MARTES, OKTUBRE 24, 2023

SHARE THE TRUTH

 4,047 total views

Martes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kaya Paggunita kay San Antonio Maria Claret, obispo

Roma 5, 12. 15b. 17-19. 20b-21
Salmo 39, 7-8a. 8b-9. 10. 17

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

Lucas 12, 35-38

Tuesday of the Twenty-ninth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of St. Anthony Mary Claret, Bishop (White)

UNANG PAGBASA
Roma 5, 12. 15b. 17-19. 20b-21

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid, ang kasalana’y pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao, at ang kamatayan sa pamamagitan ng kasalanan niya. Dahil dito, lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao sapagkat ang lahat ay nagkasala.

Totoo ngang nagdala ng kamatayan sa marami ang pagsuway ni Adan, ngunit malaki ang kahigtan ng kagandahang-loob ng Diyos at ng kaloob na dumating sa napakarami sa pamamagitan ng isang tao – si Hesukristo. Sa pamamagitan ng isang tao – si Adan – naghari ang kamatayan dahil sa kanyang kasalanan. Ngunit sa pamamagitan din ng isang tao – si Hesukristo – higit ang kinamtan ng mga kinahabagan nang sagana at pinawalang-sala: sila’y maghahari sa buhay. Kay laki ng kahigtan ng pagpapalang ito kaysa kasawiang iyon.

Kaya’t kung paanong nagbunga ng kaparusahan sa lahat ang kasalanan ng isang tao, ang pagkamatuwid naman ng isang tao ay nagdulot ng kapatawaran at buhay sa lahat. Sapagkat sa pagsuway ng isang tao ay marami ang naging makasalanan, gayun din naman, marami ang pawawalang-sala sa pagsunod ng isang tao.

Ngunit kung dumami man ang kasalanan, lalo namang sumagana ang kagandahang-loob ng Diyos. Kaya nga, kung paanong naghari ang kasalanan sa pamamagitan ng kamatayan, gayun din naman maghahari ang kagandahan ng loob ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapawalang-sala upang kamtan ang buhay na walang hanggang sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesukristo.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 39, 7-8a. 8b-9. 10. 17

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

Ang mga panghandog, pati mga hain,
at mga hayop na handang sunugin
hindi mo na ibig sa dambana dalhin,
upang yaong sala’y iyong patawarin;
Sa halip, ang iyong kaloob sa akin
ay ang pandinig ko upang ika’y dinggin.

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

Kaya ang tugon ko, “Ako’y naririto;
nasa Kautusan ang mga turo mo.
Ang nais kong sundi’y iyong kalooban;
aking itatago sa puso ang aral.”

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

Ang pagliligtas mo’y aking inihayag
saanman magtipon ang ‘yong mga anak;
di ako titigil ng pagpapahayag.

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

Silang lumalapit sa iyo’y dulutan
ng ligaya’t galak na walang kapantay;
bayaang sabihing: “Ang Poon ay Dakila!”
Ng nangaghahangad maligtas na kusa.

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

ALELUYA
Lucas 21, 36

Aleluya! Aleluya!
Manalanging walang humpay
samantalang hinihintay
si Hesus na Poong mahal.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 12, 35-38

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Maging handa kayo at sindihan ang inyong mga ilawan. Tumulad kayo sa mga taong naghihintay sa pag-uwi ng kanilang panginoon mula sa kasalan, para pagdating niya ay mabuksan agad ang pinto. Mapalad ang mga alipin na abutang nagbabantay pagdating ng kanilang panginoon. Sinasabi ko sa inyo, maghahanda siya, padudulugin sila sa hapag, at maglilingkod sa kanila. Mapapalad sila kung maratnan niya silang handa, dumating man siya ng hatinggabi o madaling-araw siya dumating.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-29 Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Sa ating pagtanggap ng biyaya ng pananampalataya, tinatawag tayo upang maging masunurin, magkaroon ng pag-asa, at maging handang salubungin si Kristo sa anumang oras. Ipanalangin natin ang ating mga kapwa nang may pananalig.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Basbasan mo ang iyong mga tapat na lingkod, Panginoon.

Ang Santo Papa, mga obispo, at mga pari nawa’y tapat na maglingkod sa kalipunan ng mga sumasampalataya nang may kasipagan at dedikasyon, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y lumago sa ating pagsusulong para sa katarungan at pag-ibig sa pamamagitan ng ating buong pusong paglilingkod sa araw-araw na buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Matuto nawa tayong ibahagi sa bawat isa ang anumang mayroon tayo at sumaksi sa pamumuhay nang may pag-asa, bilang paghahanda sa pagbabalik ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga dumaranas ng pagsubok sa buhay nawa’y patuloy na maniwala at umasa sa Diyos na nagbibigay ng lahat ng bagay para sa ating kabutihan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y magdiwang sa sinag ng bukang-liwayway ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Walang hanggang Ama, hindi namin alam ang araw ni ang oras kung kailan magbabalik ang iyong Anak upang kami ay hatulan. Tingnan mo ang aming mga panalangin bilang tanda ng aming pananampalataya sa kanyang pagdating. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 183,351 total views

 183,351 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 205,461 total views

 205,461 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 277,188 total views

 277,188 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 266,492 total views

 266,492 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Abril 11, 2026

 6,947 total views

 6,947 total views Sabado sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 4, 13-21 Salmo 117, 1 at 14-15. 16ab-18. 19-21 Pinupuri

Read More »

Biyernes, Abril 10, 2026

 8,972 total views

 8,972 total views Biyernes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 4, 1-12 Salmo 117, 1-2 at 4. 22-24. 25-27a Batong

Read More »

Huwebes, Abril 9, 2026

 8,976 total views

 8,976 total views Huwebes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 3, 11-26 Salmo 8, 2a at 5. 6-7. 8-9 Maningning

Read More »

Miyerkules, Abril 8, 2026

 5,834 total views

 5,834 total views Miyerkules sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 3, 1-10 Salmo 104, 1-2. 3-4. 6-7. 8-9 D’yos ay

Read More »

Sabado, Marso 7, 2026

 13,648 total views

 13,648 total views Sabado sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Mikas 7, 14-15. 18-20 Salmo 102, 1-2. 3-4. 9-10. 11-12 Ang ating mahabaging D’yos

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top