Prayer Caravan for Integrity and Conversion, isasagawa ng Diocese of Bacolod

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,781 total reads

Magsasagawa ang Diyosesis ng Bacolod ng isang malawakang Prayer Caravan for Integrity and Conversion bilang pagpapalalim sa pananampalataya at pagkilalang si Kristo ang tunay na Hari ng sanlibutan sa ika-23 ng Nobyembre, 2025 kasabay ng Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari.

Ayon sa pamunuan ng diyosesis, layunin ng nakatakdang gawain na ipahayag ang sama-samang paninindigan ng Simbahang Katolika laban sa anumang uri ng katiwalian sa lipunan.

Layunin din ng Prayer Caravan for Integrity and Conversion na patuloy na ipahayag ang panawagan ng Diyosesis ng Bacolod para sa pananagutan, katapatan, katarungan, at moral na pagbabagong-loob sa pamayanan.

“On the Feast of Christ the King, the Diocese of Bacolod will lead a diocesan-wide Prayer Caravan for Integrity and Conversion to deepen the faithful’s celebration of Christ’s sovereign rule and to express the Catholic Church’s collective stand against corruption. The initiative forms part of the diocese’s ongoing call for accountability, transparency, justice, and moral renewal.” Bahagi ng pahayag ng Diyosesis ng Bacolod.

Nilinaw naman ng pamunuan ng diyosesis na hindi ito isang political rally, kundi isang taimtim na prayer rally kung saan itatalaga ng mga mananampalataya ang buong Diyosesis ng Bacolod at maging ang buong bansa sa paghahari ni Hesukristo.

Tampok din sa pagdiriwang ang ika-100 taon ng pagkakatatag ng Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari sa Simbahang Katolika.

“The Diocese emphasized that the activity is not a political demonstration but a prayerful rally in which the faithful will consecrate the Diocese of Bacolod and the whole nation to the kingship of Jesus Christ. This year also marks the 100th anniversary of the institution of the Feast of Christ the King.” Dagdag pa ng Diyosesis ng Bacolod.

Inaanyayahan ang lahat ng mga parokya, kapilya, paaralang Katoliko, at iba’t ibang organisasyong layko at relihiyoso na makibahagi sa nakatakdang Prayer Caravan for Integrity and Conversion.

Hinihikayat din ang mga makikibahagi sa gawain na magsuot ng puti, magdala ng white ribbons o maliit na puting watawat, habang tanging mga placards mula sa mga organizer ang pahihintulutan, at hindi rin papayagan ang anumang pag-rally o pag-chant, bilang pagpapakita na ito ay isang payapa at taimtim na gawain na nakatuon sa paggunita ng Simbahan ng Jubilee Year of Hope bilang Pilgrimage of Hope na isang paglalakbay-panalangin para sa kapayapaan at pagbabagong-loob.

“Parishes, chaplaincies, Catholic schools, and various lay and religious organizations are encouraged to participate in the simultaneous caravan. Participants are asked to wear white, bring white ribbons or flags, and carry essential items. Placards will be limited to those distributed by organizers, and no chanting will be permitted, underscoring the event’s nature as a Pilgrimage of Hope.” Ayon pa sa Diyosesis ng Bacolod.

Magsisimula ang Prayer Caravan sa pagtitipon ng bawat parokya bago magtungo sa mga nakatalagang tatlong convergence points, susundan naman ito ng isang Holy Hour, sabayang prusisyon, at concelebrated Mass na sasamahan ng pagbabasbas at ng Act of Consecration of the Human Race to the Sacred Heart of Jesus.

Inaasahan ng Diyosesis ng Bacolod na ang gawaing ay magsisilbing panawagan tungo sa panibagong buhay, paninindigan para sa katotohanan, at muling pagkilala sa kataas-taasang paghahari ni Kristo sa lipunan at sa bansang Pilipinas.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 20,094 total reads

 20,094 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 40,219 total reads

 40,219 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 79,826 total reads

 79,826 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 113,954 total reads

 113,954 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 170,359 total reads

 170,359 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 20,095 total reads

 20,095 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top