Pag-ahon sa mga mahihirap, paiigtingin pa ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 42,653 total views

Binibigyan ng Caritas Manila ng oportunidad ang mga mahihirap na makaahon sa kanilang kinalugmukhang sitwasyon.

Ito ang tiniyak at mensahe ni Father Anton CT Pascual – Caritas Manila Executive Director sa paggunita ng World Day of the Poor.

Ayon sa Pari, bukod sa pamamahagi ng pagkain, hygiene kits at shelters assistance sa mga biktima ng kalamidad ay pinapalakas din ng Caritas Manila ang mga livelihood programs at scholarship sa mga mahihirap na estudyante.

Iginiit ni Father Pascual na ang edukasyon ang tugon upang malabanan ang kahirapan.

“Ayaw po natin ng dole-out, ayaw natin ng ayuda, ito ay pang-emergency lang ang mahalaga po, bigyan natin ng dignidad ang mga dukha, tulungan natin sila na matulungan ang kanilang sarili, sa ating karanasan sa Caritas Manila, naniniwala po tayo na ang mahirap ay hindi naman- wala lang silang oportunidad, ito po ang ating ibigay sa kanila,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Pascual.

Tiniyak ng Pari na isasabuhay ng Caritas Manila ang panawagan ni Pope Francis na i-ahon at bigyan ng marangal na pamumuhay ang mga benepisyaryo nito.

“Ito po ay itinatag ni Pope Francis upang itaas ang ating kamalayan, kamulatan, pananagutan sa kalagayan ng mga dukha as buong mundo, lalung-lalu na sa ating bansa,” bahagi pa ng panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Pascual.

Patuloy na pinapalakas ng Caritas Manila ang Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP na mayroong humigit-kumulang na 5,000 scholars mula sa iba’t-ibang panig ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 30,646 total views

 30,646 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 52,651 total views

 52,651 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 76,993 total views

 76,993 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 100,605 total views

 100,605 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 134,084 total views

 134,084 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top