LUNES, DISYEMBRE 11, 2023

SHARE THE TRUTH

 3,857 total views

Lunes ng Ika-2 Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon

o kayaย Paggunita kay San Damaso I, Papa

Isaias 35, 1-10
Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14

Ang Poong Dโ€™yos ay darating
upang tayo ay tubusin.

Lucas 5, 17-26

Monday of the Second Week of Adventย (Violet)

orย Optional Memorial of St. Damasus I, Popeย (White)

UNANG PAGBASA
Isaias 35, 1-10

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Ang ulilang lupaing malaon nang tigang
ay muling sasaya,
mananariwa at mamumulaklak ang ilang.
Ang dating ilang ay aawit sa tuwa,
itoโ€™y muling gaganda tulad ng mga
Bundok ng Libano
at mamumunga nang sagana, tulad ng Carmelo at Saron,
mamamasdan ng lahat ang kaningningan
at kapangyarihan ng Panginoon.
Inyong palakasin ang mahinang kamay,
at patatagin ang mga tuhod na lupaypay,
ito ang sabihin sa pinanghihinaan ng loob:
โ€œHuwag kang matakot,
laksan mo ang iyong loob,
darating na ang Panginoong Diyos,
at ililigtas ka sa mga kaaway.โ€
Ang mga bulag ay makakikita,
at makaririnig ang mga bingi;
katulad ng usa, ang pilay lulundag,
aawit sa galak ang mga pipi.
Mula sa gubat ay bubukal ang tubig
at ang mga batis dadaloy sa ilang;
ang umuusok na buhanginan ay magiging isang lawa,
sa tigang na lupa ay babalong ang tubig.
Ang dating tirahan ng mga asong-gubat,
ay tutubuan ng tambo at talahib.
Magkakaroon ng isang maluwang na lansangan,
na tatawaging Landas ng Kabanalan.
Ang mga makasalanan at mga hangal,
sa landas na ito ay di makararaan.
Walang leon o mabangis na hayop
na makalalapit doon;
itoโ€™y para lamang sa mga tinubos.
Ang mga tinubos ng Panginoon ay babalik sa Jerusalem,
masiglang umaawit ng pagpupuri.
Paghaharian sila ng kaligayahan.
Lungkot at dalamhati ay mapapalitan
ng tuwa at galak magpakailanman.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14

Ang Poong Dโ€™yos ay darating
upang tayo ay tubusin.

Aking naririnig magmula sa Poon ang sinasalita;
sinasabi niyang ang mga lingkod nโ€™yaโ€™y magiging payapa,
kung mangagsisisi at di na babalik sa gawang masama.
Ang nagpaparangal sa pangalan niyaโ€™y kanyang ililigtas,
sa ating lupain ay mananatili ang kanyang paglingap.

Ang Poong Dโ€™yos ay darating
upang tayo ay tubusin.

Ang pagtatapatan at pag-iibigaโ€™y magdadaup-palad,
ang kapayapaan at ang katwiraโ€™y magsasamang ganap.
Sa balat ng lupaโ€™y pawang maghahari yaong pagtatapat,
at ang katarungan namaโ€™y maghahari mula sa itaas.

Ang Poong Dโ€™yos ay darating
upang tayo ay tubusin.

Gagawing maunlad ng Panginoong Diyos itong ating buhay,
ang mga halaman sa ating lupaiโ€™y bubungang mainam;
sa harapan niya yaong maghahariโ€™y pawang katarungan,
magiging payapaโ€™t susunod ang madla sa kanyang daan.

Ang Poong Dโ€™yos ay darating
upang tayo ay tubusin.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Ang Panginooโ€™y darating
tayoโ€™y kanyang hahanguin
sa pagiging bihag natin.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 5, 17-26

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Minsan nang nagtuturo si Hesus, naroon din ang mga Pariseo at mga tagapagturo ng Kautusan na mula sa mga bayan ng Galilea at Judea, at sa Jerusalem. At sumasakanya ang kapangyarihan ng Panginoon upang magpagaling ng mga maysakit. May dumating na ilang tao, dala ang isang paralitikong nasa higaan. Nagpipilit silang makapasok sa bahay upang mailagay sa harapan ni Hesus ang maysakit, subalit wala silang maraanan dahil sa dami ng tao. Kayaโ€™t umakyat sila sa bubungan at binutas iyon, saka inihugos sa harapan ni Hesus ang paralitikong nasa higaan. Nang makita ni Hesus kung gaano kalaki ang kanilang pananalig, sinabi niya sa paralitiko, โ€œKaibigan, pinatatawad ka na sa iyong mga kasalanan.โ€ Sa loob-loob ng mga eskribaโ€™t Pariseo: โ€œSino itong nagsasalita ng kalapastanganan sa Diyos? Hindi baโ€™t Diyos lamang ang makapagpapatawad ng mga kasalanan?โ€ Ngunit batid ni Hesus ang kanilang iniisip, kayaโ€™t sinagot niya sila, โ€œBakit kayo nag-iisip ng ganyan? Alin ba ang lalong madali: ang sabihin sa paralitiko โ€˜Pinatatawad ka na sa iyong mga kasalananโ€™ o ang sabihing โ€˜Tumindig ka at lumakadโ€™? Patutunayan ko sa inyo na ang Anak ng Tao ay may kapangyarihan dito sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan.โ€ At sinabi niya sa paralitiko, โ€œIniuutos ko: tumindig ka, dalhin mo ang iyong higaan at umuwi ka!โ€ Pagdakaโ€™y tumindig ang tao sa harapan ng lahat, binuhat ang kanyang higaan at umuwing nagpupuri sa Diyos. Nanggilalas sila at tigib ng takot na nagpuri sa Diyos. โ€œNakakita kami ngayon ng mga kahanga-hangang bagay!โ€ wika nila.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo ng Adbiyento
Lunes

Taglay ang ganap na pagtitiwala ng mga kaibigan ng lalaking paralitiko, manalangin tayo para sa paggaling at pagkabuo ng lahat ng tao sa mundo.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, pagalingin mo kami.

Ang Simbahan ng Diyos nawaโ€™y patuloy na kumilos upang matupad ang mapanligtas na misyon ni Kristo sa pamamagitan ng pagpapatawad ng mga kasalanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawaโ€™y laging handang magpatawad sa iba dahil sa pagkaunawang tungkulin ito ng lahat ng sumusunod kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong wariโ€™y bilanggo ng kanilang pagkamakasalanan nawaโ€™y makatagpo ng tunay na kagalingang espiritwal, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at may kapansanan nawaโ€™y makatagpo ng ginhawa at pag-asa kay Jesus na nagdusa para sa aming lahat, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa na ay mapatawad nawa sa kanilang mga kasalanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, pinasasalamatan ka namin dahil sa pagpapatawad sa amin ng iyong Anak. Nawa, kami rin ay makapagpatawad sa lahat ng taong nagkasala sa amin. Idinadalangin namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 171,458 total views

 171,458 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, โ€œmagtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.โ€ย  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More ยป

Mga kamay na punรด ng dugo

 193,568 total views

 193,568 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.ย  Ganito

Read More ยป

Isa pang state of emergency

 265,855 total views

 265,855 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More ยป

Krisis sa bukid at laot

 256,103 total views

 256,103 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More ยป

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Abril 11, 2026

 5,926 total views

 5,926 total views Sabado sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 4, 13-21 Salmo 117, 1 at 14-15. 16ab-18. 19-21 Pinupuri

Read More ยป

Biyernes, Abril 10, 2026

 7,951 total views

 7,951 total views Biyernes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 4, 1-12 Salmo 117, 1-2 at 4. 22-24. 25-27a Batong

Read More ยป

Huwebes, Abril 9, 2026

 7,955 total views

 7,955 total views Huwebes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 3, 11-26 Salmo 8, 2a at 5. 6-7. 8-9 Maningning

Read More ยป

Miyerkules, Abril 8, 2026

 5,373 total views

 5,373 total views Miyerkules sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 3, 1-10 Salmo 104, 1-2. 3-4. 6-7. 8-9 Dโ€™yos ay

Read More ยป

Sabado, Marso 7, 2026

 13,187 total views

 13,187 total views Sabado sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Mikas 7, 14-15. 18-20 Salmo 102, 1-2. 3-4. 9-10. 11-12 Ang ating mahabaging Dโ€™yos

Read More ยป

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top