Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 298,117 total reads

Kapanalig, taon-taon…tayo ay nagpapakahirap sa pagta-trabaho, obligado tayong nagbabayad ng buwis., umaasang gagamitin ng pamahalaan sa tama ang ating pinaghirapang pera. Pinapaniwala tayo ng gobyerno na ang binabayad nating buwis ay para naman sa atin., pinapagawa ng mga lansangan, mga pagamutan, mga paaralan., sa mga flood control project. Pero ang masakit na katotohanan., humugit-kumulang sa 40-porsiyento ng national budget o General Appropriations Act ay nasasayang lamang, ninanakaw o kaya napunta sa korapsyon.

Sa 5-trilyong pisong national budget., 2-trilyong piso, opo Kapanalig., 2-trilyong piso ay nawawala. Ang ninakaw na pera ng taumbayan ay nakapagpatayo sana ng 10,000 bagong silid-aralan(classrooms) 100-bago at modernong pagamutan, daang-libong kilometrong ligtas na lansangan. Sa halip, ang dalawang trilyong piso ay ginamit sa pagtatag ng mga dynasty.

Ang totoo Kapanalig, nagawang perpekto na ng Kongreso ang formula o pamamaraan sa pandarambong. Wala sa bokabularyo ng mga pulitiko ang serbisyo publiko., kundi para sa sariling interes at kapakinabangan.
Taon-taon, hino-hostage ng mga mambabatas ang pondo hanggat hindi pumapayag ang mga ahensiya ng pamahalaan sa kanilang kagustuhan. Binu-bully nila ang mga kalihim ng ahensiya ng gobyerno. Isinasalpak nila ang mga proyekto na hindi naman kailangan o kapaki-pakinabang sa national budget., siempre upang magkaroon ng kickback.

Talo pa ng mga mambabatas, maging ng executive branch ang mga arkitekto, dinisenyo nila ang budget structure sa kanilang kapritso. Noong nabunyag ang ginagawang budget insertions sa “unprogrammed appropriations”, pinalitan lang nila ito ng pangalan na ginawang “standby funds”. Kahit naiba ng pangalan, ito ay lump-sum allocations pa rin, hindi pa rin maaring busisiin ng mamamayang Pilipino ngunit ang pondo ay naghihintay lamang na ibubulsa ng mga nasa kapangyarihan sa Kongreso at executive branch ng pamahalaan.

Kapanalig, nabago na ang pangalan ngunit ang alingasaw ng katiwalian ay nananatili pa rin. Kasunod nito ay nakakasulasok na cycle…isang normal na kalakaran na lamang. Ang mga proyekto ay hindi base sa pangangailangan kundi para sa mabilisang komisyon, pre-selected na ang mga kontraktor, manipulado na ang bidding., ang halaga ng proyekto ay itinaas ng 20 hanggang 40-porsiyento, nagiging triple na ang ghost projects., nawawasak o nagigiba ang mga sub-standard na proyekto, naglalaho ang mga audit., ang masakit, naiwan para sa taumbayan ay mga sira-sira at hindi natatapos na mga tulay, mga lansangan, mga gumuhong pananggalang sa baha., binabahang lansangan.

Ang nakakagalit, ang power of purse ng mga nasa kongreso at ehekutibo ay naging lisensiya ng pagnanakaw. Ang matindi., ang ginagawang pagnanakaw sa pera ng bayan ay legal sa mata ng batas.
Kapanalig, tayo ay namumuhay sa tinaguriang “kickback economy” kung saan ang kaban ng bayan ay ginagawang pribadong kapital ng mga tiwaling mambabatas at opisyal ng pamahalaan.

Kapanalig, hanggat bahagi ng kalakaran o pundasyon ng Kongreso ang budget insertions, kickbacks at lump-sum funds., hindi na tayo maisasalba ng anumang anti-corruption campaign ng pamahalaan. Matapos ang isang taon, ang mga mambabatas at mga opisyal na sangkot sa korapsyon ay ligtas na naman sa pananagutan. Ang kahihiyan ay wala sa bokabolaryo ng mga walanghiya!

Kapanalig, naniniwala pa rin tayo sa sinasabi ng PROVERBS 29:16 “When the wicked thrive, so does sin, but the righteous will see their downfall.”

Nararapat nating mabawi ang para sa ating mga Pilipino., ang buwis, ang ating dignidad., ang ating kinabukasan

Sumainyo ang Katotohanan.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 18,433 total reads

 18,433 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 37,581 total reads

 37,581 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 77,273 total reads

 77,273 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 111,401 total reads

 111,401 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 167,806 total reads

 167,806 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LEADERSHIP PROBLEM

 37,582 total reads

 37,582 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 77,274 total reads

 77,274 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 111,402 total reads

 111,402 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 167,807 total reads

 167,807 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »
Scroll to Top