Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LINGGO, MAYO 14, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,378 total views

Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (A)

Mga Gawa 8, 5-8. 14-17
Salmo 65, 1-3a. 4-5. 6-7a. 16 at 20

Sangkalupaang nilalang,
galak sa Poo’y isigaw.

1 Pedro 3, 15-18
Juan 14, 15-21

Sixth Sunday of Easter (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 8, 5-8. 14-17

Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol

Noong mga araw na iyon: Nagpunta si Felipe sa isang lungsod ng Samaria at ipinangaral doon ang Mesiyas. Nang mabalitaan ng mga tao at makita ang mga kababalaghang ginagawa niya, pinakinggan nilang mabuti ang sinasabi niya. Sapagkat ang masasamang espiritu ay umaalis sa mga taong inaalihan nito at sumisigaw habang lumalabas; maraming lumpo at mga pilay ang napagaling. Kaya’t nagkaroon ng malaking kagalakan sa lungsod na iyon. Nang mabalitaan ng mga apostol na nasa Jerusalem na tinanggap ng mga Samaritano ang Salita ng Diyos, sinugo nila roon sina Pedro at Juan. Pagdating doon, ipinanalangin nila ang mga Samaritano upang sila’y tumanggap din ng Espiritu Santo, sapagkat hindi pa ito bumababa sa kaninuman sa kanila. Sila’y nabinyagan lamang sa pangalan ng Panginoong Hesus. At ipinatong nina Pedro at Juan ang kanilang kamay sa kanila at tumanggap sila ng Espiritu Santo.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 65, 1-3a. 4-5. 6-7a. 16 at 20

Sangkalupaang nilalang,
galak sa Poo’y isigaw.

o kaya: Aleluya!

Sumigaw sa galak ang mga nilalang
at purihin ang Diyos na may kagalakan;
wagas na pagpuri sa kanya’y ibigay!
Ito ang sabihin sa Diyos na Dakila:
“Ang mga gawa mo ay kahanga-hanga.”

Sangkalupaang nilalang,
galak sa Poo’y isigaw.

Ang lahat sa lupa ika’y sinasamba
awit ng papuri yaong kinakanta;
ang iyong pangala’y pinupuri nila.
Ang ginawa ng Diyos, lapit at pagmasdan.
Ang kahanga-hangang ginawa sa tanan.

Sangkalupaang nilalang,
galak sa Poo’y isigaw.

Naging tuyong lupa kahit yaong tubig,
at ang nuno natin ay doon tumawid;
kaya naman tayo’y nagalak nang labis.
Siya’y naghaharing may lakas ang bisig.

Sangkalupaang nilalang,
galak sa Poo’y isigaw.

Lapit at makinig, ang nagpaparangal
sa Diyos, at sa inyo’y aking isasaysay
ang kanyang ginawang mga kabutihan.
Purihin ang Diyos! Siya’y papurihan,
yamang ang daing ko’y kanyang pinakinggan,
at ang pag-ibig n’ya ay aking kinamtan.

Sangkalupaang nilalang,
galak sa Poo’y isigaw.

IKALAWANG PAGBASA
1 Pedro 3, 15-18

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pedro

Mga pinakamamahal:

Idambana ninyo sa inyong puso si Kristong Panginoon. Humanda kayong lagi na magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa inyong pag-asa. Ngunit maging mahinahon at mapitagan kayo sa inyong pagpapaliwanag. Panatilihin ninyong malinis ang inyong budhi upang mapahiya ang mga umaalipusta at tumutuya sa inyong magandang asal bilang mga lingkod ni Kristo. Higit na mainam ang kayo’y magdusa dahil sa paggawa ng mabuti, sakali mang loobin ito ng Diyos, kaysa magdusa kayo dahil sa paggawa ng masama. Sapagkat si Kristo’y namatay para sa inyo. Namatay siya dahil sa kasalanan ng lahat – ang walang kasalanan para sa mga makasalanan – upang iharap kayo sa Diyos. Siya’y namatay ayon sa laman, at muling binuhay ayon sa Espiritu.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Juan 14, 23

Aleluya! Aleluya!
Ang sa aki’y nagmamahal,
tutupad sa aking aral,
Ama’t ako’y mananahan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 14, 15-21

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon: Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kung iniibig ninyo ako, tutuparin ninyo ang aking mga utos. Dadalangin ako sa Ama, at kayo’y bibigyan niya ng isa pang Patnubay na magiging kasama ninyo magpakailanman. Ito’y ang Espiritu ng katotohanan, na hindi matanggap ng sanlibutan sapagkat hindi siya nakikita ni nakikilala ng sanlibutan. Ngunit nakikilala ninyo siya, sapagkat siya’y sumasainyo at nananahan sa inyo.

“Hindi ko kayo iiwang nangungulila; babalik ako sa inyo. Kaunting panahon na lamang at hindi na ako makikita ng sanlibutan. Ngunit ako’y makikita ninyo; sapagkat mabubuhay ako, at mabubuhay rin kayo. Malalaman ninyo sa araw na yaon na ako’y sumasa-Ama, kayo’y sumasaakin, at ako’y sumasainyo.

“Ang tumatanggap sa mga utos ko at tumutupad nito and siyang umiibig sa akin. Ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama; iibigin ko rin siya, at ako’y lubusang magpapakilala sa kanya.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (A)

Nagpapasalamat tayo sa Pangi- noon sa kanyang ipinangakong Banal na Espiritu at kanyang pagtitiyak na hindi niya tayo uulilahin. Taglay ang matibay na pananalig sa kanyang “Diyos sa atin,” idulog natin sa kanya ang ating mga kahilingan at manalanging:

Panginoon, ikaw ang aming pag-asa at lakas!

Na ang buong Simbahang Katolika, ang mag-anak ng Diyos sa lupa, ay manatiling kasama ni Hesus sa pakikipagkaisa sa Ama at pamamatnubay ng Espiritu, manalangin tayo!

Na patuloy tayong pukawin ng Santo Papa at lahat ng ating mga pinunong espirituwal sa kanilang mabuting halimbawa, palakasin tayo ng kanilang pagdarasal, at patnubayan tayo sa kapangyarihan ng Espiritu, manalangin tayo!

Na panaigin ng mga pinunong pambayan ang batas at ang kapa- kanan ng mga hamak na tao, tulad ng mga walang lupa, walang tirahan, o walang hanapbuhay, manalangin tayo!

Na ang mga taga-Israel at Palestina ay matutong mamuhay sa maayos na pakikipagtulungan sa lupang dumanas na ng labis na patayan at pagkamuhi, manalangin tayo!

Na dinggin nating lahat at sundin ang mga utos ng Diyos, sa udyok ng pag-ibig sa Kanya at paghahangad na maging kalugud-lugod sa Kanya, manalangin tayo!

Na ang mga ina nawa’y maging mapag-aruga, mahinahon, at mapag-pasensya sa kanilang mga anak tulad ni Maria kay Hesus. At nawa sila’y pagpalaing lubos sa pag-ibig na kanilang ipinakita, manalangin tayo!

Tahimik nating idulog ang ating mga sariling kahilingan. (Tumigil sandali.) Manalangin tayo!

Panginoong Hesus, ikaw ang bukal ng aming pag-asa at kaligtasan. Patuloy mong ihanda ang aming mga puso para sa pagtanggap ng iyong Espiritu ng Kabanalan, habang pinagsisikapan naming patunayan ang aming pag-ibig sa iyo sa pagtupad namin sa aming pang-araw-araw na tungkulin. Ikaw na nabubuhay at naghahari magpakailanman! Amen!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DESTABILIZATION

 15,207 total views

 15,207 total views Kapanalig, hindi dapat ipinagsasawalang bahala ang “destabilization plots”., ito ay paanyaya ng violence, pangpahina ng pamahalaan., pananabotahe sa gobyerno., pagkompromiso sa social fabric

Read More »

POWER OF PURSE

 80,335 total views

 80,335 total views Kapanalig, taon-taon…tayo ay nagpapakahirap sa pagta-trabaho, obligado tayong nagbabayad ng buwis., umaasang gagamitin ng pamahalaan sa tama ang ating pinaghirapang pera. Pinapaniwala tayo

Read More »

Huwag kalimutan ang mga EJK victims

 40,955 total views

 40,955 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng publiko sa nagpapatuloy na kontrobersya sa mga flood control projects, huwag sana nating kalimutan ang mga

Read More »

Taun-taong pagsubok sa agrikultura

 102,934 total views

 102,934 total views Mga Kapanalig, maraming sakahan ang nalunod at nasira dahil sa pagbahang dulot ng Super Typhoon Uwan, at labis na naapektuhan ang ani ng

Read More »

Victim-blaming sa gitna ng delubyo

 122,892 total views

 122,892 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, sa kasagsagan ng pananalanta ng Super Typhoon Uwan, nag-viral sa social media si Pangasinan Second District representative Mark

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 37,400 total views

 37,400 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 37,631 total views

 37,631 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 38,132 total views

 38,132 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 27,761 total views

 27,761 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 27,870 total views

 27,870 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top