Martes, Enero 28, 2025

SHARE THE TRUTH

 3,547 total views

Paggunita kay Santo Tomas de Aquino, pari at pantas ng Simbahan

Hebreo 10, 1-10
Salmo 39, 2 at 4ab. 7-8a. 10. 11

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

Marcos 3, 31-35

Memorial of St. Thomas Aquinas, Priest and Doctor of the Church (White)

Mga Pagbasa mula sa
Martes ng Ika-3 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
Hebreo 10, 1-10

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

Mga kapatid, ang Kautusan ay malabong anino lamang at hindi ganap na larawan ng mabubuting bagay na darating. Hindi ito nagpapabanal sa lumalapit sa Diyos sa pamamagitan ng mga haing inihahandog taun-taon. Kung napatawad na nga ang mga lumalapit sa Diyos sa pamamagitan ng ganitong mga handog, wala na sana silang aalalahanin pa tungkol sa kanilang mga kasalanan, at hindi na kailangang maghandog pa. Subalit ang mga haing ito pa nga ang taun-tao’y nagpapagunita sa mga tao ng kanilang mga kasanalan, sapagkat ang dugo ng mga toro at ng mga kambing ay hindi makapapawi ng mga kasalanan.

Dahil diyan, nang si Kristo’y manaog sa sanlibutan, sinabi niya sa Diyos,
“Ang mga hain at handog na mga hayop ay hindi mo ibig,
kaya’t inihanda mo ang aking katawan upang maging hain.
Hindi mo kinalugdan ang mga handog na susunugin at ang mga handog na susunugin at ang mga handog dahil sa kasalanan.
Kaya’t aking sinabi, ‘Narito ako, O Diyos, upang tupdin ang iyong kalooban’
ayon sa nasusulat sa Kasulatan tungkol sa akin.”

Sinabi muna niya, “Hindi mo inibig o kinalugdan ang mga hain at handog na mga hayop, mga handog na susunugin ay mga handog dahil sa kasalanan” bagamat ito’y inihahandog ayon sa Kautusan. Saka niya sinabi, “Narito ako upang tupdin ang iyong kalooban.” Inalis ng Diyos ang unang handog at pinalitan ng handog ni Kristo. At dahil sa kanyang pagsunod sa kalooban ng Diyos, nilinis tayo ni Hesukristo sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng minsang paghahandog ng kanyang sarili at iyo’y sapat na.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 39, 2 at 4ab. 7-8a. 10. 11

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

Ako ay naghintay sa ‘king Panginoon.
At dininig niya ang aking pagtaghoy;
tinuruan niya ako pagkatapos
ng bagong awiting pampuri sa Diyos.

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

Ang mga panghandog, pati mga hain,
at mga hayop na handang sunugin
hindi mo na ibig sa dambana dalhin,
upang yaong sala’y iyong patawarin;
sa halip, ang iyong kaloob sa akin
ay ang pandinig ko upang ika’y dinggin.

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

Ang pagliligtas mo’y aking inihayag
saanman magtipon ang ‘yong mga anak;
di ako titigil ng pagpapahayag.

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

Ang pagliligtas mo’y ipinagsasabi,
di ko inilihim sa aking sarili;
pati pagtulong mo’t pag-ibig na tapat,
sa mga lingkod mo’y isinisiwalat.

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

ALELUYA
Mateo 11, 25

Aleluya! Aleluya!
Papuri sa Diyos Ama
pagkat ipinahayag n’ya
Hari s’ya ng mga aba.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 3, 31-35

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, dumating ang ina at mga kapatid ni Hesus. Sila’y nasa labas ng bahay at ipinatawag siya. Noon nama’y maraming taong nakaupo sa palibot ni Hesus, at may nagsabi sa kanya, “Nariyan po sa labas ang inyong ina at mga kapatid; ipinatatawag kayo.” “Sino ang aking ina at mga kapatid?” ani Hesus. Tumingin siya sa mga nakaupo sa palibot niya at nagwika: “Ito ang aking ina at mga kapatid! Sapagkat ang sinumang tumatalima sa kalooban ng Diyos; ay siya kong ina at mga kapatid.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Ang mensahe ng kaligtasan ni Jesus at ng kanyang buhay ang ating pamantayan ng paghahanap sa kalooban ng Diyos. Manalangin tayo sa ating Diyos Ama upang tumalima at mamuhay tayo sa kanyang mga aral.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Gawin Mo kaming mga lingkod ng Iyong kalooban.

Ang Simbahan nawa’y mamuhay sa diwa ng Ebanghelyo at laging hanapin ang kalooban ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating pananampalataya nawa’y mapalalim natin sa pamamagitan ng ating paglilingkod sa mga dukha, may kapansanan, at mga mahihina, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat nawa’y maging mga tunay na miyembro ng pamilya ng Diyos sa pagiging tapat sa kalooban ng Amang nasa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang Salita ng Diyos nawa’y gawin nating buhay sa pamamagitan ng pagsasabuhay nito sa lahat ng pagkakataon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namatay nawa’y makatanggap ng walang hanggang liwanag at walang hanggang kapahingahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, gawin mo kaming karapat-dapat na maging bahagi ng iyong pamilya sa pamamagitan ng aming buhay pananampalataya na ipinahayag ng aming mabubuting gawain. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 98,229 total views

 98,229 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 120,339 total views

 120,339 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 194,850 total views

 194,850 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 191,346 total views

 191,346 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Abril 11, 2026

 673 total views

 673 total views Sabado sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 4, 13-21 Salmo 117, 1 at 14-15. 16ab-18. 19-21 Pinupuri

Read More »

Biyernes, Abril 10, 2026

 2,698 total views

 2,698 total views Biyernes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 4, 1-12 Salmo 117, 1-2 at 4. 22-24. 25-27a Batong

Read More »

Huwebes, Abril 9, 2026

 2,702 total views

 2,702 total views Huwebes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 3, 11-26 Salmo 8, 2a at 5. 6-7. 8-9 Maningning

Read More »

Miyerkules, Abril 8, 2026

 2,344 total views

 2,344 total views Miyerkules sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 3, 1-10 Salmo 104, 1-2. 3-4. 6-7. 8-9 D’yos ay

Read More »

Sabado, Marso 7, 2026

 10,158 total views

 10,158 total views Sabado sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Mikas 7, 14-15. 18-20 Salmo 102, 1-2. 3-4. 9-10. 11-12 Ang ating mahabaging D’yos

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top