Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Obispo ng Basilan, humingi na ng tulong sa National Government,
kaugnay ng El Nino

SHARE THE TRUTH

 301 total views

Humingi na ng tulong sa National Government ang Prelatura ng Isabela de Basilan kaugnay ng El Nino phenomenon na labis ng nakakaapekto sa lalawigan.

Ayon kay Isabela de Basilan Bishop Martin Jumoad, kailangan nila ng sustainable solution sa problema mula sa pamahalaan na hindi lamang ang pagrarasyon ng tubig ang kailangan lalo na at hindi naman regular din itong natutugunan.

“Hindi ko kaya ang kampanya na mga-isa, kahit bigyan natin sila ng rasyon ng tubig good for one day lang, kailangan sustainable talaga, kailangan ng National Government na mag interfere talaga para hindi lamang one day malutas ang problema, kailangan sustainable solution to the problems,” pahayag ni Bishop Jumoad sa panayam ng Radyo Veritas.

Sinabi ng Obispo, na labis na naapektuhan sa kanilang diocese ang mga magsasaka dahil sa pagkatuyot ng kanilang pananim lalo na at November ng 2015 hanggang ngayon ay hindi pa sila nakakaranas ng pag-ulan.

Dagdag pa ni Bishop Jumoad, may mga namamatay na rin dahil sa atake sa puso sa kanilang lugar.

“Mahirap na mahirap na dito sa Basilan dahil November pa wala ng ulan hanggang ngayon, mainit na mainit , kawawa ang mamamayan, may mga namamatay na dahil sa heart attack, may water rationing pero hindi naman regular, sometimes hindi nag follow ng schedule, ang Isablea Waterworks District, hindi na makapagbigay ng tubig. Kawawa mga farmers, kasi walang ulan, nahirapan pa sila sa presyo ng mga goods.” Ayon pa sa obispo.

Napag-alamang December nagpalabas na ng Oratio Imperata ang Prelatura para sa mga parokyang nasasakupan nito upang manalangin na umulan.

“Since December dito sa Prelatura nagdasal na kami ng ulan, we have the prayer for rain applicable sa Prelatura ng Isabela lahat ng mga parokya at mga barangay ang nasasakop nito…” ayon pa kay Bishop Jumoad.

Sa latest report ng Pagasa, nasa mahigit 30 lalawigan sa bansa ang apektado ng Drought, dry spell at dry condition sa ngayon.

Sa Laudato Si ni Pope Francis, mariin nitong hinihimok ang mamamayan na pangalagaan ang kalikasan para maiwasan ang malalang epekto ng climate change gaya ng El Nino at La Nina.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng mga OFW

 73,834 total views

 73,834 total views Mga Kapanalig, dadagsa ang mga OFW at mga kapamilya natin sa abroad na uuwi ng Pilipinas ngayong Pasko. Pero marami rin ang hindi

Read More »

Awa at hustisya

 90,006 total views

 90,006 total views Mga Kapanalig, nagdesisyon na ang International Criminal Court (o ICC) hinggil sa apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na repasuhin ang

Read More »

Hanggang saan aabot ang ₱500 mo?

 129,717 total views

 129,717 total views Mga Kapanalig, bahagi na ng kulturang Pilipino tuwing Pasko ang noche buena. Naghahanda tayo ng espesyal na pagkain—kahit simple lang—para ipagdiwang ang kapanganakan

Read More »

PORK BARREL

 189,559 total views

 189,559 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 201,850 total views

 201,850 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 96,590 total views

 96,590 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 202,857 total views

 202,857 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 228,671 total views

 228,671 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 239,312 total views

 239,312 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top