Taun-taong pagsubok sa agrikultura

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 318,343 total views

Mga Kapanalig, maraming sakahan ang nalunod at nasira dahil sa pagbahang dulot ng Super Typhoon Uwan, at labis na naapektuhan ang ani ng ating mga magsasaka.

Sa bayan ng Talavera, Nueva Ecija, halimbawa, nasira ang lahat ng bukirin. Walang natirang sibuyas, kamatis, at iba pang gulay. Sa pagkasira ng mga tanim sa mga maraming lugar, nagbabadya ang kakulangan sa pagkain. Kapag bumaba ang suplay, tiyak na tataas ang presyo ng pagkain. Maghihigpit ng sinturon ang mga mamimili (kasama ang mga magsasaka), at sa huli, mahihirapan ang mga magsasakang makabangon mula sa pinsalang dulot ng bagyo.

Iniulat ng Department of Agriculture (DA) na umabot sa 188 milyong piso ang halaga ng pinsala sa agrikultura sa maraming probinsya sa Luzon at ilang lugar sa Visayas. Pinakamalaki ang pinsala sa palay. Naapektuhan din ang mais, cassava, at iba pang high-value crops. Apektado ang kabuhayan ng mahigit anim na libong magsasaka. Dahil sa taas ng ilan, ilang araw ding hindi nakapalaot ang mga kababayan nating mangingisda.

Taun-taon tayong nakararanas ng matitinding bagyo, kaya’t malinaw na patuloy din ang mga hamong haharapin ng ating mga magsasaka at mangingisda. Kaya mahalagang tanungin: handa ba ang gobyerno at ang mga komunidad sa ganitong uri ng sakuna? Anu-anong maaaring gawin upang matiyak na matatag ang kabuhayan ng ating mga magsasaka at mangingisda?

Inanunsyo ng DA na may nakahandang humigit-kumulang isang bilyong piso na tulong para sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng mga nagdaang bagyo. Gagamitin ang pondong ito para mamahagi sa mga magsasaka ng binhi ng palay, mais, at high-value crops. Ang mga nag-aalaga ng hayop ay bibigyan ng pagkain para sa hayop. Fingerlings naman ang matatanggap ng mga mangingisda. Makauutang din ng hanggang ₱25,000 ang mga interesadong magsasaka at mangingisda mula sa Survival and Recovery Loan Program. Babayaran ito sa loob ng tatlong taon nang walang interes.

Pero may pangmatagalang solusyon din na kailangan. Isa sa mga ito ang pagpasa sa National Land Use Act (o NLUA), isang panukalang batas na halos 30 taon nang isinusulong! Patuloy ang panawagan ng iba’t ibang grupo na ipasa ito upang matiyak na ang paggamit ng lupa ay nakatutugon sa pangangailangan ng mga magsasaka, katutubo, at lokal na pamayanan. Itutuwid ng NLUA ang maling paggamit ng lupa na nagpapalala ng pagbaha, tagtuyot, at iba pang kalamidad, at nagdudulot din ng mas malalim na kawalan ng katarungan. Sa pamamagitan ng maayos na land use planning, mas magiging handa ang bansa, at mas mababawasan ang pinsala sa sektor ng agrikultura tuwing may sakuna.

Paulit-ulit na paghihirap ang dinaranas ng ating mga magsasaka at mahihirap tuwing may kalamidad, at lalala pa ito dahil sa mga super typhoon na madalas nang namumuo. Hindi natin mapipigilan ang pagdating ng super typhoon dahil ito ay isang realidad na para sa ating bansa, ngunit sa pamamagitan ng tamang batas at wastong disaster response, kaya nating bawasan ang pagdurusa ng ating mga kababayan. Tandaan natin: climate change is a justice issue

Binibigyang-diin sa Laudato Si’ na ang climate change ay isang pandaigdigang problemang may mabibigat na epekto sa kapaligiran, lipunan, ekonomiya, pulitika, at pamamahagi ng yaman. Ang mga epekto nito ay unang nararamdaman ng mahihirap, at marami sa kanila ay umaasa sa agrikultura gaya ng mga kababayan nating magsasaka at mangingisda.

Mga Kapanalig, kailangan natin ng mga patakarang nagtatanggol sa ating likas-yaman at nagpoprotekta sa mga magsasaka at mangingisdang pinakaapektado taun-taon. Nakaugat ito sa Genesis 2:15: “Pinatira ng Panginoong Dios sa halamanan ng Eden ang taong nilikha niya para mag-alaga nito.” May tungkulin tayo, bilang indibidwal at sambayanan, na harapin ang epekto ng climate change at tiyaking walang naiiwan.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 48,325 total views

 48,325 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 172,736 total views

 172,736 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 215,061 total views

 215,061 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 292,983 total views

 292,983 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Lights! Camera! Action?

 48,326 total views

 48,326 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 172,737 total views

 172,737 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 215,062 total views

 215,062 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »
Scroll to Top