BIYERNES, OKTUBRE 20, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,440 total views

Biyernes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Roma 4, 1-8
Salmo 31, 1-2. 5. 11

Sa ‘yong tulong at pagtubos
ako’y binigyan mong luagod.

Lucas 12, 1-7

Friday of the Twenty-eighth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Roma 4, 1-8

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid, tungkol naman kay Abraham na ating ninuno, ano ang masasabi natin? Ano ang kanyang karanasan tungkol sa bagay na ito? Kung siya’y pinawalang-sala dahil sa mga gawa, may ipagmamalaki siya. Ngunit wala siyang maipagmamalaki sa paningin ng Diyos, sapagkat sinabi ng Kasulatan: “Nanalig sa Diyos si Abraham. Dahil dito, siya’y pinawalang-sala ng Diyos.” Ang ibinibigay sa taong gumagawa ay hindi ibinibilang na kaloob kundi upa. Datapwat ang hindi gumagawa kundi nananalig sa Diyos na nagpapawalang-sala sa makasalanan ay pinawalang-sala dahil sa kanyang pananalig. Kaya’t tinawag ni David na mapalad ang taong pinawalang-sala nang di dahil sa mga gawa:

“Mapapalad yaong ang mga pagsuway ay ipinatawad na, at ang mga kasalana’y napawi na.

Mapalad ang tao na ang mga kasalanan ay nilimot na ng Panginoon.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 31, 1-2. 5. 11

Sa ‘yong tulong at pagtubos
ako’y binigyan mong lugod.

Mapalad ang tao na pinatawad na yaong kasalanan,
at nalimot na rin ang kanyang nagawang mga pagsalansang;
mapalad ang taong sa harap ng Poon ay di naparatangan
dahilan sa siya ay di nagkasala at hindi nanlinlang.

Sa ‘yong tulong at pagtubos
ako’y binigyan mong lugod.

Ako ay lumapit sa iyong harapan at sala’y inamin,
ang aking ginawang mga pagsalansang di ko inilihim;
pinagpasiyahan kong ang lahat ng ito sa iyo’y idaing,
at aking natamo ang iyong patawad sa sala kong angkin.

Sa ‘yong tulong at pagtubos
ako’y binigyan mong lugod.

Lahat ng matuwid at tapat sa Poon, magalak na lubos,
dahil sa natamo nilang kabutihang kaloob ng Diyos;
sumigaw sa galak ang lahat ng taong sa kanya’y sumunod.

Sa ‘yong tulong at pagtubos
ako’y binigyan mong lugod.

ALELUYA
Salmo 32, 22

Aleluya! Aleluya!
Diyos na maaasahan,
kami’y iyong kaawaan,
kalingain at damayan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 12, 1-7

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, samantalang dumaragsa ang libu-libong tao, anupat nagkakatapakan sila, nagsalita muna si Hesus sa kanyang mga alagad, “Mag-ingat kayo sa lebadura ng mga Pariseo – ito’y ang pagpapaimbabaw. Walang natatago na di malalantad, at walang nalilihim na di mabubunyag. Anumang sabihin ninyo sa dilim ay maririnig sa liwanag at anumang ibulong ninyo sa mga silid ay ipagsisigawan.

“Sinabi ko sa inyo, mga kaibigan, huwag ninyong katakutan ang mga pumapatay ng katawan, at pagkatapos ay wala nang magagawa pa. Sasabihin ko sa inyo kung sino ang dapat ninyong katakutan: katakutan ninyo yaong pagkatapos na pumatay ay may kapangyarihan pang magbulid sa impiyerno. Sinasabi ko sa inyo, ang Diyos ang dapat ninyong katakutan!

Hindi ba ipinagbibili sa halagang dalawang pera lamang ang limang maya? Gayunman, kahit isa sa kanila’y hindi pinababayaan ng Diyos. Maging ang buhok ninyo’y bilang na lahat. Kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa mga maya.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Manalangin tayo sa Ama sa Langit nang may ganap na tiwala, upang maging malaya sa lahat ng nakapaparalisang takot at magkaroon tayo ng tapang na itatag ang kanyang Kaharian.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Mapagmahal na Ama, tanggalin mo ang aming mga takot.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y hindi panghinaan ng loob sa mga hamon ng pagbabago at maging lalong masigasig at maalab sa paghahatid ng pagbabago at pagbabalik-loob sa lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga inuusig dahil sa kanilang paniniwala kay Jesu-Kristo nawa’y mapalakas at mapanatili sa kanilang pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong mga Kristiyano nawa’y makatagpo ng kasiyahan sa ating pananampalataya sa gitna ng mga pagsubok at pagkabahala, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdurusa sa buhay na ito, lalo na ang mga maysakit, nawa’y makaranas ng mapagpagaling na kalinga ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y umani ng gantimpala sa kanilang pagpapagal, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama ng lahat ng oras at panahon, bigyan mo kami ng tapang at lakas upang magsumikap kami sa paggawa ng mabuti. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Instrumento ng karahasan

 34,209 total views

 34,209 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 76,101 total views

 76,101 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 130,144 total views

 130,144 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 157,206 total views

 157,206 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 172,778 total views

 172,778 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Abril 30, 2026

 1,005 total views

 1,005 total views Huwebes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Pio V, papa Mga Gawa 13, 13-25 Salmo 88, 2-3.

Read More »

Miyerkules, Abril 29, 2026

 2,411 total views

 2,411 total views Paggunita kay Santa Catalina de Siena, dalaga at pantas ng Simbahan Mga Gawa 12, 24 – 13, 5a Salmo 66, 2-3. 5. 6

Read More »

Martes, Abril 28, 2026

 2,411 total views

 2,411 total views Martes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Pedro Chanel, pari at martir o kaya Paggunita kay San Luis

Read More »

Lunes, Abril 27, 2026

 2,054 total views

 2,054 total views Lunes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay (II) Mga Gawa 11, 1-18 Salmo 41, 2. 3; Salmo 42, 3. 4. Aking

Read More »

Linggo, Abril 26, 2026

 1,471 total views

 1,471 total views Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (A) Mga Gawa 2, 14a. 36-41 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top