik sa atin bilang pag-ibig,” dagdag ng obispo.

Ayon naman kay Sr. Emeliana Bantigue, OP, executive directress ng institusyon, higit sa pisikal na pangangailangan ang dapat ibigay sa mga bata, lalo na sa mga murang edad na maituturing na formative years ng isang bata.

“Hindi lang pakainin at patirahin; kailangan ng bata ang pamilya… dahil ito ang bubuo sa kanyang pagkatao,” pahayag ni Sr. Bantigue sa Radyo Veritas.

Ibinahagi ng madre na makalipas ang apat na dekadang paglilingkod ng institusyon, mahigit isang daang bata na ang naipa ampon sa iba’t ibang bahagi ng mundo, partikular sa Amerika at Europa, bilang bahagi ng patuloy na misyon ng institusyon.

Sa kasalukuyan, may 22 batang inaaruga ang Bethany House, kung saan ang pinakabata ay isang pitong buwang gulang na sanggol, patunay na nagpapatuloy ang pangangailangan sa kalinga at proteksyon para sa mga musmos.

Itinatag ang institusyon noong March 30, 1986 ng yumaong obispo ng Malolos na si Bishop Cirilo Almario, na nagsimula sa walong batang ulila at inabandona ang inaaruga, at ipinagkatiwala sa pangangalaga ng Dominican Sisters of St. Joseph bilang isang child-caring institution ng diyosesis.

Layunin nitong magsilbing pansamantalang tahanan at kanlungan ng mga batang inabandona at pinabayaan sa mga lansangan, gayundin ng mga batang nagmula sa maralitang pamilya, kung saan bukod sa pangangailangang pisikal ay tinutugunan din ang kanilang sosyal, intelektwal at espiritwal na paghubog.

Mula sa simpleng pagkalinga, lumawak ang misyon ng Bethany House sa pagbibigay ng pangmatagalang solusyon sa pamamagitan ng adoption program na sinimulan noong 1999, upang matiyak na magkakaroon ng sariling pamilya ang mga bata.

Binigyang-diin din ni Sr. Bantigue na ang suporta sa Bethany House ay hindi lamang nananatili sa isang henerasyon, kaya’t lubos ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga donors at benefactors nito.

Ang pagtulong ay naipapasa na rin sa susunod na henerasyon,” ani ng madre.

Hinimok ng madre ang publiko na makibahagi sa misyon ng institusyon at iginiit na ang pagbibigay ng pag-ibig at kalinga sa mga bata ay hindi lamang pagtugon sa kanilang pangangailangan kundi pakikibahagi sa patuloy na pagdaloy ng biyaya ng Diyos.

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 15,566 total reads

 15,566 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 78,604 total reads

 78,604 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 115,392 total reads

 115,392 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 146,145 total reads

 146,145 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 195,877 total reads

 195,877 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 257,476 total reads

 257,476 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top