Isabuhay ang pangangalaga sa kalikasan sa paggunita ng Semana Santa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,170 total reads

Hinikayat ng BAN Toxics ang mga mananampalatayang Pilipino na isabuhay ang pangangalaga sa kalikasan kasabay ng taimtim na paggunita ng Semana Santa ngayong 2026.

Ayon sa grupo, sa gitna ng tumataas na presyo ng enerhiya, umiigting na tunggalian sa iba’t ibang panig ng mundo, at patuloy na epekto ng krisis sa klima, mahalagang isaalang-alang ang mga simpleng hakbang na mangangalaga sa kalusugan ng tao at kapaligiran.

“In these challenging times, BAN Toxics calls on all Filipino faithful to choose actions that safeguard both human health and the environment—simple yet meaningful acts of care that matter now more than ever,” ayon sa grupo.

Binigyang-diin ng BAN Toxics na kasabay ng pagpasok ng tag-init ay ang matinding init na nararanasan sa bansa, na malinaw na indikasyon ng lumalalang climate crisis.

Sa datos ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, umabot sa 52°C ang heat index sa ilang bahagi ng bansa noong nakaraang taon, habang inaasahan pang mas matinding init sa mga susunod na buwan ng Abril at Mayo.

Dahil dito, tumataas din ang konsumo sa enerhiya na nagdudulot ng dagdag na pasanin sa mga pamilyang Pilipino, lalo na sa gitna ng pagtaas ng presyo ng kuryente at kakulangan sa suplay.

Dagdag pa ng BAN Toxics, unti-unti na ring nararanasan ang kakulangan sa suplay ng tubig, lalo na tuwing tag-init at panahon ng El Niño, kung saan tinatayang maaaring humarap ang bansa sa matinding water shortage pagsapit ng 2040 ayon sa World Resources Institute.

“These overlapping crises highlight the urgent need for collective action and more sustainable, mindful use of our resources,” ayon sa BAN Toxics.

Sa kabila nito, iginiit ng BAN Toxics na ang panahon ng Kuwaresma ay hindi lamang para sa panalangin at pagninilay, kundi para rin sa kongkretong pagkilos para sa kapakanan ng kapwa at ng kalikasan.

Kabilang sa mga mungkahi ng grupo ang paggamit ng mga likas at lokal na materyales sa mga simbahan, pag-iwas sa single-use plastics, pagtitipid sa tubig at kuryente, at pagsasagawa ng tamang pamamahala ng basura sa mga aktibidad ng Semana Santa.

Hinimok din ang mga pamilya at manlalakbay na maging responsable sa kanilang mga gawain sa pamamagitan ng paggamit ng reusable na gamit, pagtangkilik sa lokal na produkto, at pag-iwas sa labis na pagkonsumo.

“BAN Toxics stands firm in protecting Filipinos from harmful chemicals and promoting sustainable communities. Amid global instability and environmental challenges, let our faith inspire action, choosing what is just, sustainable, and life-giving for humanity and the earth,” saad ng BAN Toxics.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 33,757 total reads

 33,757 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 69,636 total reads

 69,636 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 123,471 total reads

 123,471 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 185,368 total reads

 185,368 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 253,108 total reads

 253,108 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 49,376 total reads

 49,376 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top