Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LINGGO, ENERO 1, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,076 total views

Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos
(Araw ng Kapayapaang Pandaigdig)

Bilang 6, 22-27
Salmo 66, 2-3. 5. 6 at 8

Kami’y iyong kaawaan,
pagpalain, Poong mahal.

Galacia 4, 4-7
Lucas 2, 16-21

Solemnity of Mary, The Holy Mother of God (White)
World Day of Prayer for Peace

UNANG PAGBASA
Bilang 6, 22-27

Pagbasa mula sa aklat ng mga Bilang

Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Sabihin mo kay Aaron at sa kanyang mga anak na ito ang ang sasabihin nila sa pagbebendisyon nila sa mga Israelita:
Pagpalain ka nawa at ingatan ng Panginoon;
nawa’y kahabagan ka niya at subaybayan;
lingapin ka nawa niya at bigyan ng kapayapaan.
Ganito nila babanggitin ang pangalan ko sa pagbebendisyon sa mga Israelita at pagpapalain ko ang mga ito.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 66, 2-3. 5. 6 at 8

Kami’y iyong kaawaan,
pagpalain, Poong mahal.

O Diyos, pagpalain kami’t kahabagan,
kami Panginoo’y iyong kaawaan,
upang sa daigdig mabatid ng lahat
ang iyong kalooban at ang pagliligtas.

Kami’y iyong kaawaan,
pagpalain, Poong mahal.

Nawa’y purihin ka ng mga nilikha,
pagkat matuwid kang humatol sa madla;
ikaw ang patnubay ng lahat ng bansa.

Kami’y iyong kaawaan,
pagpalain, Poong mahal.

Purihin ka nawa ng lahat ng tao,
purihin ka nila sa lahat ng dako.
Ang lahat sa ami’y iyong pinagpala,
nawa’y igalang ka ng lahat ng bansa.

Kami’y iyong kaawaan,
pagpalain, Poong mahal.

IKALAWANG PAGBASA
Galacia 4, 4-7

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia

Mga kapatid:
Noong dumating ang takdang panahon, sinugo ng Diyos ang kanyang Anak. Isinilang siya ng babae, at namuhay sa ilalim ng Kautusan upang palayain ang mga nasa ilalim ng Kautusan. Sa gayun, tayo’y mabibilang na mga anak ng Diyos.

Upang ipakilalang kayo’y mga anak ng Diyos, pinagkalooban niya tayo ng Espiritu ng kanyang Anak nang tayo’y makatawag sa kanya ng “Ama! Ama ko!” Kaya’t hindi ka na alipin kundi anak. Sapagkat anak, ikaw ay tagapagmana ayon sa kalooban ng Diyos.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Hebreo 1, 1-2

Aleluya! Aleluya!
N’ong dati’y mga propeta
ngayon nama’y Anak niya
ang sugo ng D’yos na Ama.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 2, 16-21

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon: Nagmamadali ang mga pastol na lumakad patungong Betlehem at nakita nila sina Maria at Jose, at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban. Kaya’t isinaysay nila ang mga sinabi ng anghel tungkol sa sanggol na ito; at nagtaka ang lahat ng nakarinig sa sinabi ng mga pastol. Natanim sa isip ni Maria ang mga bagay na ito at kanyang pinagbulay-bulay. Umalis ang mga pastol na nagpupuri sa Diyos at nagpapahayag ng kanyang kadakilaan dahil sa lahat ng narinig nila at nakita na ayon sa ibinalita sa kanila ng anghel.

Pagdating ng ikawalong araw ay tinuli ang bata at pinangalanang Hesus – ang pangalang ibinigay ng anghel bago pa siya ipinaglihi.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos
(Araw ng Kapayapaang Pandaigdig)

Ngayon ay Araw ng Kapayapaang Pandaigdig. Sa harap ng mahigpit nating pangangailangan sa kapayapaan sa daigdig, ipanalangin natin sa Diyos ang mahalagang kaloob na ito sa pamamagitan ni Mariang Reyna ng Kapayapaan. Manalangin tayo:

Panginoon, dinggin Mo kami!

Para sa buong Simbahang mag-anak ng Diyos sa lupa: Nawa siya’y maging kasangkapan para sa pakikipagkasundo ng sangkatauhan. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa at lahat ng pinunong panrelihiyon: Nawa magtagumpay sila sa kanilang mga patuloy na pagsisikap sa pagtataguyod ng kapayapaan sa mundo. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng bansa sa mundo, lalo na iyong may digmaan: Nawa matagpuan nila sa kanilang pagkakapatiran ang batayan ng kanilang pagkakasundo. Manalangin tayo!

Para sa ating lipunang tinatampukan ng di pagkakapantay-pantay at pagpapairal ng kanila lamang sariling kapakanan: Nawa lahat ng mamamayan ay lumago sa kanilang kamalayang panlipunan, paggalang sa karapatan ng kanilang kapwa, at malasakit sa kapakanang panlahat. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng Pilipinong mag-anak, lalo na iyong wala nang kapayapaan at pagkakaunawaan: Nawa tulungan sila ng diwa ng panahong ito upang makaraos sila sa kanilang mga kahirapan. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan. (Tumahimik sandali.) Manalangin tayo!

Ama, tulutan Mong pagharian ng Iyong kapayapaan ang aming mga puso at kami’y gawin Mong kasangkapan ng pakikipagkasundo sa aming mag-anak at pamayanan. Isinasamo namin ito sa ngalan ni Hesus, na Prinsipe ng Kapayapaang nabubuhay at naghaharing walang hanggan.

Amen!

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 8,754 total views

 8,754 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 76,242 total views

 76,242 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 97,307 total views

 97,307 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 120,055 total views

 120,055 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 157,013 total views

 157,013 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Lunes, Hunyo 29, 2026

 1,103 total views

 1,103 total views Dakilang Kapistahan nina Apostol San Pedro at San Pablo Mga Gawa 12, 1-11 Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9 Ang D’yos ang siyang

Read More »

Linggo, Hunyo 28, 2026

 2,317 total views

 2,317 total views Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) 2 Hari 4, 8-11. 14-16a Salmo 88, 2-3. 16-17. 18-19 Pag-ibig mong walang maliw ay lagi kong

Read More »

Sabado, Hunyo 27, 2026

 3,651 total views

 3,651 total views Sabado ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Cirilo ng Alejandria, obispo at pantas ng Simbahan o kaya Paggunita sa

Read More »

Biyernes, Hunyo 26, 2026

 4,773 total views

 4,773 total views Biyernes ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Hari 25, 1-12 Salmo 136, 1-2. 3. 4-5. 6 Kung ika’y aking limutin, wala

Read More »

Huwebes, Hunyo 25, 2026

 5,576 total views

 5,576 total views Huwebes ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Hari 24, 8-17 Salmo 78, 1-2. 3-5. 8. 9 Dahil sa ngalan mo, Poon,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top