CWS, nangangamba sa matinding epekto ng oil price hike sa mamamayang Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 699 total views

Nagpahayag ng pagkabahala ang Church People–Workers Solidarity (CWS) sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis na patuloy na nagpapahirap sa mamamayang Pilipino.

Ayon sa CWS na pinangangasiwaan ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na siyang tagapangulo ng CWS nakikiisa ang grupo sa mga tsuper, magsasaka, mangingisda, at iba pang manggagawa na higit na apektado ng krisis na dulot ng kaguluhang nagaganap sa Gitnang Silangan.

Binigyang-diin ni Bishop Alminaza na ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ay bunga ng umiigting na tensyon at digmaan sa Gitnang Silangan, na nagdudulot ng pagkagambala sa pandaigdigang suplay ng langis.

“The Church People–Workers Solidarity (CWS) expresses grave concern over the relentless oil price increases that continue to burden the Filipino people. We stand in firm solidarity with transport workers, farmers, fisherfolk, and all working families who are suffering the consequences of a crisis they did not create.” Bahagi ng pahayag ng CWS.

Iginiit ng Obispo na ang pinakamabigat na epekto ng krisis ay nararanasan ng mahihirap, lalo na ng mga tsuper at commuter na araw-araw humaharap sa pagtaas ng pamasahe at gastusin.
Partikular ding tinukoy ni Bishop Alminaza na sa kabila ng krisis ay patuloy pa ring kumokolekta ang pamahalaan ng buwis sa langis, kabilang ang VAT at excise tax, na lalo pang nagpapabigat sa mamamayan.

Muli ding ipinaalala ng Obispo ang tuwinang paalala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang katuruan batay sa Social Doctrine of the Church na bagamat pabor ang Simbahan na kumita ang isang mamumuhunan, subalit kinakailangan ang kitang ito ay nakakamit nang hindi nabibigatan at naaapektuhan ang mga mamamayan lalo na ang mga mahihirap.

“The Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) has consistently reminded us that economic policies must be judged by how they affect the poor, emphasizing that governance must always uphold the primacy of the common good over narrow fiscal or political interests. Any response that fails to substantially ease the burden on the most vulnerable falls short of this moral responsibility.” Dagdag pa ng CWS.

Hinamon naman ni Bishop Alminaza ang pamahalaan na tiyakin ang makatarungang sistema ng pagbubuwis, kabilang ang naaangkop na buwis na naaakma sa kasalukuyang panahon.

Iginiit rin ng Obispo ang agarang pagsuspinde ng VAT at excise tax sa langis, pagbibigay ng makatarungang sahod at sapat na proteksyon sa manggagawa, at pagpapatupad ng mga hakbang upang mapanatili ang patas na presyo ng mga bilihin.

Nanawagan din si Bishop Alminaza pagkakaisa para sa pagsusulong ng agarang paghupa ng mga armadong tunggalian sa mundo at pagsusulong ng makatarungan at pangmatagalang kapayapaan.

“We call on the faithful—clergy, religious, and laypeople—to stand with workers and the poor, not only in prayer but in concrete action. At this critical moment, faith must become solidarity, and solidarity must become transformation. In a world wounded by war, inequality, and ecological crisis, we affirm: no one is saved alone. Our response must be collective, compassionate, and courageous—transforming structures that perpetuate suffering into systems that uphold life, dignity, and peace.” Ayon pa CWS.

Samantala, muli ring ipinalala ni Bishop Alminaza na ang pananampalataya ay dapat isabuhay sa pagkilos para sa katarungan, lalo na para sa mahihirap at naaapi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 18,579 total views

 18,579 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 46,930 total views

 46,930 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 114,660 total views

 114,660 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 137,811 total views

 137,811 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 206,638 total views

 206,638 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top