HUWEBES, HULYO 13, 2023

SHARE THE TRUTH

 1,929 total reads

Huwebes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kaya Paggunita kay San Enrico

Genesis 44, 18-21. 23b-29; 45, 1-5
Salmo 104, 16-17. 18-19. 20-21

Gunitain nang malugod
ang dakilang gawa ng D’yos.

Mateo 10, 7-15

Thursday of the Fourteenth Week in Ordinary Time (Green)
or Optional Memorial of St. Henry, King (White)

UNANG PAGBASA
Genesis 44, 18-21. 23b-29; 45, 1-5

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Noong mga araw na iyon, lumapit si Juda kay Jose at ang wika, “Nakikiusap po ako, ginoo, kung inyong mamarapatin. Huwag sana ninyong ikagagalit. Ang palagay ko sa inyo’y para na kayong Faraon. Ginoo, tinanong ninyo kung mayroon pa kaming ama at kapatid. Ang tugon po namin ay may ama kaming matanda na at bunsong kapatid na anak niya sa katandaan. Sinabi pa naming patay na ang kapatid nito at siya na lamang ang buhay na anak ng kanyang ina, kaya mahal na mahal siya ng aming ama. Iniutos ninyong dalhin siya rito upang inyong makita. Ang wika naman ninyo’y hindi na ninyo kami tatanggapin dito kung hindi namin siya maihaharap sa inyo.

“Ang lahat ng ito’y sinabi namin sa aming ama nang umuwi kami. Muli kaming inutusan ng aming ama na pumarito upang bumili ng pagkain. Ipinaalaala namin sa kanya na hindi ninyo kami tatanggapin kung hindi kasama ang bunso naming kapatid. Sinabi po niya sa amin: ‘Alam naman ninyo na dalawa lamang ang anak ng kanilang ina. Wala na ang isa; maaaring niluray ng mabangis na hayop. At kung ang natitira ay isasama pa ninyo, maaaring mamatay ako sa dalamhati.’”

Hindi na mapigil ni Jose ang kanyang damdamin, kaya pinaalis niya ang kanyang tagapaglingkod. Nang sila na lamang ang naroon, ipinagtapat ni Jose sa kanyang mga kapatid kung sino siya. Sa lakas ng kanyang iyak, narinig siya ng mga Egipcio, kaya’t ang balita’y mabilis na nakarating sa palasyo. “Ako si Jose!” ang pagtatapat niya sa kanyang mga kapatid. “Buhay pa bang talaga ang ating ama?” Nagulantang sila sa kanilang narinig at hindi nakasagot. “Lumapit kayo,” wika ni Jose. Lumapit nga sila, at nagpatuloy siya sa pagsasalita, “Ako nga si Jose, ang inyong kapatid na ipinagbili ninyo sa Egipto. Ngunit huwag na ninyong ikalungkot ang nangyari. Huwag ninyong sisihin ang inyong sarili sa ginawa ninyo sa akin. Ang Diyos ang nagpadala sa akin dito upang iligtas ang inyong buhay.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 104, 16-17. 18-19. 20-21

Gunitain nang malugod
ang dakilang gawa ng D’yos.

Sa lupain nila’y mayroong taggutom na ipinarating
itong Panginoon, kung kaya nagdahop sila sa pagkain.
Subalit ang Diyos sa unahan nila’y may sugong lalaki
tulad ng alipin, ibinenta nila ang batang si Jose.

Gunitain nang malugod
ang dakilang gawa ng D’yos.

Mga paa nito’y nagdanas ng hirap nang ito’y ipangaw,
pati leeg niya’y pinapagk’wintas ng kolyar na bakal;
hanggang sa dumating ang isang sandali na siya’y subukin
nitong Panginoon, na siyang nangakong siya’y tutubusin.

Gunitain nang malugod
ang dakilang gawa ng D’yos.

Ang kinasangkapan niya’y isang hari, siyang nagpalaya,
pinalaya siya nitong haring ito na namamahala,
doon sa palasyong tahanan ng hari pinapamahala,
sa buong lupain, si Jose’y ginawa niyang katiwala.

Gunitain nang malugod
ang dakilang gawa ng D’yos.

ALELUYA
Marcos 1, 15

Aleluya! Aleluya!
Ang D’yos ay maghahari na,
talikdan ang tanang sala,
manalig sa balita n’ya.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 10, 7-15

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga apostol, “Humayo kayo at ipangaral ninyo na malapit nang maghari ang Diyos. Pagalingin ninyo ang mga maysakit at buhayin ang mga patay. Pagalingin ninyo ang mga ketongin at palayasin ang mga demonyo. Yamang tumanggap kayo nang walang bayad, magbigay naman kayo nang walang bayad. Huwag kayong magdala ng salapi maging ginto, pilak, o tanso – sa inyong mga lukbutan. Huwag din kayong magdala ng supot sa inyong paglalakbay, ni bihisan, pampalit na panyapak, o tungkod; sapagkat ang manggagawa ay may karapatang sa kanyang ikabubuhay.

“At saanmang bayan o nayon kayo dumating, humanap kayo ng taong karapat-dapat pakituluyan, at manatili kayo roon habang kayo’y nasa lugar na iyon. Pagpasok ninyo sa bahay, sabihin ninyo, ‘Maghari nawa ang kapayapaan sa bahay na ito!’ Kung karapat-dapat ang mga tao sa bahay na iyon, panatilihin ninyo sa kanila ang inyong bati. Ngunit kung hindi, bawiin ninyo ito. At kung ayaw kayong tanggapin o pakinggan sa isang tahanan o bayan, umalis kayo roon at ipagpag ang alikabok ng inyong mga paa. Sinasabi ko sa inyo na sa Araw ng Paghuhukom ay higit na mabigat ang ipaparusa sa mga tao sa bayang yaon kaysa dinanas ng mga taga-Sodoma at taga-Gomorra.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Tayo ay kabahagi sa walang hanggang plano ng Diyos. Pinili ni Kristo ang bawat isa sa atin sa dahilang tanging siya lamang ang nakababatid. Itaas natin ang ating mga panalangin sa Diyos na siyang nangangalaga sa atin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Mapagbigay na Diyos, pakinggan Mo kami.

Ang Simbahan nawa’y patuloy na mag-anyaya at magsugo ng marami pang misyonero upang ipahayag ang kaligtasan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong nalilito o kulang sa paggalang sa sarili nawa’y maunawaan ang plano ng Diyos para sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga tumatanggi sa mga tagapagpadala ng mensahe ng Diyos at sa katotohanang kanilang taglay nawa’y makadama ng habag ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong may malubhang karamdaman nawa’y tanggapin nang bukas-loob ang Sakramento ng Pagpapagaling at Pakikipag-kasundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na namayapa nawa’y makapiling ni Kristo sa huling hantungan ng kaluwalhatian ng kanyang paghahari, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama ng aming Panginoong Jesu-Kristo, inampon mo kami bilang iyong mga anak. Tulungan mo kaming pahalagahan ang maraming biyayang ito habang itinataas namin sa iyo ang aming panalangin sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

THE LOST LESSONS

 54 total reads

Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future

Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa. Ika nga ng pinuno ng Caritas Manila, “education is great equalizer”.

Ngunit, papaano kung ang mismong pundasyon na siyang magtatakda ng nation’s future ay dahan-dahang bumabagsak?

Kapanalig, ang Pilipinas ay patuloy na nahaharap sa seryosong krisis pang-edukasyon, hindi lamang ito banta at balakid sa kinabukasan ng milyun-milyong mga mag-aaral na Pilipino kundi sa misyong social at economic development ng bansa.

Dahil sa korapsyon, siksikang mga silid-alaran, kulang-kulang na learning materials, sagad sa trabahong mga guro, patuloy na pagbaba ng academic performance…mababanaag natin ang masakit na katotohanan., milyun-milyong mga mag-aaral ang pumapasok sa paaralan., ngunit marami sa kanila ang hindi nakakatanggap na kuwalidad ng edukasyon na nararapat para sa kanila.

Sinasabi ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2), umaabot sa 49-porsiyento ng mga mag-aaral ay hindi nakakapagbasa sa inaasahan nilang grade level na Grade 3 noong school year 2024-2025.

Ang lalong nakakaalarma Kapanalig: 0.40-percent lamang ng mga estudyante ay nakakaabot ng kanilang profiency sa Grade 12.

Inilalantad ng findings ang nakakabahalang agwat sa pagitan ng pagpasok sa eskuwelahan at natutuhan.

Ang dahilan ng krisis: kakulangan sa sapat na school facilities. Maraming pampublikong paaralan ay nagkakasya sa siksikang silid-aralan, kulang na mga upuan, outdated na mga libro, limitadong learning resources. Noong July 2026, nasa 166,000 ang backlog sa mga silid-aralan sa buong Pilipinas. Ang nakakalungkot, bukod sa kakulangan ng kasanayan sa pagtuturo, ang mga guro ay ‘multi-tasking”.

Kapanalig sa lahat ng krisis na nararanasan sa bansa ay dulot ng kahirapan. Hindi pantay ang oportunidad, paano ka matuto kung ilang kilometro ang lalakarin mo bago makarating sa paaralan, kumakalam ang sikmura, walang access sa learning resources at kailangan pang magbanat ng buto pagkatapos ng klase upang masuportahan ang hapag-kainan. Kapanalig, sa mga mahihirap, hindi fundamental right ang edukasyon., napaka-layong maabot.

Nakasaad sa ARTICLE XIV, Section 1- “The State shall protect and promote the right of all citizens to quality education at all levels and shall take appropriate steps to make such education accessible to all.”

Sa harap ng reyalidad na ito? Nasaan ang gobyerno? Ano ang ginagawa ng mga opisyal ng pamahalaan? Nasaan ang Kongreso? Nasaan ang pangulo ng Pilipinas? Ano ang ginagawa sa bilyun-bilyong pisong pondo kada taon sa Kagawarang Pang-Edukasyon?

Kapanalig, sinasabing “A country cannot build a brighter future by leaving its children behind.”

Kapanalig, sinasabi ng Deuteronomy 6:6-7, “These words I am commanding you today are to be upon your hearts. And you shall teach them diligently to your children and speak of them when you sit at home and when you walk along the road, when you lie down and when you get up”.

Sumainyo ang Katotohanan.

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 50,431 total reads

Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang ating kinabukasan at naglalagay sa panganib sa ating mga buhay.

Bawat taon, nahaharap ang iba’t-ibang komunidad sa malalakas na bagyo, mapinsalang baha, pagguho ng lupa, matinding init ng panahon at matagal na tagtuyot.

Sa kabila ng paulit-ulit na nararanasang trahedya, ang mahalagang katanungan: Sapat ba pa ang ating paghahanda sa maaring tumamang kalamidad?

Ang nakakaalarma Kapanalig, tayo mismo ang tatamaan ng pinsala dahil sa ating kapabayaan. Tayo ang may kasalanan sa hindi tamang waste disposal, laganap ang illegal logging, walang habas na pagmimina sa mga kabundukan, irresponsible development tulad ng PAX Silica at walang pakundangang pagsira sa ating natural na ecosystems.

Mayroon ba tayong ginagawa? May ginagawa ba ang ating gobyerno?

Kapanalig ang disaster preparedness ay hindi dapat ginagawa kapag papalapit na ang bagyo. Nararapat ang ating pamahalaan ay mamuhunan sa matatag na infrastructure, epektibong drainage system, epektibong early warning mechanism, madaling ma-access na evacuation centers, at kumpleto sa kagamitan ang response team.

Pero, ang tanong: Prayoridad ba ng ating mga lider ang pagtugon sa climate crisis? Para sa kanila, sayang lang ang pondo, mas maiging maibulsa muna.

Kapanalig, ang pinakamasaklap na tragedya ay hind isa pananalasa ng kalamidad… kundi sa pagkawala ng inosenteng buhay, dahil sa ating kabiguang maghanda sa kalamidad na alam natin kung kailan mangyayari.

Sa Laudato Si ni Pope Francis: Iginigiit sa mga lider ng bansa at mamamayan ang una: Response to the Cry of the Earth tulad ng paggamit ng malinis na renewable energy at pagbabawas sa paggamit ng fossil fuels; Pangalawa- Response to the Cry of the Poor, Pangatlo: Ecological Economics, sapat na produksyon,patas na kalakalan, ethical na pamumuhunan at iwasan ang mapinsalang economic activity.

Pang-apat: Adoption of Simple Lifestyles, payak na pamumuhay at iwasan ang labis-labis na paggamit ng resources at enerhiya gayundin ang pagbabawas sa pagkain ng karne.

Panglima: Ecological Education, pagre-design sa educational curricula at educational institution reform sa diwa ng integral ecology at ecological vocation ng bawat mamayan.

Pang-anim: Ecological Spirituality,isabuhay ang pagiging mabuting katiwala ng sangnilikha at pangpito:
Community involvement.

Ganito dapat ang mindset nating mga Pilipino, lalu ng mga lider ng bansa sa halip na maging ganid sa pera ng taumbayan.

Sumainyo ang Katotohanan.

NO REGRETS

 9,968 total reads

Gospel Reading for November 19, 2026 – Luke 9: 41-44

NO REGRETS

As Jesus drew near Jerusalem, he saw the city and wept over it, saying, “If this day you only knew what makes for peace– but now it is hidden from your eyes. For the days are coming upon you when your enemies will raise a palisade against you; they will encircle you and hem you in on all sides. They will smash you to the ground and your children within you, and they will not leave one stone upon another within you because you did not recognize the time of your visitation.”

————

Due to the Jewish insurgency against the Romans, which started in 66 CE, Jerusalem was besieged by Roman soldiers under the command of Titus in 70 CE. The Second Temple was destroyed, and large numbers of residents died from combat, disease, and starvation. Many survivors were enslaved or executed, while the treasures of the Temple were paraded in Rome.

Biblical scholars believe that this was the event Jesus was referring to. He wept because he knew the suffering and death it would bring to his countrymen. He did not think that the Jews deserved such a fate, even though he himself would also experience suffering and death at their hands. He simply regretted that they had not listened to him and understood the importance of spiritual life above governments and politics.

When we listen and follow God’s Word, there will be NO REGRETS.

Lord Jesus, may godly matters always be the priority in our lives. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THE LOST LESSONS

 56 total reads

 56 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 50,433 total reads

 50,433 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 184,840 total reads

 184,840 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 270,224 total reads

 270,224 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 334,058 total reads

 334,058 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Nobyembre 5, 2026

 32,274 total reads

 32,274 total reads Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 4, 2026

 34,795 total reads

 34,795 total reads Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33

Read More »

Martes, Nobyembre 3, 2026

 36,880 total reads

 36,880 total reads Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Martin de Porres, namanata sa Diyos Filipos 2, 5-11 Salmo

Read More »

Lunes, Nobyembre 2, 2026

 35,398 total reads

 35,398 total reads Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10.

Read More »

Linggo, Nobyembre 1, 2026

 36,499 total reads

 36,499 total reads Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top