SABADO, OKTUBRE 21, 2023

SHARE THE TRUTH

 3,069 total views

Sabado ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado

Roma 4, 13. 15-18
Salmo 104, 6-7. 8-9. 42-43

Nasa isip ng Maykapal
ang tipan niya kailanman.

Lucas 12, 8-12

Saturday of the Twenty-eighth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

UNANG PAGBASA
Roma 4, 13. 16-18

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid, ipinangako ng Diyos kay Abraham at sa kanyang lahi na mamanahin nila and sanlibutan, hindi dahil sa pagsunod niya sa Kautusan kundi sa kanyang pananalig sa Diyos at sa gayo’y siya’y pinawalang-sala.

Kaya nga, ang pangako ay nababatay sa pananalig upang ito’y maging isang kaloob sa lahi ni Abraham — hindi lamang sa mga sumusunod sa Kautusan kundi sa lahat ng nananalig sa Diyos, tulad niya, yamang siya ang ama nating lahat. Ganito ang nasusulat: “Ginawa kitang ama ng maraming bansa.” Ang pangakong ito ay may bisa sa harapan ng Diyos na kanyang pinanaligan, ang Diyos na bumubuhay sa mga patay at lumikha sa lahat ng bagay. Bagamat wala nang pag-asang magkaanak, nanalig pa rin si Abraham na siya’y magiging ama ng maraming bansa, ayon sa sinabi sa kanya, “Kasindami ng bituin ang magiging lahi mo.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 104, 6-7. 8-9. 42-43

Nasa isip ng Maykapal
ang tipan niya kailanman.

o kaya: Aleluya.

Ito’y nasaksihan ng mga alipi’t anak ni Abraham,
gayun din ang lahat na anak ni Jacob na kanyang hinirang.
Ang Panginoong Diyos ay ang Panginoon, siya ang ating Diyos,
sa kanyang paghatol ay ang nasasaklaw, buong sansinukob.

Nasa isip ng Maykapal
ang tipan niya kailanman.

Ang tipang pangako’y laging nasa isip niya kailanman,
ang mga pangakong kanyang binitiwan sa lahat ng angkan.
Ang tipan ng Diyos ay unang ginawa niya kay Abraham,
at may pangako ring ginawa kay Isaac na lingkod na mahal.

Nasa isip ng Maykapal
ang tipan niya kailanman.

Nagunita ng Diyos ang kanyang ginawang mahalagang tipan,
ang pangako niya sa tapat na lingkod niyang si Abraham.
Kaya’t ang bayan niya’y kanyang inilabas na lugod na lugod,
nang kanyang ialis, umaawit sila nang buong alindog.

Nasa isip ng Maykapal
ang tipan niya kailanman.

ALELUYA
Juan 15, 26b. 27a

Aleluya! Aleluya!
Kayo at ang Espiritu
ang s’yang magpapatotoo
tungkol sa aral ni Kristo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 12, 8-12

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Sinasabi ko sa inyo, ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilanlin din naman ng Anak ng Tao sa harapan ng mga anghel ng Diyos. Ngunit ang magtatwa sa akin sa harapan ng mga tao ay itatatwa ko rin naman sa harapan ng mga anghel ng Diyos.

“Ang sinumang magsalita laban sa Anak ng Tao ay mapatatawad; ngunit ang lumait sa Espiritu Santo ay hindi mapatatawad.

“Kapag kayo’y dinala nila sa sinagoga, o sa harapan ng mga tagapamahala at ng mga maykapangyarihan upang litisin, huwag ninyong isipin kung paano ninyo ipagtatanggol ang sarili o kung ano ang inyong sasabihin. Sapagkat sa oras na iyon, ang Espiritu Santo ang magtuturo sa inyo kung ano ang dapat ninyong sabihin.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Ang Panginoon ang ating seguridad. Ipahayag natin ang ating tiwala sa kanya at manalangin tayo para sa lahat ng tao na kasama natin sa paglalakbay sa buhay na ito.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng mga anghel, ikaw ang aming tanggulan.

Ang Simbahan nawa’y patuloy na ipahayag ang Salita ng Diyos sa harap ng maraming pagbatikos at paglaban, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang matutuhang magtiwala sa banal na pagpapala ng Diyos gaano man kabigat ang ating mga pasaning suliranin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga walang hanapbuhay nawa’y makakita ng trabaho at kumita ng kanilang ikabubuhay nang marangal, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nabibigatan sa pagkakasakit nawa’y makatagpo ng kasiyahan sa pag-ibig at tiwala ng mga nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y magtamo ng mahabaging hatol at walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, tulungan mo kaming manatiling tapat sa iyong salita upang magkaroon kami ng lakas na magpatuloy pasanin ang mga kahirapan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Instrumento ng karahasan

 27,805 total views

 27,805 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 69,697 total views

 69,697 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 123,740 total views

 123,740 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 150,938 total views

 150,938 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 166,934 total views

 166,934 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Abril 30, 2026

 580 total views

 580 total views Huwebes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Pio V, papa Mga Gawa 13, 13-25 Salmo 88, 2-3.

Read More »

Miyerkules, Abril 29, 2026

 1,986 total views

 1,986 total views Paggunita kay Santa Catalina de Siena, dalaga at pantas ng Simbahan Mga Gawa 12, 24 – 13, 5a Salmo 66, 2-3. 5. 6

Read More »

Martes, Abril 28, 2026

 1,986 total views

 1,986 total views Martes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Pedro Chanel, pari at martir o kaya Paggunita kay San Luis

Read More »

Lunes, Abril 27, 2026

 1,765 total views

 1,765 total views Lunes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay (II) Mga Gawa 11, 1-18 Salmo 41, 2. 3; Salmo 42, 3. 4. Aking

Read More »

Linggo, Abril 26, 2026

 1,182 total views

 1,182 total views Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (A) Mga Gawa 2, 14a. 36-41 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top