Digital TV ng Radyo Veritas, ilulunsad bago matapos ang taong 2025

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,280 total views

Mas paiigtingin ng Radyo Veritas 846 ang gawaing ebanghelisasyon sa pamamagitan ng mas makabagong platform upang mas maabot ang mga pamilyang Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay Fr. Roy Bellen, pangulo ng himpilan, inaasahang mailulunsad na ang digital TV ng Radyo Veritas sa Cebu bago matapos ang taon bilang bahagi ng pagpapalawak ng ministeryo ng simbahan sa multimedia.

“In the age of modern technology, we will continue to embrace modernization to share the joy of the Gospel in every Filipino home. Hopefully, we will fully launch the digital TV in Cebu by the end of this year, so that our evangelization and catechism programs are not only heard through radio or watched online, but also on television,” pahayag ni Fr. Bellen sa Radyo Veritas.

Binigyang-diin ng pari na ang hakbang na ito ay tugon sa panawagan ng Simbahang Katolika na gamitin ang makabagong teknolohiya upang mapalawak ang pagtuturo ng katesismo at mga aral ng simbahan sa bawat komunidad.

Ito rin ay pagtalima sa Digital Terrestrial Television Broadcasting (DTTB) program ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na nagtatakda ng paglipat mula analog patungong digital broadcast.

Sa ika-22 ng Nobyembre 2025, ipapatupad ng National Telecommunication Commission ang “total shutdown”ng analog sa National Capital Region o Metro Manila.

Bilang media arm ng Archdiocese of Manila, tiniyak ni Fr. Bellen na patuloy na pagbubutihin ng himpilan ang mga paraan ng pagpapahayag ng Mabuting Balita.

“Radyo Veritas continues to enhance its communication methods to reach even the most remote areas of our country. True to the mission of our station to expand the Church in multimedia and our vision to be the leading social communications ministry for truth and new evangelization,” dagdag ng pari.

Kamakailan ay lumagda ang Radyo Veritas, sa pangunguna ni Fr. Bellen, ng kasunduan sa Word Broadcasting Corporation ng Society of the Divine Word (SVD) missionary sa Cebu, na nangangasiwa sa DyRF Radio Fuerza.

Layon ng kasunduan ang pagtutulungan upang maitaguyod ang mga programa ng simbahan sa telebisyon. Sa ilalim ng partnership, mapapanood ang digital TV ng Radyo Veritas sa Channel 47, kasama ang DyRF, TV Maria at Cebu Catholic Television Network (CCTN).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 28,240 total views

 28,240 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 102,854 total views

 102,854 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 182,933 total views

 182,933 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 226,072 total views

 226,072 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 225,458 total views

 225,458 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top