Paninindigan laban sa katiwalian, panawagan ni Cardinal David sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 42,322 total reads

Inaanyayahan ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David ang mga Pilipino na makiisa sa paninindigan laban sa katiwalian sa pamahalaan.

Iginiit ni Cardinal David na nararapat sama-samang kumilos ang taumbayan sa pagsusulong ng transparency at mapanagot ang mga sangkot sa ibat-ibang anomalya sa pangangasiwa sa kaban ng bayan.

Sa November 23, ipagdiriwang ang ika-100 taon ng Christ the King sa National Shrine of Mary Queen of Peace o EDSA Shrine.
2:30 ng hapon, magsisimula ang prusisyon na iikot sa Ortigas pabalik ng EDSA shrine at ganap na 4:30 ng hapon, pangungunahan ni Cardinal David ang banal na misa at programa kasama ang civil society groups bilang paghahanda sa ikalawang Trillion Peso march sa ika-30 ng Nobyembre sa People Power monument.

Inihayag ni Cardinal David na layon ng pagkilos na muling isaayos ang mga institusyon na winasak ng kultura ng katiwalian.

“Para sa muling pagsasaayos ng mga institusyong winasak ng kultura ng katiwalian. Marami po ang mga bagong mukha ng people power ngayon: ang mamamayang naninindigan, nagmamatyag, nagbabantay, nagmamalasakit. At narito ang Simbahan, katuwang ng gobyerno at civil society organizations upang tiyakin na totoo, matino, at tapat ang paggamit ng kaban ng bayan. Dumarami na rin po ang mga kabataan at mga digital influencers — hindi mga paid trolls, hindi propaganda machines,” ayon sa mensahe ni Cardinal David.

Binigyan diin naman ni Running Priest Father Robert Reyes, kasapi nang Clergy for Good Governance at isa sa mga organizer ng pagkilos na napakahalaga ng pakikiisa ng mas maraming Pilipino ngayong nababalot ng katiwalian ang pamahalaan.

Sa pamamagitan nito ay mapapalakas ang paninindigan at panawagan ng mga Pilipino na labanan ang katiwalian at mapanagot ang mga sangkot sa mga korapsyon katulad ng maanomalyang flood control project.

“Kayo ay humingi ng tawad, kayo ay magsisi talaga at isauli nyo ang inyong ninakaw. Yan po ang diwa ng pagdiriwang natin ng Krisong Hari. Magkita-kita po tayong lahat sa EDSA Shrine, lahat ng nais sumama dito. Alas 2:30, tulak ng prosesyon sa paligid ng EDSA Shrine, Ortigas, ADB Avenue.Balik dito. At alas 4.30, sa bisa ni Cardinal Ambo David at doon natin mapapakinggan ang kanyang malalim na pagninilay tungkol sa mga naganap,” ayon sa mensahe ay paanyaya ni Father Reyes.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 19,092 total reads

 19,092 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 38,705 total reads

 38,705 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 78,369 total reads

 78,369 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 112,497 total reads

 112,497 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 168,902 total reads

 168,902 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top